Terminal 1110: Meltdown

858 25 1
                                    

        Payapa ang kalangitan nang araw na iyon. Tirik ang araw sa buong bayan ng Zelna, maalinsangan ngunit damang-dama pa rin ang aliwalas ng kapaligiran dahil sa muling pagbabalik ng kaayusan.

        Nagbalik na sa normal ang lahat, kabilang na ang operasyon sa buong piyer.

        Nakatayo sina Justine at Quo sa harap ng malaking sasakyang pandagat na nakadaong sa kanilang harapan. Abala ang ilang mga kalalakihan sa pagkukumpuni at pag-iinspeksyon sa sasakyang pandagat. Naghahanda na rin ang ilang mga manlalayag na sasama sa paglalayag.

        "Ang laking sasakyang pandagat!" pumapadyak-padyak pang saad ni Quo. "Kailan ba tayo aalis?" naaatat pa niyang reaksyon.

        Napahalukipkip si Justine at ngumisi. "Kailangang paghandaan ang malalakas na alon sa palibot ng Central Frame. Kung walang magiging aberya, baka bukas ng umaga."

        "Woah. Ang dami mong alam sa karagatan, Manong. Dati ka bang mangingisda??"

        "Hindi ako mgangingisda," nagtitimpi at naniningkit pang protesta ni Justine.

        "Uhm... tindero ka ng isda?"

        "Hindi ako tindero ng isda! Wala akong koneksyon sa mga isda! Hindi ko sila friends!!" Himutok ni Justine. Nagbuntong-hininga si Justine at napalingon-lingon sa paligid. "Sandali—nasaan nga pala sina Karen at Margo?"

        "Magkasama silang nagpunta sa pamilihan. Hindi nila ako isinama kasi magkakaroon daw sila ng 'girl talk'."

        Nagkunot ng noo si Justine. "'Girl... talk'? Ano 'yon??"

***

        "Woaah! Tignan mo Karen!" hambalang ni Margo sa hawak na two-piece sa mukha ni Karen. "Tingin mo ba magugustuhan ni Justine kapag sinuot ko na ito?" Malaking ngisi ni Margo.

        Tila naumid si Karen at nagpakita ng bahagyang pagkabalisa. "H-ha? H-hindi ko alam." Tila naiilang pa niyang paling ng tingin sa malayo.

        Natawa si Margo. Ngumiti siya at inilagay sa kamay ni Karen ang hawak na two-piece. "Sa palagay ko, mas magugustuhan ni Justine kung ikaw ang magsu-suot n'yan."

        "M-M-Margo!?"

        "O, bakit ka namumula?"

        "H-hindi kasi ako nagsusuot ng—"

        Hinawakan ni Margo si Karen sa kaniyang balikat. "Halos isang araw rin ang haba ng paglalayag natin. Magsu-sun bathing tayo sa deck, okay?"

        "Pero??"

        "Ayon! May magagandang kulay doon!" Biglang karipas ni Margo papunta sa kabilang tindahan.

        "S-sandali! Margo!"

        "Bibilhin mo ba 'yan? Hinawakan mo na e." Nagtaas ng isang kilay ang matabang tindera.

        Napangiti nang pilit si Karen.

        Kasalukyang binabaybay nina Karen at Margo ang kahabaan ng pamilihan habang hawak ang ilang supot ng mga pinamili, habang umiinom ng biniling pampalamig.

        Buhay na buhay ang pamilihan at mga establisyimento nang araw na iyon—maingay, makikita ang ilang mga mamimili, mga tindero at mga makukulay na paninda sa paligid.

        "Karen," malumanay na sambit ni Margo.

        Nagpaling ng tingin si Karen kay Margo habang sumisipsip sa hawak na inumin.

Summoner's Grid 1: Rise of the ProgramsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon