Chapter 11: Ark and Ash

524 17 8
                                    

— April

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Gulat na gulat akong nakatitig kay Ark na para bang isa siyang alien na nahulog galing sa langit. Charot. Si Ash naman, pabalik-balik ang tingin kay Ark at sa akin.

Nakita kong napalunok si Ark at nagtagis-bagang na nakatitig din sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko at bumilis din ang aking paghinga. Hindi ko magawang umiwas ng tingin sa kanya. Para bang may nagawa akong panloloko sa kanya. Feeling ko, niloko ko siya. Pero who am I in his life? Who is he in my life though? Kaibigan lang kami ah? Nothing more, nothing less.


Pero bakit naguiguilty ako ngayon? Oo, aaminin ko, may kasalanan naman ako eh dahil natagalan ako. Eto kasing si Gus--Ash, whatever, eeh.

"Wait, what's going on in here?" Awkward na napatawa si Ash sa amin kaya naman nagkaroon ako ng chance na umiwas sa mga titig ni Ark. Ibinaling ko ang tingin kay Ash na naguguluhang nakatingin sa akin.

I opened my mouth to speak pero biglang nagsalita si Ark kaya yung atensyon namin ni Ash napunta sa kanya.

"The next time you asked me to wait, siguraduhin mong yung reason mo ang dahilan kung bakit pinahintay mo ako." Malamig niyang sabi habang tinitigan ako at pagkatapos ay tiningnan niya si Ash. "Wallet pala ang kinuha mo ha?"


"A-Ark.. ano kasi.." Mag-eexplain sana ako kaso lang biglang umakbay si Ash sa akin kaya naman agad ko siyang siniko.


"Aren't you going to introduce me to your boyfriend?"


Tinaasan ko ng kilay si Ash na ngayon'y nakangisi at saka sinabing, "He's not my boyfriend Gustin."


"I said it's Ash. Not Gustin. Ang kulit mo naman."


"I think, disturbo lang ako sa moment niyo. Please give me my keys." Napatingin naman ako kay Ark at nanginginig na inabot sa kanya yung mga susi niya. Bigla akong tinamaan ng hiya. Nahihiya ako sa kanya sa kadahilanang di ko alam.


Tiningnan niya ako tapos tumingin din siya kay Ash and lumakad siya pero huminto siya ng malapit na siya sa akin.


"Ipagpatuloy niyo ang paghahalikan niyo. Sorry if I disturbed you two."

Napanganga ako sa sinabi niya and it takes me a minute before nagsink in sa utak ko ang sinabi niya. Naghahalikan daw kami? Wait, is he crazy? Kaya ba parang nagalit siya dahil ba sa ganoon ang posisyon namin ng makita niya kami? Akala niya ba naghahalikan kami?

"Ark." Agad akong tumalikod kay Ash at saka sinunod si Ark na hindi pa kalayuan sa amin. Binilisan ko ang paglalakad ko para masabayan ko siya sa paglalakad. Naramdaman ko namang sumunod si Ash sa akin.

"Ark." Tawag ko ulit sa kanya pero dire-diretso pa rin siya sa paglalakad na para bang di niya ako naririnig. Ng malapit na ako sa kanya ay hinawakan ko ang braso niya kaya naman napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"May kailangan ka?" Tanong niya at saka siya tipid na ngumiti. Mamaya ko na siya papantasyahan. Lol.

"It's not what you think okay? We're not kissing!" Pag-explain ko sa kanya na hindi ko man lang namalayan na tumaas na yung tono ng boses ko.

"We're not. Yet. Hahahahaha"

Sinamaan ko agad ng tingin si Ash dahil sa sinabi niya kaya naman napahinto siya sa kakatawa at sinabing, "Just kidding."

The Text RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon