❤ 24

176 12 1
                                    

James' POV

"Son! Ang aga mo naman akala ko mamaya pa," bungad sakin ni Daddy.

"Ah, napa-aga po e. Ano po pala yung problema, dad?" Tanong ko agad. Gusto ko kasing makabalik pa ng Canada e. Para makapamasyal pa kami ni Xandra.

"Ah, anak. Mamay nalang dinner. Magpahinga ka muna,"

Tumango nalang ako at umakyat.

Pagka-akyat ko nag-text agad ako kay Xandra.

| To : Baby girl

Nandito nako sa pilipinas, baby. Miss na kita :( promise kapag naayos na 'tong problema babalik agad ako dyan. Ingat ka dyan. Kain ka mabuti ha. I love you, baby. |

Pagkatapos masend naligo lang ako tapos natulog.

---*

"Sir! Sir! Gising na po! Dinner na po, sir!"

Nagising ako katok ng isa sa mga katulong namin.

"Sige po, ya. Lalabas narin!"

Naghilamos at nagbihis lang ako ng maayos na damit.

Tinignan ko yung phone ko kung may reply si Xandra meron naman.

| From : Baby girl

Pahinga ka. Wag kang magpapagod. Ingat ka rin. Wag mo kong alalahanin nandito sila kuya Jake. I love and miss you too, baby. Sending hugs and kisses to you, baby! |

She's the sweetest. Hinding hindi ko na to papakawalan.

| To : Baby girl

Sending hugs and kisses to you too, baby. |

Pagkatapos kong magreply. Bumaba nako.

Pumunta agad ako ng kusina nakita ko si Mom and Dad. Xander. At si..

"James babe! I miss you!" Niyakap niya ako pero tinulak ko agad siya.

"Dad! Mom! Bakit siya nandito?!"

Pinaupo muna kami ni daddy. Umupo siya sa tabi ko at nag-cling sakin. Shit.

"'Wag na 'wag mo kong hahawakan," sabi ko at inalis ang cling niya sa braso ko.

"Can someone explain this to me," ma-awtoridad kong sabi.

"Please!" Sabi ko at hinampas ko ang lamesa.

"Relax bro," Xander said.

"The fuck! How can I relax if my ex fucking girlfriend is here huh?! Explain this to me, NOW!" Pinagdiinan ko talaga yung now.

"What? Ex? Kailan tayo nag-break, James?" Sabi sakin ng katabi ko.

"Magmula nung umalis ka ng walang sinasabi sakin kung ano ang dahilan, Ericka,"

"So now, dad, explain this to me, because i'm fucking confuse."

Magmula ng iwan ako ni Ericka my life was so fucked up. Until Nadine came into my life. Inayos niya ang buhay ko. Ang puso kong basag binuo niya. Tinuruan niya akong umibig muli. Nagkaroon ako ng dahilan upang maging masaya. Kaya ano pa at nandito 'tong babae na gumulo sa buhay ko?

"Anak, she's your fiancee," napatayo ako sa sinabi ni mommy.

"WHAT THE HELL!! Dad, mom, you know that I have a girlfriend right now! And I love her so much! And you! Bakit ka pa bumalik? Kung kailan ayos na ang buhay ko tsaka ka bumalik!"

Aalis sana ako ng kusina ng hinawakan niya ang kamay ko.

"James, let me explain everything." Pagmamakaawa ni Ericka.

"Really? Okay let's go outside," hinila ko siya palabas.

Huh! Explain huh? Explain what?

Pagkadating namin sa garden pabagsak ko siyang iniupo sa grass.

"Ouch! Where is the James that I know before! The caring and gentleman James! Eto ba yung epekto ng girlfriend mo ngayon!"

Nag-init ulo ko sa sinabi niya. Wag niyang madamay-damay si Xandra dito.

"'Wag na 'wag mong idadamay ang girlfriend ko rito. Ikaw ang mag-isip kung bakit ako nagkaganito. Now explain makikinig ako," sabi ko at naupo sa grass malayo sakanya.

"Babe," pinutol ko agad ang sasabihin niya. Kailan niya ba maiintindihan na wala na kami?

"Don't call me babe. Wala ng tayo," nakita kong nasaktan siya pero mas nasaktan ako nung iniwan niya ko.

"Okay, James. Nawala ako dahil pinag-aral ako nila mommy sa states. Kinailangan kong itago sayo dahil alam kong susundan moko. At kapag sinundan moko hindi ako makakapagconcentrate sa pagaaral. O kaya naman alam kong pipigilan mo ako at alam mong hinding-hindi ako makakatanggi sayo," Tumigil siya naghihintay ng sagot ko pero wala akong balak magreact. Gusto ko lang malaman ang dahilan nothing more.

"Continue,"

"Bumalik ako dahil akala ko may babalikan pako. James, I love you. I'm your fiancee now. Wala ng magagawa yung girlfriend mo."

"Wala akong balak magpakasal sayo hindi na kita mahal. Yan ang tatandaan mo. Gagawin ko ang lahat maitigil lang 'tong kalokohan na 'to. Ipaglalaban ko kung ano ang meron saamin ni Nadine. Wala nga siyang magagawa pero ako meron. Nasa iyo na ako noon pero pinakawalan mo. Magsisi ka ngayon,"

Pagkatapos kong sabihin iyon iniwan ko na siya.

Ericka' POV

"Hello, Donna," tinawagan ko agad siya kailangan kong malaman ang update.

(Problem?)

"Ano na! Nakapag-share na ba ang company niyo sa company namin!"

Kailangan mas tumaas ang company namin kila Nadine kung hindi baka hindi ko makuha si James. Itong company nalang namin ang pag-asa ko.

(And why would I do that? Kung nasasaktan ako kailangan nasasaktan ka rin. Karma mo to dahil inagaw mo sakin si Josh!)

"The hell!"

(I hate you to death, Ericka. Nasa akin na uli si Josh ngayon. Hindi ko hahayaang maging masaya ka. Hindi na babalik pa sayo si Josh nor James. Ba bye. Bahala ka na.)

Arghhhhh!!!!
--*

Tadah! Double update. Hehez. Binibilisan ko na 'tong istorya. Kailangan na itong matapos sobrang tagal na nito hahaha. Sige ayun! Vote and comment :)

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon