-April Aril
Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa nakita ko kanina. May kutob talaga akong siya yung kanina pa nagmamasid sa akin eh.
Nabalik na lang ako sa kasalukuyan ng marinig ko si Ash.
"Puno na pala ang mga chairs."
Napakunot ang noo ko ng bigla siyang ngumisi. Inilibot ko ang tingin sa paligid.
"Anong puno? Eh tayo nga lang nandidito sa cafeteria ah?"
"Ay tayo na pala?" sabay tawa.
"Pinagsasasabi mo?" pinaikot ko ang mga mata ko sa kanya at nagsimula ng kumain.
"Sabi ko.." tapos bigla niyang inilapit ang mukha niya sa direksyon ko. Nanlaki naman ang mga mata ko sa kaba. "...tayo na pala."
"Ouch!"
Napaupo siya ng sipain ko ang binti niya sa ilalim ng mesa. Sinamaan niya ako ng tingin at kumain na lang.
Kinuha ko ang phone ko at chineck kung meron ba akong message. I was shock to see 28 missed calls from one person, Gustin. Pero wala siyang iniwan na message. Napatingin ako ng palihim kay Ash. Pinagtritripan ba ako nito?
"Ash."
"Woah. Finally, you called me Ash."
Ngumiwi na lang ako at saka tinanong siya.
"Since nandito ka naman.. tatanungin na kita."
"Kung saan ko nakuha ang kagwapuhan ko? It's in our blood, honey." humahagikhik na sabi niya at saka sumandal sa upuan niya na kaharap ko.
I gave him a poker face. Naramdaman niya sigurong seryoso ako kaya naman tumikhim siya.
"What is it?"
Nakakapanibago pala 'tong Ash na 'to kung bigla na lang seseryoso.
Sasagot na sana ako ng bigla na lang nagvibrate yung phone ko.
Gustin calling...
"Excuse me lang for a while."
Umalis ako sa table namin at lumayo ng konti bago ko sinagot ang tawag ni Gustin.
"Hello?"
Tahimik lang ang kabilang linya. May konting kaluskos at tumahimik na naman.
"Hello.. Gustin?" pag-uulit ko at siniguradong hindi niya ba binaba ang linya. Hindi naman.
[Hi.. April.]
Parang nanginig ang buong katawan ko ng magsalita siya. Yun pa rin ang boses niya, husky na mala-anghel.
"Uh.. Uhm, what do you want?"
Tumahimik saglit bago siya nagsalita.
[How's your day?]
Bigla akong kinabahan. Pagkatingin ko sa table namin, andun pa rin si Ash, nakatalikod sa akin.
"Uh, f-fine, I guess." huminga ako ng malalim bago nagtanong, "S-Saan ka ngayon?"
He chuckled on the other line.
[I know you're going to ask me that.. Nasa room ako.]
May mahinang tawanan sa likod niya. Napalunok ako. He has this effect on me.
"May pasok kayo?"
[Nope. We have a game.]
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Lumingon muna ako kay Ash.
"Saan? A-Anong game?"
He laughed.
[I like your curiosity, baby.. and basketball.]
Basketball. Omg, don't tell me..
"Where? You didn't answer my first question."
[In your school, babe.]
Halos mawalan ako ng hininga sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Siya ba yung lalaking nakita ko kanina? Yung nakajersey? Siya ba yung kanina pa nagmamasid sa akin doon sa court. Siya ba yun?
[See you later babe. You'll know me.]
Binaba niya na ang linya pero nasa tenga ko pa rin ang phone ko. I can't believed he's here, kung totoo man yung sinasabi niya.
Bumalik na lang ako sa table at wala sa sariling napaupo sa chair ko kanina. Hindi ko pa natapos yung pagkain ko.
"Ang tagal ah?" nakangising tanong ni Ash sa akin. Nang hindi ako sumagot, sumeryoso siya. "Ano nga pala yung itatanong mo sa akin?"
"Bakla ka ba?" wala sa sariling tanong ko.
"WHAT?!"
Napatitig ako sa kanya. I wonder if he's Gustin. Paano kung siya nga si Gustin? Paano kung hindi? Paano kung-- napasinghap ako.
"Joke lang. Di talaga yun yung itatanong ko." napatawa ako ng mahina sa reaksiyon niya.
"Sa gwapo kong ito? Tss, what the hell."
"Oo na, di ka na bakla." pang-aasar ko sa kanya sabay tawa. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"I'm not gay, fuck it." asar na sagot niya. Mas lalo tuloy akong natawa.
"Oo na." pang-aasar ko pa.
"Damn it. I don't know why I like you when you're crazy."
Agad akong napatigil sa sinabi niya. Seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Ha?"
He tss-ed at saka tumingin sa gilid niya. Binalik niya ang tingin sa akin at saka tumitig.
"Are you deaf or you just want me to repeat it?"
Namula ako bigla sa tanong niya. Tumahimik na lang ako at saka kumain.
"So you're going to ignore me now?"
Hindi ako umimik. Nakayuko lang ako. Narinig ko naman ang pagbubuntong-hininga niya.
"Fine. I'll repeat it." tumigil siya kaya naman napatingin ako sa kanya. "I like you."
Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago ako bumulalas sa pagtawa.
"Okay, okay. I get your joke." pinigilan kong tumawa uli. "Matanong nga ki---"
"If your question is, am I single or not then the answer is, I'm obviously waiting for you."
I give him a deadpanned.
"What's your phone number?"
Nabigla siya sandali sa tanong ko at saka ngumisi sa akin.
"I was supposed to ask you that."
Kinuha niya ang wallet niya at saka kumuha ng call card doon. Inilapag niya ito sa lamesa.
Agad ko itong kinuha and pretended to be typing his number on my phone when in fact, chineck ko lang kung pareho ba sila ng number nung kay Gustin.
"And babe,"
Napatingin ako sa kanya. Nagtatagis ang bagang niya na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako tumingin sa kanya nung nagbabe siya.
"M-May problema ba?"
Kinuha niya mula sa akin ang call card niya. Hindi ko pa natapos yung icheck.
"I'm not that Gustin.."
"..but I know him."
---------------------A/N: Nay nagbabasa pa rin pala sa kwentong ito. :)
BINABASA MO ANG
The Text Relationship
Teen FictionNagsimula ang lahat sa text. Kung ano ang sweet story? Find out here! Basa-basa!