Chapter Seven: Moment with Ark

738 17 5
                                    

— April

Nagdidiscuss na yung prof namin pero ni kahit isa sa sinabi niya ay wala akong naintindihan. Lutang na lutang ang isip ko sa kakaisip kung si Ark ba ay si Gustin. Kung si Gustin ba ay kasing gwapo ni Ark. Kung si —— ba't ko nga pala iniisip yung mga ganung bagay?

Yung dalawang mata ko, nakatutok lang sa whiteboard na pinagsusulatan ng prof namin. I'm physically present but mentally absent. Hindi ko nga alam kung ano ang pinagsusulat ng mga kaklase ko sa subject na 'to eh basta ang alam ko lang, may pinakopya yung prof namin.

"Miss Villegas?" nabalik ako sa sarili ko ng bigla akong tawagin ni prof. Natarantang umayos naman ako ng upo.

"Y-Yes prof?" nagcrack pa talaga yung boses ko kaya naman sinulyapan ako ng mga kaklase ko na busy sa pagsusulat nila. Ano ba kasi yang pinagsusulat nila?

"Why are you doing nothing? Hm?" inayos niya yung eyeglasses nya. Sa lahat ng profs ko, siya yung pinakaterror lalo pa't may eyeglasses sya.

Patay! Stikta pa naman tong prof na 'to. Ayaw kong mapalabas sa klase na 'to! Argh! Ba't ba kasi di ako nakinig sa pinagsasabi niya kanina? Ayan tuloy, center of attraction ka na. Nakakailang ang mga titig ng mga kaklase ko.

"S-Sorry po." sabi ko tapos dali-daling kumuha ng notebook at ballpen sa bag ko. Nagpanggap akong kumokopya sa kung ano man ang pinakopya niya  na nasa board when the fact is, iba yung pinagsusulat ko. Bahala na, atleast may nasulat ako.

Namalayan ko namang binawi na ni prof yung tingin nya sa akin kaya naman napahinga ako ng maluwag.

"Okay class!" pumalakpak pa si prof ng ikalawa tapos tumingin siya sa relo niya. "Study your lessons. Class dismiss."

Naghiyawan agad yung mga kaklase namin ng dinismiss kami ng maaga ni prof. Di pa kasi tumunog yung alarm eh tapos dinismiss kami agad? Aba, bago yun ah!

Lumabas na si prof sa room namin. Nilagay ko yung notebook at ballpen ko sa bag tapos nag-ayos sa sarili bago tumayo.

"Tara bess! Cafeteria tayo." yaya ni Pam na nakayakap na sa braso ko. Hinila na niya ako palabas sa room namin patungo sa cafeteria. May 2 hours pa kami para tumambay.

"Uy bess. Nga pala, anyare sayo kanina?" tanong ni Pam sa akin habang naglalakad.

"Di ako nakinig kay prof eh. Yan tuloy, di ko alam ang kinokopya nyo." pasimple kong sagot tapos tumawa ng mahina.

Pumasok na kami sa cafeteria at umupo sa paborito naming pwesto dun. Malapit ang lamesa namin sa glass wall na nakaharap sa field ng North Hale University.

"Wait lang bess ha! Oorder lang ako ng makakain natin. My treat." sabi ko sa kanya at kumindat.

"Sige bess. Thanks!"

Umalis na ako dun at pumila para mag-order ng food. Habang nasa pila, chineck ko yung phone ko. 25 unread messages.

Binasa ko yung mga PMs nila sa akin at nireplayan ito. Yung mga GMs, dinelete ko agad. Nagpi-em rin si Gustin sa akin, ang sabi niya, 'Nood ka ng basketball tournament sa Friday mine. Dun sa Golden Villa Court at 8 pm.'

Eh?! Natanga naman ako ng mabasa ko yung text niya. Villa? Sure siyang dun sa Golden Villa? Eh diba yun yung tinitirhan naming villa?! Eh diba ang pwedeng maglalaro lang dun sa court namin eh yung taga-Villa lang din? So ibig sabihin, taga-Villa din namin siya? May posibilidad nga kasi ang laki kaya ng villa namin and baka di ko lang alam na dun din siya nakatira.

Now, mas lalo na tuloy tumaas yung possibility na si Ark at Gustin ay iisa lang. Diba nasa Villa din nakatira si Ark, right? And diba, naglalaro din si Ark ng basketball? Hm. That's the clue.

The Text RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon