Chapter Three: May candy ka sa katawan??

767 20 5
                                    

- April

"Hello?! Sino 'to?!"


Nagising yung tulog kong diwa sa boses ni Gab. May kausap siguro yan sa phone. Kaasar. Ang lakas ng boses, isturbo talaga oh. Parang sinadya pa talaga.

Gumiling ako sa kabilang direksiyon at saka sinubukang matulog ulit. Ang bigat pa ng mata ko tapos ang sakit pa ng katawan ko. Ayaw ko pang magising.


"Si April ba hinahanap mo?! Sino ka bang gago ka?! Wag ka na ngang tumawag sa phone ni April!!"


Pagkasabi niya nun, agad akong napabangon at ang unang ginawa ko ay ang saklawin yung phone ko mula sa kanya. Yung mata kong nakapikit kanina ay napamulat na sa gulat.


"Sino ang kausap mo Gab?! Hello?! Hello?" Natataranta kong sabi sa speaker ng phone. I press it against my ears at hinintay na sumagot yung kabilang linya.

Sinamaan ko silang apat ng tingin na nakatingin din sa akin ng tahimik. Aba! Makakatikim talaga sila sa akin.


"Hahahahahahahaha.." Malakas na tawa nilang apat at sumalampak pa talaga sa higaan si June sa kakatawa.


Huh?! At tinawanan pa talaga ako?! Aba aba, inaasar ba nila ako?!

"Tinawa tawa niyo dyan?! Mga walangya kayo, makakatikim talaga kayo sa akin!!" Pinagbabato ko sila ng throw pillow na ginamit kong unan dito sa couch.


Oo, sa couch ako nakatulog. Kaya pala sumakit yung katawan ko kasi naman, maliit lang yung space sa couch at pinagsiksikan ko lang yung katawan ko dito.


"Hahahaha.. Y-yang.. phone call... hahaha.. phone call.. Hahahah" putol putol na sabi ni June dahil sa kakatawa.


Tinuturo nila yung hawak kong phone at hahalakhak na naman sila.


Tiningnan ko naman yung screen ng phone ko at laking galit ko ng malaman ko na wala palang tumatawag sa akin. Pinagtritripan lang nila ako!!

"Grrrr... Tangna. Grrrr. Lagooooot talaga kayo sa akiiiinn!!!" Tumayo na ako at lumapit sa kanila upang sabunutan sila kaya naman dali-dali silang nagsitakbuhan sa iba't ibang direksiyon ng nakatawa pa.

Nanggigigil na talaga ako sa galit. Pulang-pula na siguro yung mukhoa ko sa galit eh.

"Mga walangya!!! Bumalik kayo dito!! Gigilitan ko kayo ng leeg!! Aaaaaahhh!!" Tadyak ako ng tadyak dahil sa galit.

Sinamaan ko sila ng mga tingin na ngayon'y nagmake face pa sa akin. Sinadya talaga nila yung 'call call' nila para gisingin ako ah. Kainis!

Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanila. Nilipat lipat ko pa ang tingin ko at inisa isa silang tinaliman ng tingin.


Pinakita ko muna sa kanilang apat ang kamao ko bago umakyat sa hagdan papuntang kwarto ko. Rinig na rinig ko pa rin ang tawanan nila mula dito. Makakatikim talaga yung apat na yun mamaya.


Pumasok ako sa kwarto at agad na sumalampak sa kama. Kinalikot ko yung phone ko. Binasa ko lang yung mga GMs ng mga kaclanmates ko tapos nireplayan yung nag-PM sa akin.

The Text RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon