❤ 33 ENDING

181 9 0
                                    

James' POV

"Bro!" Tinawagan ko si Bret ngayong naka-uwi na ko sa bahay from mall.

(Sup?)

"Naka-uwi na pala siya!"

(Yup. Sinundo namin siya from Canada. Actually kaya ako nawala ng one week kase nandun ang buong barkada.)

"Bro.. Ano.. Patulong naman.."

(For? Makuha sya? Go lang, bro. Alam ko namang ikaw lang ang magpapa-saya sakanya eh. Ano bang balak mo?)

Nagka-ayos kami Bret after one year magulo ang barkada. At tinutulungan niya ko.. Pero hindi ito yung time na dapat mag-kwento ako. Dapat ayusin ko muna paano ko siya makukuha ulit.

"Actually wala pa.. Tulungan mo naman ako."

(May welcome party ang barkada mamaya para sakanya. Mag-imbita daw kame so.. Ikaw ang iniimbita ko. Bro, sana this time wag mo na syang sasaktan. Ipagkakatiwala ko siya sayo. Sana di na maulit yung dati. Kase kapag naulit pa 'yon. Paniguradong hinding-hindi mo na siya makikita. Sige na, may ginagawa pa ko. See you later.)

"Sige. Thank you talaga!"

Naghanap ako ng masusuot mamaya dahil hindi ko alam kung may damit pa akong matino bukod sa office attire ko.

Hindi naman na kase ako nakapaggagala bukod sa malling with baby Nathan. Kaya hindi na rin ako nakakabili ng para sa sarili ko.

---*

So yeah.. Di ko alam kung bababa ba ako or magse-stay nalang dito sa kotse ko.

Aish. James.. Ano ba! Magpaka-lalaki ka naman. Umayos ka.

Natauhan ako nang may kumatok sa bintana ko.

Nung nakita ko kung sino binaba ko ito.

"Yeah?" Cool kong sabi.. Wala kasi akong masabi!

"Ah eh.. Yung sasakyan mo kasi, ano.. Nakaharang sa gate."

"Oh.. Ah sige wait. Uhmm, Xandra, bago ko 'to itabi.. Hintayin mo ako dyan.. Mag-usap naman tayo.. Yung private,"

"Ahh. Sige. Wala pa namang masyadong bisita,"

Yes! Pumayag siya woah!

Mabilis kong pi-nark yung sasakyan ko at bumaba.

"So saan tayo mag-uusap?"

"Sa park nalang.. Malapit lang naman dito." Sabi niya at naglakad.

Tumango lang ako tsaka sumunod sakanya.

Nang makarating kami sa park. Pareho lang kaming naupo sa bench at nanahimik.

"So, ano na? Haha!" Basag nya sa katahimikan.

"Xandra, gusto ko lang i-kwento ang lahat,"

"Uhm,"

"Xandra, una sa lahat sorry."

Nakinig lang sya kaya tinuloy ko nalang.

"Sorry kase iniwan kita. Sorry kase hinsi ko natupad yung mga pangako ko. Sorry."

Nakita kong nakikinig lang sya kaya tinuloy ko yung sasabihin ko.

"Xandra, sana sa lahat ng sasabihin ko makinig ka lang.. Xandra hindi totoong mahal ko parin si Ericka that time. Hindi totoong ginamit kita para makuha siya ulit... Mahal na mahal kita, Xandra.."

"Ha?" Halata na sa boses nya ang umiiyak pero hindi niya pinapakita.

"Ang totoo? Fixed marriage, Xandra. Iyon ang totoo. Hindi ko alam na medyo bumabagsak na ang kumpanya.. Humindi ako sa marriage na yon, Xandra. Humindi ako.. Kasi alam ko kaya ko namang paangatin yung kompanya namin kahit wala ang kompanya ng mga Villongco eh.. Pero Xandra, nagtangkang magpakamatay si Ericka.. At kung hindi ako papayag itutuloy niya iyon.. Ayaw man kitang iwan at saktan.. Kailangan. Kailangan kase ayokong maging dahilan nang pagkamatay ng isang tao..,"

"Bakit ngayon mo lang to sinasabi ha?!" Sabi niya sabay punas ng luha niya.

"Kasi, Xandra.. Ayoko na kitang makita nagsa-suffer pa.. Kaya hanggang maaga iniwan na kita. Sorry, Nadz, Sorry,"

Sabi ko at yumuko habang umiiyak.

"So sayo yung batang nakita kong kasama ko sa Mall?" Sabi niya. At halata sa boses nya ang sakit.

"Hindi! Hindi, Xandra, hindi. Na-buntis si Ericka ng isang lalaki noon kaya never magiging akin ang bata. Tumayo lang ako bilang ama pero never magiging akin yon.. Kasi Xandra, hinihintay kita. Hinihintay kitang bumalik kung kailan ayos na ang lahat," sabi ko at niyakap siya.

"Jay..."

"Xandra, meron pa..."

"Ha?"

"Sinundan kita sa Canada.. Sinama ako ni Bret.. Nandun lang ako sa Condo niya. Yun yung time na ayaw ka nyang papasukin sa condo niya kasi nandoon nga ako."

Halatang nagulat sya dahil hindi niya alam na magkaayos na kami.

"Nagkaayos kami after one year. Inayos namin lahat." Sagot ko sa tanong nya. Kahit hindi niya tinanong vocal alam ko sa facial expression palang nya.

"Wow akala ko wala na kayong balak ayusin. Haha!"

"Syempre di namin kaya yun no. Haha."

"Sooo, what are we going to do now?" Sabi niya sabay pahid ng luha.

"Xandra, will you marry me?" Tanong ko at lumuhod. Etong ring na hawak ko binili ko six years ago. Dapat magpo-propose ako kaso ayun nga yung nangyari.

"Yes, Jay, yes. I'm going to marry you,"

Sinuot ko ang singsing sa daliri niya at nag-sisigaw-sigaw dito.

"Huy, grabe gabe na. Ssshh ka na. Tara na uwi na tayo," sabi niya at lumakad.

Pero hinawakan ko siya at hinarap sa akin at hinalikan. Alam kong humahalik din siya kaya nagpatuloy ako.

Hanggang sa hininto ko na.

"I love you, Xandra. Ngayon sisiguraduhin kong tutuparin ko na ang pangako ko. I love you, always and forever,"

"I love you too, always and forever,"

------ THE END -----

Always and Forever (JaDine Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon