Chapter One: Unknown Number?

1.3K 27 7
                                    

- April


* brrrrrrtttt brrrrrttt*

"Ano ba naman yang phone mo Ape, kanina pa vibrate ng vibrate. Marami ka sigurong katext noh?" iritadong tanong ni June na ngayo'y nakadapa sa beddings na nilagay namin dito sa sala.

Magmomovie marathon kasi kami ng mga pinsan ko ngayon at hinihintay pa namin silang dumating. Wala kaming pasok bukas eh kaya dito mag-oovernight ang mga pinsan ko. Wala rin kasi si mommy at daddy dito, may inattendang kasal sa ibang lugar.

"Aba malay ko kung sino yang nagtetext sa akin. At isa pa, wala akong textmate noh." sagot ko sa kanya at saka kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa maliit na babasaging mesa.

Bumalik ako sa pagkakahiga sa tabi ni June at inopen ang 3 unread messages. Eh sa wala akong magawa kaya buti pa at basahin ko to.

- - -
+6309*******
7:45 pm

Do you want to ease your boredom? Or meet new friends?

Join our clan now! Just fill up this form.

Name:
Age:
Sex:
Location:

And send to:

+6309**** [ Founder ]
+6308**** [ Welcomer ]

Thanks!

- - -

Clan invitation? Teka lang ha, sa'n nakuha ng unknown number na ito yung number ko? Wala kasi akong matandaang binigay ko ang number ko sa kung sino-sino.

Binasa ko na lang yung natitirang unread messages, puro service messages lang naman. Nothing important.


Nilagay ko yung phone ko sa tabi ko lang at nanood na lang ng palabas sa TV. Maya maya pa ay nagdoorbell na.


"Ikaw na magbukas!" sabi ko kay June na busy sana sa kakalagay ng nail paint sa kuko niya. Tiningnan niya lang ako at inismiran bago tumayo.


By the way, let me introduce myself. I am April Aril Villegas, born on the 30th of December, 1997. Si June naman ay ang twin sister ko. We're both on the 1st year college, ako, Business Administration in Marketing Management ang kurso habang si June, Tourism ang kinuha.

*brrrrttt brrrrrrtttt*

Nabalik ako sa kasalukuyan ng nagvibrate na naman yung phone ko. Tiningnan ko ang sobreng nasa screen ko at saka napagpasyahang basahin ito.


+639******: Sali ka miss. ;)


Yung nagsend sa akin ng form yung nagtext. Nireplayan ko agad ng 'Who you?'.


*brrrrrrtttt brrrrrtttt*


+639****: Gwapong founder. Ano, game ka?


Me: Mahangin din eh noh? Ayaw ko. Baka illegal yang clan niyo.


+639*****: Luh. Katuwaan lang naman ito. Sali ka nga kasi.

The Text RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon