❤ 12

352 24 1
                                    

Xander' POV

Flashback

"Anak! Mag-ayos kana ng gamit mo! Lilipat na tayo sa Daddy Reid mo!" Sabi ni mama.

"Ma, bakit pa tayo lilipat?" Nalulungkot kong sabi. Lumuhod si mama para makapantay ako.

"Anak, kasal na kami, kaya kailangan magsama kami," sabi ni mama.

"E, mama, paano po si papa?"

"Papa mo parin. Tapos daddy mo naman si Roberto," sabi niya.

"Pero, ma,"

"Anak, diba napagusapan na natin to? Mahal ko ang daddy Reid mo. Atsaka magkakakuya ka naman e, si James. Seven yrs old na siya," pagpapaliwanag uli ni mama.

"Ma," sabi ko ng naiiyak.

"Xander Peralta! Iligpit mo na yung laruan mo! Malapit nang dumating Daddy Reid mo! Wag ng makulit!" Sigaw ni mama at tumayo.

Sinunod ko nalang yung utos ni mama. Ako nga pala si Xander Peralta, 5 yrs old. Namatay si papa noong 4yrs old palang ako, tapos nalaman ko nalang na kinasal na pala si mama kay daddy Reid. Hindi kami ganun kayaman tulad ni Daddy Reid pero magmula nung nawala si papa humirap kami, ng sobra.

"Hi, Hon," sabi ni daddy Reid pagkadating niya. Tapos nagkiss sila ni mama.

"Hello, honey, ito na yung gamit namin. Tara dalin na natin. Xander lumabas kana! Aayusin pa namin gamit natin!" Sabi ni mama.

Pagkalabas ko may nakita kong batang lalaki na sa tingin ko si kuya James.

"Hi, Kuya James!" Sabi ko. Pero ni hindi manlang siya tumingin kaya nanahimik nalang ako.

"James! Hi daw sabi ng kapatid mo!" Sabi ni Daddy.

"Tch. Hello," sagot niya.

"James, makipagkwentuhan ka muna kay Xander. Babalik muna ko sa loob." Sabi ni daddy kay kuya.

"Kuya James, alam mo pareho tayo ng pinagdadaanan. Namatay papa ko, ikaw naman namatay mama mo. Kaya ito nagpakasal magulang natin," kwento ko ng naiiyak.

"So? Wala akong pake. Akala mo hindi ko alam? Ano ako tanga? Tsaka nga wag itutulad yung nangyayari satin! Si dad tumutulong lang sainyo kasi wala kayong mga pera! Kaya itong mama mo nilandi ang daddy ko!" Sabi niya sabay tulak sakin. Tumulo yung luha ko.

"Huwag ka ngang umiyak. Para kang bading," sabi niya.

Nung nakita niyang lumabas na sila daddy Reid at mama biglang niya akong tinulungan tumayo at may binulong, "Wag na wag kang magsusumbong. Kung hindi, hindi lang yan makukuha mo," bulong niya.

"Oh! Anak! Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni mama.

"James, anong nangyari sa kapatid mo?" Tanong ni daddy.

"Ah, dad! Natalisod po kasi siya sa katangahan niya e! Hahahaha!" Sabi ni Kuya.

"Osiya-siya! Tara na sa kotse," sabi ni daddy.

Pinagbuksan ni daddy si mommy ng pinto sa passenger seat tapos pinagbuksan rin niya kami ni Kuya naunang pumasok si kuya tapos sumunod ako. Tapos umikot si daddy sa driver's seat.

Nakita kong naglalaro si kuya sa iPad ba tawag dun. Kaya mas lumapit pako sakanya.

"Kuya! Kuya! Palaro naman ako nyan!" Sabi ko at hinawakan ito.

"Ano ba, Xander! Bitawan mo nga to!" Sabi ni kuya.

"Palaro please," tapos hinawakan ko.

Nakita kong sadyang binagsak ni kuya yung iPad tapos sumigaw siya, "Ano ba, Xander! Ayan tuloy nasira yung iPad ko!" Sigaw niya.

"Oh, James, wag ka ng magalit. Didiretso naman tayo ng mall ibibili ko kayo ng bago ni Xander," sabi ni daddy.

"Okay, dad," nakangising sagot ni kuya.

Tapos may kinuha ulit siya sa bag at naglabas ng PSP. Lumayo nalang ako kasi baka masira ko nanaman yun.

Si mama na lagi akong pinagtatanggol ngayon di niya magawa.

Magmula ng araw na yon laging galit sakin si kuya.

---*

Magmula ng mga araw na yun mas nilamangan ko si kuya kahit saan para makapaghiganti. Nakuha ko yung atensyon ni daddy at mama. Pero di ko akalaing sobra na pala siyang nasasaktan. Sobra pa sa sakit na naramdaman ko nung bata pa kami. Kaya ngayon nagi-guily ako sa mga ginawa ko. Nakuha ko nga atensyon nila mama, pero parang di ako masaya. Yun pala dahil sa mga ginagawa kong paglalamang kay kuya na hindi naman tama. Kaya lagi nalang akong tahimik kapag nandito na si kuya sa bahay, kasi sobrang guilting-guilty ako,

Kaya ngayon hahayaan ko nalang si Ate Nadz kay kuya. Kasi ayoko ng mang-agaw uli ng atensyon na mayroon si kuya. Tama na yung nagawa kong pagkakamali. Eto nalang yung paraan ko ng pagpaparaya. Kahit mahal ko si Ate ibibigay ko nalang siya kay kuya. Magpaparaya nalang ako.

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon