Sinugod ni Karen si Justine, dali-dali niyang inilabas ang isang punyal mula sa kaniyang summoning gear at ambang itatarak sa binata.
Mabilis namang iwinasiwas ni Justine ang kaniyang malaking palakol at sinalag ang punyal. Nagkiskisan ang sandata ng dalawa. Walang kahirap-hirap na napigilan ni Justine ang pagsugod ni Karen.
"Sandali nga, miss, mag-usap mga muna tayo."
"Hindi! Isa kang bandido!"
"Aisst, ang kulit."
Tumalon si Karen papunta sa likuran ni Justine at pinatid ang binata. Panandaliang nawalan ng balanse si Justine, ngunit agad din naman itong nakahawak sa lupa at nakagulong palayo.
"Ngayon na, Shiva!" singhal ni Karen. "Ice Cannon!"
Tumalon si Shiva sa ere, at mula roon, nagpakawala ito nagyeyelong enerhiya mula sa kaniyang mga palad. Mabilis namang naagaw ng tirang iyon ang atensyon ni Justine.
"Blaze—Fire Breath!"
Bumuga ng nagliliyab na enerhiya si Blaze na sumalubong sa nagyeyelong tira ni Shiva. Nagdulot ng malakas na wave ang banggaan ng dalawang elemento. Nag-iwan ito ng malaking hukay sa kinatatayuan ni Justine, ngunit sa ikalawang pagkakataon, hindi natinag ang binata.
Muling nagpaling ng tingin si Justine kay Karen. "Sinabi ko naman sa 'yo, walang magagawa ang yelo mo sa ap—huh?" Natigilan at napakunot ang noo niya nang makitang wala na ang dalaga sa kinatatayuan nito. Lumingon-lingon ang binata sa paligid, subalit wala na roon ang dalaga.
"Luh, nasaan na 'yon?!" Kamot-ulo't kunoot-noong reaksyon ni Justine. Nagpaling siya ng tingin kay Shiva na nakatingin sa itaas ng puno. Napatingala rin si Justine. Halos mapatalon siya sa gulat nang makita ang pabagsak na si Karen.
"Yaaaahhhh!!"
"Waaahh!"
Muling nagkarambola ang dalawa at nagpagulong-gulong sa lupa. Muling pumaibabaw si Karen kay Justine, mabilis na itinutok ni Karen ang kaniyang punyal sa leeg ng binata. Napabuntong-hininga at ngisi na lamang si Justine habang itinataas ang mga kamay.
"Ayoko na, pagod na ako," dismayadong reaksyon ng binata.
"Sabihin mo, bandido, ano ang kailangan mo sa bayan namin!?"
"Hindi nga ako bandido. Isa akong manunubos."
"M-Manunubos??" Natigilan si Karen sa narinig. "Totoo bang isa kang bounty hunter??" Kinang pa sa mga mata ng dalaga, napahanga siya sa sinabi ni Justine. Buong buhay ni Karen, ngayon lamang siya nakatagpo ng isang manunubos.
Inilapit ni Karen ang kaniyang mukha sa mukha ng binata, kinilatis ito at inamoy-amoy.
Napakunot ng noo si Justine. "T-teka, a-ano bang ginagawa mo?"
Ngumisi si Karen at kumurap-kurap. "Ako si Karen... nice meeting you."
Napanganga na lamang si Justine at natulala.
***
Humahangos na pumasok ang dalawang kawal sa tanggapan ni Edward Shen.
"Mr. Shen, may problema po tayo!" balisang bungad ng isa sa mga kawal.
Tinanggal ni Edward ang kaniyang salamin at ipinatong iyon sa mesa. "Bakit?"
"May nakapasok po sa mainframe!"
"May nagtatangka pong nakawin ang Balanse ng Grid," dagdag pa ng isa sa mga kawal na nagpayanig lalo sa sitwasyon.
Napabalikwas ng tayo si Edward mula sa kaniyang pagkakaupo. "Saifer!" Hinuha niya.
BINABASA MO ANG
Summoner's Grid 1: Rise of the Programs
AdventureTaong 2154 nang muling sumibol ang panibagong pagbabanta sa pagkaubos ng lipi ng mga tao. Sundan sina Karen at Justine sa kwento ng kanilang pakikipagsapalaran upang iligtas ang Grid.