❤ 15

441 26 0
                                    

Nadine' POV

Monday.
Sunday ko? Wala lang ordinary day with my cousin. Eat and talk the whole day. Ayaw niya daw lumabas kasi baka mamaya hindi na siya masapak baka mabugbog. Hahahaha! Para namang may bubugbog o sasapak sakanya uli.

Ngayon pinagda-drive ako ni kuya papunta school. Ayaw niya kahit may Student's driver license ako. Sabi ko hanggang school lang naman pero ayaw niya gusto niya sumunod ako sakanya. Bossy forever and ever. Ugh.

"Kuya naman e! Pano ako uuwi mamaya kung wala akong kotse ha? Pano? Naman e!" Pagmamaktol ko.

"Childish as ever. Edi sumabay ka sa manliligaw mo!" Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa daan, tch, apaka masunurin talaga.

"Baka nakakahiya diba? Diba? Diba?" Sabi ko. Argh! Oo dati sinasabay niya ko. Pero kasi yun free time niya kaya niya ko nasasabay. Malay mo mamaya e wala siyang time.

"Bakit ka mahihiya kung manliligaw mo naman yon? Dagukan kita dyan e!" Sabi niya. Azar talaga to forevs.

"Che!" Sabi ko at tumingin nalang sa bintana.

Dumating na kami sa school.

"Oh! Ayun pala yung manliligaw mo!" Sabi ni kuya at bumaba. Bumaba narin ako para malaman yun gagawin ni kuya.

"Hey, James right? Ihatid mo tong pinsan ko mamaya. Walang dalang sasakyan e. Wag mong ipapahamak ha? Wag basagulero sa pagda-drive!" Sabi ni Kuya. Wala e nasuntok nung isang araw ni James kaya galit. Hahahahaha!

"Ah o-opo," yan nalang ang nasabi ni Jay.

"Okay good. Oy, Naddy! Eto na! May maghahatid na sayo pauwi! Aral mabuti ha? Hahahahaha! Babye!" Sabi ni kuya.

"Argh! Kainis ka kuya Jake! I hate you!" Sabi ko at nagdabog papunta sa pwesto ni Jay.

"Hahaha! I love you too, Naddyy!" Sabi niya at sumakay na sa sasakyan at pinaandar.

Sino kaya yung childish ngayon.

"Tara na, Xandra?" Aya ni Jay.

"Okay,"

"Nakakatakot siya ha," ha?

"Sino?" Pagtataka ko.

"Si kuya Jake," ah.

"Wala! Ganun lang yun! Sinuntok mo e. Haha! Pero mabait si kuya." Sabi ko.

May babaeng palapit samin. Babaeng parang coloring book ang mukha. Actually tatlo sila.

"Hi, Nadine. Lakad mo naman kami sa lalaking naghatid sayo kanina," sabi ng nasa gitna na sa palagay ko lider nilang tatlo.

"Oo nga, Nadine. May James kana naman e. Amin na yung isa!" Sabi nung isa.

"Excuse me. But, he is my cousin. At ayokong magkaroon ng kamag anak na katulad ng coloring book. At hindi kayo yung tipo ni kuya. So tara na Jay!" Sabi ko at hinila si Jay. Pero nahila nila yung buhok ko. Sinabunutan nila ko syempre gumanti ako,

"Bawiin mo yung sinabi mo!" Sabi nung nakahila ng buhok.

"Hey! Stop!" Pilit akong nilalayo ni Jay. Nung nalayo na niya ko inayos ko yung buhok ko.

"Wala akong balak bawiin yung sinabi ko kasi totoo yon," sabi ko at hinila ng tuluyan si Jay.

Pero bago ko tuluyang hilahin si Jay may sinabi muna siya sa tatlong babae.

"Mahiya naman kayo sa sarili niyo. Kababaeng tao e. At subukan niyong hawakan uli ni katiting na parte ng katawan ni Xandra hindi lang sabunot ni Xandra ang gaganti sainyo. Pasalamat kayo at may respeto ako sa babae," sabi ni Jay at umalis na kami.

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon