❤ 27

148 8 0
                                    

Play Stay by Daryl Ong again pls!!😊

--*

Nadine' POV

I'm here at school. Kahit naman ganun ang nangyari sakin kailangan ko paring mag-aral. Kaso nga lang.. Dito na din pala nag-a-aral yung babaeng 'yun.

She's Ericka Villongco. Karibal ko sa lahat noong bata pa ako. Di ko alam na siya pala yung babae. Wow. Ang liit talaga ng mundo.

"Nadine!" Nagulat ako nung may tumawag sa akin. Si Yassi pala.

"Uy, I miss you so muuuch, Yassiiiiiiiiiii!" Tapos niyakap ko siya.

"Ehem ehem. Kami hindi mo na-miss?" Kunyaring nagtatampong sabi ni Andre.

"Syempre! Miss ko rin kayo no!" Tapos niyakap ko yung tatlong lalaki. Wala pa kasi si Bret.

"Nadine, marami kang ike-kwento. Lalo na 'yun," sabay turo niya kay James at Ericka.

Lumabas kaming dalawa iniwan namin yung mga lalaki. Maaga pa naman kaya may time pa ako para mag-kwento.

Pagkadating namin ng garden ng school. Tahimik lang si Yassi. Nagpapahiwatig na makikinig lang siya kaya mag-kwento na ako.

Kinwento ko mula nung paalis kami papuntang Canada. Nung nag-text yung dad niya na may emergency daw. Yung time na hindi na siya nagte-text sakin mula nung maka-uwi na siya. At yung nangyari kahapon. Maski yung pag-amin sakin ni Bret na mahal niya ko kinwento ko na rin. Kinwento ko rin na kilala ko si Ericka. Na karibal ko sa nung elementary ako. Umiiyak na ako.

"Yas, ang sakit. Sobra. Hindi ko na alam gagawin ko para mawala 'tong sakit," niyakap lang niya ko

"Shhh. I'm here." Hinila niya ako patayo.

"Punatahan natin siya."

Wala na akong magawa. Nagpumiglas ako pero mas malakas siya sa akin.

Pagka-dating namin ng room lumapit siya kay James at sinampal ito.

"Yas!" Sigaw ko at pinigilan siya kasi may balak pa ata siyang ulitin ito.

"Kulang pa 'yan sa pananakit sa best friend ko!"

Tapos sinampal niya ulit si James.

"Sige lang. As if mamahalin ko siya sa pagsampal mo sakin," simpleng sabi ni James.

"Hoy ikaw babae ka! Bakit mo sinampal baby ko! Wala kang karapatan!" Sigaw ni Ericka at sinabunutan si Yas.

Dumating yung boys at pinaghiwalay yung dalawa.

"At ikaw! Bakit ka pa nandito! Bakit mo pa nilalapitan si James! Wala kang karapatan!" Sigaw ni Ericka sakin at sinampal ako.

Dumating na si Bret at niyakap niya agad ako

"Wala ka ring karapatan saktan ang prinsesa ko. Kung yang isa dyan hindi kayang ipagtanggol si Nadine ako, ako ang magtatanggol sakanya,"

"Nagpaparinig ka ba, pare? Sige! Iyong-iyo na si Nadine! Anong pake ko?" Sabi ni James ng walang ekspresyon at hinila si Ericka palabas.

Bago pa sila makalabas nagsalita ako.

"Hindi mo ba talaga ko minahal?" Halos pabulong kong sabi.

"Hindi."

"Panakip butas lang ba ako! Ginawa mo lang ba akong laruan!" Pasigaw kong sabi sakanya. Hindi ko alam paano pa ako nakapagsalita ng ayos kahit umiiyak na ako.

Si Bret patuloy lang sa paghagod sa likod ko.

"Oo! Panakip butas lang kita! Gusto mong marinig ang storya? Ganto yan! Ex ko si Ericka! Gusto ko siyang makuha uli kaya ginamit kita para magselos siya at bumalik siya sa akin! Ngayon ayan na nandito na siya sa akin! Kaya please lang sawa na ko sa pag-iyak mo. Tigilan mo na 'yan. Kung napaniwala man kita na mahal kita sorry. Uto-uto ka kasi eh," at tuluyan na siya umalis.

Ang sakit. Sobra. Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Napa-upo na ako sa sahig dahil kanina pa nanghihina yung tuhod ko.

"AHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak dito.

Sila Yassi walang nagawa niyakap lang niya ako. Yung mga lalaki ayun pilit akong pinapatahan.

Iniisip ko babalik siya at babawiin niya yung sinabi niya. Sasabihin niya.

"Mahal na mahal kita, always and forever. Nag-jo-joke lang ako kanina,"

Pero hindi e hindi siya bumalik para sabihin 'yun.

Ang sakit marinig mula sakanya lahat ng 'yun.

"Tara, Nadz, iuuwi na muna kita." Wala na akong nagawa si Bret hinatid kami ni Yassi sa parking.

"Ingat kayo. I love you, Nadine," sabi niya at hinalikan ako sa noo.

---*

Sorry. Hindi ako marunong gumawa ng sad scenes. Tinry ko ang best ko dyan! :----)

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon