This chapter contains some words that are not suitable for readers 13 and below. Read at your own risk!
— April
"April! Is that the boyfriend you're talking earlier?!"
Sinamaan ko ng tingin si Dave. As in yung soooobrang sama talaga. Grrrrr! Nakakahiya ka talaga Dave!
Tinuro-turo niya pa yung guy habang papalapit siya sa amin. Shet. Shet. Nakakahiya. Ghad. I want to evaporate in here. Nakakahiya talaga sa lalaking to oh.
"Eto ba Ape?" Tinuro niya ulit ito at hinila ako palapit sa kanya. Tiningnan lang din siya nung lalaki bago nagdribble ng bola.
Ang gwapoo niya. Kahit ang pag dridribble, nakakainlab. Hoho. Landi mode!! Psshh.. Ang gwapo niya talaga eh! Eeeeh. Ano ba tong iniisip ko? Kahit nasa embarrassing mode na ako dito, yung kagwapuhan pa rin niya ang inaatupag ko.
"Dave——" naputol yung sasabihin ko ng nagsilabasan yung tatlo pang nasa loob ng bahay. Siniko ko si Dave at yumuko ako para maitago yung pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya. Kasi naman eh. -,-
"Look dude. I dunno what 'yah talking about so——" sabi nung lalaking ito sa amin pero biglang sumabat sa usapan si Gab.
"Sino yan Dave? Boyfriend ni April?"
Umakyat ang lahat ng dugo ko patungo sa mukha ng banggitin ni Gab yung boyfriend. Nakakahiya sa mamang ito oh, napagkamalan pang boyfriend ko.
Pero mas nakakahiya sina Gab at Dave. Huhuhu. Hindi ko nga to boyfriend!! Kung ano ano na ang pinagsasabi! Di nila alam kung gaano ko kagustong lamunin ako ng lupa dito sa hiya.
Awtomatiko akong napalingon kay Gab at pinanlakihan siya ng mata. Nagwink lang siya sa akin at nung lumapit siya sa amin, kinurot ko na naman ng palihim ang tagiliran niya.
"He's not my boyfriend! / She's not my girlfriend!" At sabay pa talaga kaming sumagot nung lalaki. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa.
Blue eyes..
His blue eyes..
Please lang.. sana may sparks sa ating dalawa para malaman kong itinadhana tayo para sa isa't isa. Nabasa ko to sa mga novels eh na pag may sparks daw sa pagitan ninyo, kayo daw yung magkakatuluyan.
Please sana may sparks sa pagitan natin. Huhuh. Ang gwapo mo eh. Bagay tayo. Huhu. Abrakadabra dapat may sparks na sa ating dalawa! You and I are meant to be. You are meant for me. Woooshh~
"Hoy, pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Dave sa akin.
Napatingin ako kay Gab tapos sa lalaking ito at binalik ang tingin kay Dave. Tinaasan ko siya ng kilay.
"H-huh? May sinabi ba ako?" Nagtataka ko ring tanong sa kanila.
Wala naman akong sinabi diba? Ano ba kasi ang sinabi ko? Wala naman ah! Baka yung—— di pwede yon!
"What's with the abrakadabra you're talking?" This time, yung lalaki na ang nagtanong. Nakakunot ang noo nito habang hinihintay ang sagot ko.
BINABASA MO ANG
The Text Relationship
Fiksi RemajaNagsimula ang lahat sa text. Kung ano ang sweet story? Find out here! Basa-basa!