- April
"Aril? Okay ka lang?"
Sinara ko ang kanina pang nakaawang kong bibig at saka kumurap ng ilang beses. I lick my dry lips at saka napabuntong-hininga. I can't believe it. Kaharap ko ba talaga ngayon si Gustin?
Binuksan ko yung bibig ko para sana magsalita pero natawa lang ako ng pagak. Imposibleng si Gustin 'to. Sa gwapong 'to, siya si Gustin na katext ko? Na kinaiinisan ko sa text? No. Di si Gustin 'to.
Pero pag tinanong ko naman kung siya ba talaga si Gustin, paano kung sasabihin niyang hindi? Edi ako ang mapahiya? Kung tatanungin ko nga, paano ko naman sasabihin? Uy ikaw ba si Gustin Louvre? Yung boyfriend ko kuno sa text? Ngee. Ang feeling ko 'ata. Hay. Di ko na lang tatanungin, baka mamaya ako pa yung mapahiya. Mahirap nang mag-assume.
"Uhm, yeah. Okay lang ako." Nagkibit-balikat ako habang sunod-sunod yung pagtango ko sa kanya. Natawa siya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Natawa lang ako sa pagtango mo. Para kang ewan. Pfft." Tumigil siya sandali sa pagtawa at di kalaunan, di na niya siguro mapigilang di mapatawa. Shet, mala-anghel yung pagtawa niya. Yung tipong boses pa lang, nakakalunod na.
"Aba?" Pinaningkitan ko siya ng mata at saka ako humalukipkip sa kanya. "Sinusubukan mo talaga ako Gustin ha?"
"It's Ash." Pagwawasto niya sa pagtawag ko sa kanya.
Ngumisi ako sa kanya, "Whatever GUSTIN!" Sabay tawa. Para 'atang bumaliktad kasi mukhang siya na ngayon yung napikon.
"Ash nga." Binuksan niya muna yung pinto nung sasakyan niya at saka may sinabi sa driver niya. Tumabi kaming dalawa ng umandar na yung kotse at umalis.
"Gustin." Sagot ko sa kanya. Ang sarap niyang asarin. Nakakatawa yung mukha niya.
"Argh. Aril.." Warning tone niya at tiningnan niya ako ng seryosong-seryoso. FC din 'tong si Gustin eh noh? Pfft. Aril daw
"Okay fine." Tinaas ko yung dalawa kong kamay at saka pinaikot sa daliri ko yung susi ng kotse ni Ark. O_________O Nakalimutan ko na tuloy yung pakay ko.
"Hmm bago ka lang ba dito Gus?" Tanong ko sa kanya at nagsimula ng lumakad palapit sa kotse ni Ark. Sumunod naman siya sa akin. Napansin ko din na yung ibang mga estudyante na tutok na tutok sa amin. Pinapantasyahan din nila siguro si Gustin.
"Again it's Ash."
"Whatever Gustin."
Binuksan ko yung front seat ng kotse ni Ark at tama nga ako, dito ko lang naiwan yung dalawa kong wallet. Kinuha ko muna ito mula dun sa upuan at saka muling isinara yung pinto matapos ko itong malock.
"Yeah, transferee ako. Ngayon pa lang yung first day ko dito."
Nakasandal nun si Gustin sa kotse ni Ark na para bang nagphophotoshoot ng biglang magring yung bell. Oh shoot, malelate na ako.
~ I shake it off I shake it off ~
Kinapa ko agad yung phone ko sa aking bulsa at saka ko ito kinuha.
June calling...
"Excuse me lang Gus, sasagutin ko lang 'to." Tumalikod na ako sa kanya bago sinagot ang tawag ni June. Narinig ko pang nagsalita si Gustin. "Ang kulit. Sabi ng Ash."
BINABASA MO ANG
The Text Relationship
Fiksi RemajaNagsimula ang lahat sa text. Kung ano ang sweet story? Find out here! Basa-basa!