Chapter Two: Flooded inbox but I'm searching for one message.

763 27 8
                                    

- April

2 AM


"Mga ulaga! Magsigising kayo! Ang ginaw dito sa sala oh."

Niyugyog ko ng paulit-ulit ang mga balikat nila pero di pa rin sila nagising. Palilipatin ko sana sila dun sa guest room para makatulog sila ng maayos.


"Bahala kayo kung giginawin kayo diyan." Napaupo ulit ako sa couch at pinanood na lang yung credits sa movie na pinanood ko kanina. Napagod siguro sila sa kakawrestling kanina.


Napagpasyahan ko na lang na maglaro na lang sa phone habang hinihintay kong dalawin ako ng antok. Alas dos na pero di pa rin ako dinadalaw ng antok.

Inon ko na ito and to my surprised, andami ko pangng messages na natanggap. Puro mga unknown numbers. May nagtetext sa akin ng 'Welcome sa clan Diane! Hi I'm *insert their name*'. (Diane kasi ang ginamit kong name sa clan.)


Total of 55 unread messages ang natanggap ko. Yung ibang messages, yung kanina pa na di ko binasa. Andami ah?


Gosh I have a flooded inbox but I'm searching for one message. Saan na ba yung number na yun?

I scroll down at hinanap ang last 3 numbers ng cellphone number niya. Aha! Ito na.

+639****: Welcome Diane? Haha. I hope tumagal ka pa dito. Gustin nga pala, a.k.a gwapong founder.

Alas nuebe niya pa sinend sa akin yung message niya. Ang hangin talaga ng Gustin na 'to. Wait, ang ganda ng name niya ah? Gustin.. Gustin plus April equals---teka lang ha, ba't ko ba pinagsama yung mga pangalan namin?


Hmmm. Replayan ko kaya siya? I'm sure tulog na 'to.


"Ano bang itetext ko? Hm. Eto.. Hoy, babae ka o lalake?!" Pagkatapos kong matype yun ay sinend ko na.

Sinave ko na lang ako yung mga numbers ng clanmates ko at saka dinelete lahat ng messages sa inbox. Maya-maya pa ay nagvibrate na yung phone ko.


Binasa ko ang kakarating na message at ang sabi ay, 'Lalaki.'

Tiningnan ko ang last three numbers at napagtanto kong si founder to. Sinave ko muna number niya bago nagreply. Bakit kaya gising pa siya? Alas dos na ah?


Me: Akala ko tulog ka na. Ba't gising ka pa sa ganitong oras??


Founder: Di ako makatulog kakaisip sayo eh. ;)


"Langya. Galing magpakilig ah?" Sabi ko sa screen ng mabasa ko ang reply niya. Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng apat. Humihilik pa si Gab tapos iba't iba yung posisyon nila sa pagtulog. Si Dave naman, nakatalukbong sa nag-iisa nilang kumot. Naku, sinolo ah? Giginawin tong tatlo nito.


Me: Ah okay.

Founder: Haha. Jk. Gawa mo magandang engot?

Magandang engot?!! Sino? Ako?

Me: I'm not an engot. -,-


The Text RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon