Chapter Eight: Tell me

735 19 7
                                    

— April

Sa isang oras naming pamimili ng mga gamit na nasa listahan, pagod na pagod kami ni Ark pagkalabas namin sa NBS. Grabe, ang bibigat pa ng mga dala naming plastic bags.

"Hey ril, wanna have some refreshments?" Tanong ni Ark na nasa tabi ko nakaupo.

Yes. Nasa labas kami ng National Bookstore, nakaupo sa sahig malapit sa may entrance. Kakaiba yung trip namin noh? Haha. Namamanhid na kasi yung mga kamay namin tapos pagod na pagod na ako sa kakapila dun sa loob. Ang taas kaya ng pila!

So wala na kaming pake sa mga taong napapatingin sa direksyon namin. I know, mukha na kaming mga baliw dito but who cares? Eh sa pagod kami eh!

"Ark, 'wag mong sabihing lalakad na naman tayo! Pagod na ako eh!" Reklamo ko sa kanya sabay tuwid ng mga paa ko at sandal sa wall ng NBS. Napatingin tuloy sa akin yung guard na nakabantay sa entrance.

"Of course we need to walk. Com' on. Malapit lang dito yung Sweetie's Haus." Nauna na siyang tumayo tapos nag-unat unat.

Tiningnan ko lang siya. Litaw na litaw yung pagkaforeigner niya although may dugong pinoy naman ito. May muscles, makinis at ang ganda ng pagkaputi ng balat, matangkad, caramel hair tapos ang gwapo at ang bango pa. Akala ko sa Wattpad lang mahahanap ang ganitong klaseng mga lalaki? Haha. Dahil sa kaadikan ko sa Wattpad, yan tuloy, iniimagine ko si Ark na siya si Bryan Lim.

Pero seriously, ang bait ni Ark ha. Siya yung nagbayad ng 2,345 pesos and 75 centavos kanina kasi nakalimutang magbigay ng pera si Pam. Ako nga lang ang magbabayad nun eh pero he insisted na siya na lang daw.

Hayy. Ano kaya ang feeling pag maging gf ni Ark? Shoot April, ba't mo ba iniisip ang mga ganyang bagay ha?! Remember, di mo na gustong maulit yon. Na uh!

Haha. Kung ano ano na tuloy pumapasok sa utak ko. Minsan, nakakamanyak 'tong si Ark eh!

"April? Yuhoo?"

Nabalik ako sa kasalukuyan ng pinisil ni Ark yung tip ng ilong ko.

"Ayy este. Ano nga ulit yung sinabi mo?" Wala sa sarili kong tanong. Pinapantasyahan ko pa kasi siy--- April! Stop it okay?! My coinscience is so KJ! XD

"I said, tara na sa Sweetie's Haus. Come on!" Hinila niya ako patayo kaya no choice ako.

Pinagpag ko yung likod ng jeans ko at binitbit na yung mga plastic bags. May bitbit din si Ark na mga plastic bags, mas marami pa nga kesa sa akin eh!

"Oh sige. Pero bilisan lang natin dun ha. Malapit na kasi yung next class ko." Sabay tingin sa relo ko. OMG! Malapit na nga yung susunod kong klase!

"Sure. Ako nga rin eh."

Nagsimula na kaming magtungo dun sa Sweetie's Haus na sinasabi niya. Sa tagal tagal ko ba namang pabalik balik dito sa mall para magshopping o kaya gumala lang, ngayon ko lang narinig ang Sweetie's Haus na yan. Baka kakaopen lang yan dito sa mall.

Narating na namin ang sinasabi niya. Ang friendly ng environment tapos yung theme ng shop na ito ay parang pang Tumblr. Yung may pagkakikay na theme? Ehehehe. ^^ Light pink, light blue, light gray kasi yung colors dito.

"Kakaopen lang ng shop na 'to noh?" Tanong ko kay Ark na pinagbuksan ako ng pinto gamit yung free hand niya.

"Yep. And this shop is owned by my sister."

Umupo na kami sa may vacant table dun. Ang ganda ng couch nila ah, yung pacircle ba? Yon. Tapos kulay pink yung inupuan ko, kay Ark, kulay Gray. Carpeted floor din dito, kulay gray na may swirls ng kulay pink. Wow, sosyal! Gusto ko dito kasi ang kikay ng environment!

The Text RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon