❤ 16

328 28 0
                                    

Nadine' POV

*bzzt bzzt*

Ugh. Umagang-umaga sino yung magtetext. Inabot ko yung phone ko at binasa ko yung text. Nung nabasa ko kung sino napangiti nalang ako.

| From : Payatot :)

Pasok ka maaga. Mga 7:00am. Haha! Kita tayo sa rooftop. Btw, goodmorning! Iloveyou ♥ |

Ano nanaman trip nito. Tinignan ko yung oras 5:30 na.

Nagtype ako ng reply sakanya.

| To : Payatot :)

Aga naman. Ano ba meron? Haha. Goodmorning rin :) |

Tumayo nako at kumuha ng damit tapos pumasok sa banyo at naligo.

After ko maligo. Bihis, girly stuffs, blower ng buhok at ayos ng buhok. Tinignan ko kung anong oras na. 6:30 am. Tinignan ko yung phone ko kung may reply meron nga.

| From : Payatot :)

Basta! Haha! Agahan mo ha. Wala bang iloveyoutoo? Jk! Hehe. Bye na! Ingat papasok. |

Hindi ko na siya nireplayan kasi nakakatamad. Haha! Sorry siya maaga niya kong pinapasok e.

Kinuha ko na yung bag ko at bumaba sa papuntang kusina.

"Oh mam Nadz! Aga niyo naman po," sabi ni Ann.

"Ah wala lang. Sa school nako magbe-break fast paki sabi kila mommy at kuya Jakey! Alis nako! Bye!" Sabi ko tapos naglakad papuntang gate.

Lumabas nako at nagtungo sa garahe.

Sumakay ako sa kotse at binuksan yung bintana tapos sinenyasanyung guard tapos sinara na uli. Sinenyasan ko para buksan na niya yung gate.

Nilagay ko yung bag ko sa passenger seat then binuksan aircon at engine. At lumabas ng gate namin. Tinignan ko yung time it's 6:40.

---*

Nakadating na ako ng roof top walang tao. Pumunta muna ko sa gilid at tumingin ng tanawin.

Maya-maya may pumatong na malamig sa leeg ko. Pagtingin ko yung kwintas na tinignan ko kahapon sa shop. Nilingon ko yung naglagay at si... Jay yon.

Naluha nalang ako.

"Ayaw mo ba? Bakit ka umiiyak?" Jay. Panira oh. Di niya ba alam ang tears of joy.

"It's tears of joy you know!" Sabi ko sabay hampas sakanya.

"Oh! Oh! Haha! Sorry na!" Sabi niya sabay hawak sa kamay kong huma-hampas sakanya.

"Uhm, Jay. Thank you dito." Sabi ko sabay yakap sakanya.

"You're welcome, taba," sabi niya sabay yakap din sakin.

Nanatili lang kaming magkayakap nang biglang tumunog yung tiyan ko.

"Ooops, di pa pala ko kumakain. Hehe," sabi ko sabay alis sa yakap.

"Hahahahaha! Akalain mo yon! Nakayanan mong di kumain! Hahahaha!" Sabi niya habang tawa parin ng tawa.

"Che!" Sabi ko sabay hampas at tumalikod at naglakad na papunta ng hagdan palabas ng roof top.

"Oy! Oy! Saan ka pupunta?!" Sabi niya sabay hablot sakin paharap sakanya.

"Pupunta sa caf! Nagugutom ako!" Sabi ko sabay talikod sakanya. Pero hinarap parin niya ko sakanya.

"Huy! Naman e! Nagugutom na ko!" Sabi ko.

"May niluto ako! Alam kong hindi ka kakain ng umagahan kase male-late ka sa sinabi kong time kapag kumain ka pa! Kaya nagluto ako for us!" Hinila niya ko tapos binitawan at naglatag ng tela at nilabas yung pagkain mula sa basket na ngayon ko lang napansin na meron.

Nilabas ko yung ipad ko at pinicturan siya habang nag-aayos. Naka- 8 shots ata ako.

"Tara let's eat!" Sabi niya at naupo sa telang nilatag niya. Naupo narin ako at binitawan yung bag ko at ipad sa tabi. Buti nalang civillian kami every day kasi walang uniform kapag 4th year highschool, kapag 1st hanggang 3rd year highschool lang daw. Kaya naka-pants ako.

Akmang kakain siya ng hinawakan yung kamay niya.

"Op! Op! Pipicturan ko muna!" Sabi sabay kuha ng ipad at pinicturan. Tapos nilipat sa front cam at nagselfie kami.

"Oh ano? Tapos na? Kain na! Gutom na ko e!" Sabi niya. Tumango naman ako at kumuha narin ng plate at naglagay ng hotdog, fried egg, at bacon sa plate. Syempre! Mawawala ba ang fried rice? No! Madami akong kinuhang fried rice at nagsimulang kumain.

Tinignan naman ako ni Jay.

"Oh? Oo na! Ako na tataba! Che! Kumain ka nalang!" Sabi ko.

"Haha! Wala naman akong sinasabi e!" Sabi niya.

"Che!" Sabi ko at kumain.

After kumain di na namin niligpit at bumaba na. Sabi ni Jay yung pinapunta nalang daw niya ang maglilinis.

This morning is the best morning because of his suprise ♥

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon