Palihim na pinasok nina Karen at Margo ang kastilyo ng Argalon, dito ay nakita nila si Saifer Cross.
"Karen, tignan mo, si Saifer Cross," sambit ni Margo habang nakayuko't pinagmamasdan si Saifer Cross mula sa 'di kalayuan.
Ang akala ni Karen ay tuluyan na niyang nakalimutan ang hinagpis na dulot ng pagkawala ng ama. Ang akala niya'y tuluyan na niyang napatianod sa hangin ang galit sa kaniyang dibdib—ngunit, nang mga sandaling masulyapan ni Karen sa kaniyang harapan si Saifer Cross ay tila nagbalik muli ang lahat ng poot at kirot na pilit niyang ikinukubli sa kaniyang puso—kirot ng mga alaala ng pumanaw na ama.
Nanginginig pa sa galit si Karen habang dahan-dahang niyang itinataas ang kaniyang punyal.
"S-sandali! Karen!" Pigil pa sana ni Margo nang mabilis na sugurin ni Karen si Safier Cross.
"Saifer Cross!" bulalas pa ni Karen habang papalapit sa taong kaniyang kinamumuhian. Dahan-dahang nagpaling si Saifer ng tingin kay Karen.
Malinaw pa sa alaala ni Karen ang imahe ng mukha ni Saifer Cross mula nang una niya itong makita sa kanilang bayan, kasing linaw ng mga imahe ng kanilang nasusunog na bayan nang gabing iyon. Ito na marahil ang oras upang harapin ni Karen ang kaniyang galit... ang bagay na kaniyang kinatatakutan... ang kaniyang sarili... ang apoy sa kaniyang puso na tila bagyo sa disyertong kumukunsumo sa kaniyang pagkatao.
Buong pait na ambang itatarak ni Karen sa dibdib ni Saifer ang hawak na punyal nang biglang mabilis na humarang ang isang lalaki at salagin ng malaking palakol ang kaniyang punyal. Laking pagkabigla ni Karen nang makita ang mukha ng lalaki.
"Justine!?" gulat na reaksyon ni Karen nang makita si Justine sa kaniyang harapan.
"Karen..."
Sandaling natigilan ang dalawa. Seryoso at walang mga pangungusap na lumabas mula sa kanilang mga bigbig, tila ang mga matatalim na titig lamang nina Karen at Justine sa isa't isa ang kanilang naging komunikasyon habang nagkikiskisan ang kanilang mga sandata.
"Justine, pabayaan mo akong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Papa!" seryosong sambit ni Karen.
"Nangako ka! Kalilimutan mo na ang paghihiganti!"
"Nangako ka rin, Justine! Huhulihin mo ang taong pumatay kay ama!"
"Makinig ka muna sa akin!" ani Justine.
"Ayoko!" Malakas na tulak ni Karen kay Justine.
Napadausdos si Justine paatras. Ikinalang niya ang malaking palakol sa kaniyang likuran at nagpakita ng pagseseryoso. "Hindi kita hahayaang gawin ang mga bagay na 'yan, Karen," ani Justine.
Naglaban sina Karen at Justine. Nakipagsanib sila sa kani-kanilang mga avatar. Ang mala-anghel ng neybe na si Karen, laban sa mandirigma ng apoy na si Justine.
"Sandali, Karen, Justine! Tumigil kayo!" Pigil pa ni Margo, ngunit, wala rin siyang nagawa.
Nagpakawala ng malalakas na pag-atake ang dalawa, nagbanggaan ang kanilang mga elemento tulad ng mga nagngangalit na bagyo. Ngunit, kahit anong gawin ni Karen ay...
"Hindi mananalo ang yelo sa apoy," pahayag ni Justine.
Sandaling napa-isip si Karen. Alam niyang balot ng poot ang kaniyang puso, dahil rito ay hindi siya makapag-isip ng maayos... Ipinikit ni Karen ang kaniyang mga mata at sandaling ipinanatag ang kaniyang isipan. Kasing lamig ng nagyeyelong tubig, sing banayad ng daloy ng ilog. Unti-unting nagliwanag ang katawan ni Karen, dahan-dahang niyang naramdaman ang pagbabago sa kaniyang elemento, dahan-dahang nagpalit ng anyo ang nagyeyelong baluti ni Karen—Kalmado, banayad at payapa, tuluyan nang nagbago ang elemento ni Karen, mula sa yelo ay naging tubig. Ang kakayahang ito ay tinatawag na, Element Shift.
BINABASA MO ANG
Summoner's Grid 1: Rise of the Programs
AdventureTaong 2154 nang muling sumibol ang panibagong pagbabanta sa pagkaubos ng lipi ng mga tao. Sundan sina Karen at Justine sa kwento ng kanilang pakikipagsapalaran upang iligtas ang Grid.