❤ 13

352 25 0
                                    

James' POV

Pagdating ko sa bahay si Xander ang nadatnan ko.

"Kuya," sabi niya. "Pwede ba tayong mag-usap?" Dugtong pa niya.

"Ano naman ang pag-u-usapan natin nyan?" Tanong ko ng kalmado. Ayoko na ng away.

"Tungkol sa relationship natin," bading ba 'to?

"Nababading kana ba? Anong relationship?! Hindi ako pumapa--," pinutol lang niya yung sasabihin ko.

"Gago ka! Hahaha! Hindi ako bading! Relationship natin, ibig sabihin magkapatid ganon! Gago to!" Sagot niya.

"Maka-gago ka wagas ha! Sorry na! Malay ko ba! Kala ko---," pinutol niya uli yung sasabihin ko.

"Tangina mo! Wag na wag mo ng babanggitin yang salita nayan!" Sigaw niya.

"Oh ano na nga. Magkapatid naman tayo ah. May problema ba dun?" Sabi ko.

"Galit ka sakin e. Sorry sa lahat ng nagawa ko, kuya James," sabi niya.

"Okay na lahat yun. Wala na kong galit. Napatawad ko na kayo. Sorry din sa inasal ko sayo, bro," sagot ko. Mukang nagulat siya na tinawag ko siyang bro.

"Oh mukang gulat ka dyan! Tara na gutom ako! Kain na tayo ng merienda, bro!" Sabi ko.

"Thank you, kuya! Thank you!" Tapos niyakap niya ko.

"Ew! Wag ka nga wala akong kapatid na bading! Kaya umayos ka!" Sagot ko.

"Tch! Niyakap lang e. Tara may lasagna dun sa kusina!" Sabi niya at hinila ko sa kusina.

Nung nasa kusina na kami kumain kami. Nang biglang dumating si mom at dad.

"Oh, kumakain pala sila e! Tara sabayan natin!" Sabi ni dad kay mom. Umupo sila at kumain.

"Mom, dad," sabi ko. Mukang nagulat sila na tinawag ko sila.

"Bakit, anak?" Sabi ni dad.

"Sorry po sa lahat. I'm so sorry," sabi ko habang nakayuko.

Mukhang gulat na gulat sila sa sinabi ko.

"A-anak. Omyghad! Kami ang dapat nagso-sorry sayo! Thank you at napatawad mo na kami!" Sabi ni mom na mangiyak-ngiyak. Tapos tumayo siya at niyakap ako.

"Anak, thank you!" Sabi ni dad at yumakap rin samin.

"Sama naman dyaaaan!" Sigaw ni Xander. At nag-group hug kami.

"Nery! Pakuha nung DSLR sa kwarto namin! Bilis!" Sigaw ni dad sa kasambahay namin.

Pagkakuha ni Ate Nery ng DSLR sa taas kumuha kami ng family picture namin. May wacky, normal, group hug, at kung anu-ano pang shot.

I'm so happy. Ito lang madedescribe ko sa kalagayan ko. Sobrang kaligayahan.

Nang matapos kami sa pagpipicture kumain uli kami.

"Anak, what's the real score about you and Ms. Lustre? I like her for you. She's gorgeous and kind," bigla akong nasamid sa sinabi ni dad. "Baka ayaw pang pag-usapan daddy! Hahahahaha!" Sabi ni Xander.

"Ah dad. She's my best friend," sabi ko.

"Weh? Kung liligawan ko si Ate hindi ka magseselos?" Sabi ni Xander. Biglang uminit ulo ko dun ah.

"H-hindi,"

"Huuu! Ayaw pang aminin! Payag na nga si dad oh! Pati si mom diba?" Biglang tingin ni Xamder kay mom.

"Oo naman!" Sagot ni mom.

"Ah eh. Mom, dad, mahal ko po si Xandra," sabi ko.

"And who is Xandra?"

"Dad, si Nadz din po yun. Nadine Alexandra Lustre po," sabi ko.

"Ah. Nice name," sabi ni mom.

"Yiiieeee! Si Kuya umiibig!"

"Manahimik ka nga Xander! At wag mong liligawan si Xandra!" Sabi ko.

"Haha, oo na, oo na." Sabi niya.

"Osige na. Mga anak, akyat na kami ng mommy niyo, ha?"

"Opo, dad!" Pagkasabi ni Xander nun umakyat na sila.

Ang sarap lang sa pakiramdam na may napagkekwentuhan ako tungkol sa taong mahal ko. Hindi lang yung puro kaibigan.

"Bro, akyat narin ako," sabi ko at umakyat na.

Tinawagan ko agad si Xandra para masabi to.

Tatlong dial palang sinagot na niya.

"Xandraaaa!" Ako.

"Oh bakit ka napatawag? Miss mo ko no? Yie! Hahaha!" Baliw talaga to.

"Baliw! Nga pala! Bati na kami ng parents ko at ni Xander! Nagkabonding kami kanina!" Sabi ko,

"Goooood! Haha! Teka ha. Nandito kasi sila mama. Baba ko muna! Later nalangs! Hehe! Babyeee! Sabi sayo e, everything happens for a reason so bye!" Sabi niya.

"Osige! Thanks! Bye!" Sabi ko.

Nahiga ako at nakatulog uli.

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon