❤ 30

103 7 0
                                    

Nadine' POV

Kanina pa ako naka-uwi sa bahay. And, i'm here at my room, lying. Because i'm so lazy to get up. I'm still wearing the clothes im wearing a while ago while i'm at school. Dapat nag-aayos na ko ng gamit para sa flight ko bukas.. Pero eto ako tinatamad.

Siguro dahil pagod ako kakaayos ng mga papers kanina sa school. Kung wala sila Bret, baka sobrang pagod ako ngayon. Sila kasi yung umayos ng iba ko pang papers na kailangan.

*knock knock*

"Ma'am, ma'am." Baka si Ate Ann lang 'to.

"Come in,"

Di nga ako nagkamali si Ate Ann nga.

"Ma'am, may bisita po kayo." Sabi niya.

"Sino?" Sino ba naman kasi ang magiging bisita ko ngayon. Wala namang ibang bumibisita sakin ng gantong oras maliban kay.. Ah wala. Nevermind.

"Si Sir Bret po."

"Ah sige.. Paakyatin mo dito,"

Pagkasabi ko nun lumabas na si Ann.

Pagkatapos ng ilang segundo may pumasok uli.

"Hi,"

"Hello. Soo ginagawa mo rito ng ganitong oras, huh?"

"Ganon? 'Di mo man lang ako papaupuin?" Sabi niya tapos na-upo.

"Woooow! Kailangan pa ba? Eh di ko pa nga sinasabi naka-upo ka na eh," sabi ko at tumayo para kumuha ng maleta. Mag-aayos na ko ng gamit.

Tumayo rin siya at tinulungan akong kunin yung maleta. Nasa taas kasi.

"Pandak mo kasi. Hahahaha!" Asar niya.

"Huwaw, kuya. Matangkad ka lang!" Iniwan ko siya duon at pumunta sa walk in closet para kumuha ng mga damit, shoes at accesories. Uunahin ko ng yung accesories dahil yun ang madaling kunin.

Pagkabukas ko ng cabinet ng nga accesories ang bumungad sakin yung bracelet ko na may nakalagay na Xandra x Jay  at yung necklace na may pendant na love yung binigay nya nung pinapasok nya ko ng maaga sa school.

Oo nga pala nilagay ko lang yung sa bungad para madaling kunin.

May kinuha akong box sa ilalim ng cabinet at binuksan yun. Tapos na-upo ako sa sahig.

Bumungad sakin yung mga balat ng chocolates. Lantang red rose flowers. Boxes ng ferrero. Sticky notes. All of these is our memories.

Nilagay ko duon yung bracelet at necklace.

Hindi ko namalayan umiiyak na pala ako. Seeing these memories made me cry.

"Nadz, Nadz. Where are you? Nadz!!" Mapatakbo siya sakin nung makita nya ako. Pagkalapit nya sakin niyakap niya kaagad ako. Kaya nabitawan ko yung box.

"Hey, Nadz. Don't cry. Sssshhh. Hush now," patuloy lng ako sa pag-iyak.

"B-bret, paligpit n-naman y-yung b-box. P-pupunta lang ako s-sa k-kama ko. L-lagay mo n-nalang sa i-ilalim n-ng c-cabinet." Sabi ko at tumayo at iniwan siya duon.

Pagkabalik ko sa kama ko nahiga lang ako hanggang sa nafi-feel ko na bumibigat na yung talukap ng mata ko. Pero bago ako makatulog naaninag ko si Bret lumabas ng walk in closet ko.

"Nadz, alis muna ko ha. Wag kang mag-alala tinabi ko yung box. Papaayos ko nalang yung gamit mo kay Ate Ann. Good night. Sleep well. I love you," then he kissed me in my forehead.

--*

Im on my way to airport right now. Sila Bret nasa airport na daw. Nauna pa sakin. Haha!

Pagdating ko sa airport pinapababa ko na kay kuya yung mga bags ko. Naka-dalawang maleta ako at isang handy bag. Yung kahon na nakita ko kahapon iniwan ko nalang doon. I know naman na hindi magagalaw iyon.

"Nadz! Ingat ka don ha? Skype tayo always!" Yassi.

"Oo naman. Andre! Wag mo 'tong papabayaan ha? Always take care of her."

"Oo naman!"

"Nadz! Eto pala yung listahan ng mga pasalubong na gusto namin!" Nagaabot si Kobe ng papel. At aba may sulat nga ng mga gustong pasalubong.

"Kainis! Parang ang habol niyo lang sakin pasalubong!" Sabi ko at pinaghahampas siya!

"Hep, hep. Joke lang. Mami-miss kita, no. Magiingat ka don ha? Mawawalan na kami ng isang prinsesa dito." Sabi niya tapos niyakap ako. Naks.

"Mami-miss din kita, Kobs."

"Nadz! Isang chix lang sapat na! Dapat yung maganda ha!" Di ko nanaman kailangan ipakilala ang isang 'to. Syempre ang dakilang playboy. Si Joseph.

"Nakuuuu! Ikaw ha! Tumigil ka! Umayos ka nga! Kapag ikaw nakahanap ng katapat mo!" Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Joke lang 'to naman. Ingat ka don. Tulad nga ng sabi ni Yassi skype tayo always." Tinanguan ko siya at tumingin sa direksyon ni Bret. Ihahatid niya kase ako sa loob ng airport.

"Tara na ba?" Tumango ako.

"Paano ba yan? See you soon, ha? Walang magbabago, ha? Bisitahin niyo ako don kapag may time kayo. I love you, guys!" Sabi ko tapos niyakap silang lahat.

"Bye, Nadine." Sabi ni Yassi.

Kinuha na ni Bret yung mga luggage ko at nagsimula na kaming maglakad papasok

Napagdesisyunan namin na si Bret nalang maghahatid sakin sa loob dahil ayoko na nang masyadong iyakan. Hahahaha.

"Paano ba yan, Nadine? See you soon. Magiingat ka duon ha? Alqays answer my call and text. Mag-text ka kapag nakarating ka na don. At wag mong papabayaan sarili mo. I love you." Sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Yep. Thank you. I love you too, as a friend. Alam mo yan." Sabi ko at hinila na ang luggage ko. Hindi na ako lumingon dahil alam ko iiyak lang ako.

---*

Helloooooooooooooooooooooooooo. Naks. Lapit na sya matapos yieha. Waw. Thank you 7k+ reads! Di ko in-expect na aabot sa 7k 'to. Kaya thank you sainyo! Keep supporting, Always and Forever. 👻😘

Vote and comment! 💕

THREE CHAPTERS TO GO.

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon