❤ 23

172 9 0
                                    

TADAH! MEHEHE. SORRY PO KASI LAGING SHORT UPDATE. SA TABLET LANG PO AKO NAGTATYPE. ANG HIRAP MALIIT MGA DALIRI KO DI ABOT KAYA MAHIRAP. PAGPASENSYAHAN.

Love,
Nadine Alexis Paguia Lustre. JOKE HAHAHAHA

ENJOOOOOY!
---*

James' POV

Nandito ako sa labas ng hospital ng pinagcocofine ni tita. Particularly sa garden. Magpapahangin. Si Xandra ayun umiiyak parin. Gusto ko nasa tabi ako ni Xandra pero sabi ni kuya hayaan muna daw ulit namin siya.

Naawa ako sa girlfriend ko ganun agad nangyari sa nanay niya. Napaka bata pa ni tita tapos ganun agad.

"Bro," nilingon ko yung tumawag sakin si Kuya Jake pala.

"Uy, kuya,"

"Salamat,"

"Ha? Para saan?"

"Sa lahat. Sa pag-aalaga kay Nadine. Sa pagtupad na papasayahin mo siya. Sa pagsama mo sakanya dito. Sa pagcomfort mo sakanya. Sa lahat-lahat, James. Salamat,"

"Haha! Drama mo, kuya! Wala yun no. Syempre trabaho ko yun as boyfriend nya."

"Bumalik kana sa taas. Hinahanap ka ni Nadine. Sana mapasaya mo pa siya lalo ha. Ikaw na bahala sa pinsan ko,"

Iniwan ko na si Kuya. Pero bago ako umakyat bumili muna ako ng flower. May flower shop sa tabi ng hospital e.

Pagka-akyat ko nakita kong tulog si Xandra.

I just stared at her. Di ako lumapit, di rin ako nag-ingay. Naupo lang ako sa sofa.

Siguro kung hindi ko na-meet si Xandra di kami ayos ng pamilya ko. Siguro hanggang ngayon nagbabangayan pa kami. Baka nga miserable na ko ngayon palang eh. Baka nasa ospital nako kasi lagi kaming magbububugan.

Siguro marami na kong na-bully sa school. Kung hindi lang ako siguro anak ng may-ari ng school baka kick out pako e.

Kaya sobrang saya ko na nakilala ko siya sobrang saya ko. Kasi siya umayos ng buhay ko.

Iniisip ko palang na mawawala siya sakin nalulungkot na ko. What more kung mawala talaga siya di ba?

Biglang nag-vibrate phone ko which mean may text.

| From : Dad

Anak, you need to go home. Emergency. |

Ang ikli lang pero feeling ko may nangyari.

| To : Dad

Ok. |

Nilapag ko yung rose sa tabi ni Nadz kaya nagising siya.

"Xandra, I need to go home. Pinapauwi ako ni Daddy."

"Sure. Okay lang. Ngayon na ba?" Nalungkot siya.

"Sorry pero oo eh. Sorry babawi ako promise."

"Nako no need. Eto palang na pagsama mo sakin okay na. Tara samahan kita sa bahay para makapagimpake."

"No need na rin. Ako na bahala. Mas kailangan ka ng mommy mo. Alis na ko ha? Paalam mo nalang ako kila Kuya," kiniss ko siya sa noo.

"I love you, Nadine."

"I love you, too, James,"

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon