Epilogue

545 21 2
                                    

        "Ang bawat pagkakamali sa nakalipas ay pawang mga punyal na tumatarak sa kanilang dibdib sa kasalukuyan. Pawang lason na unti-unti at dahan-dahang pumupuksa sa kanilang pag-iral. Nararapat pa ba silang bigyan ng isa pang pagkakataon?" tanong ng orbe ng oras.

        Nagsalita naman ang orbe ng anino. "Dahil sa kanilang patuloy na kapangahasan sa pagkunsumo sa buhay ng kanilang mundo, nauulit ang mga nakaraan... sumusunod sa yapak ng kanilang bawat hakbang."

        "Ang kanilang mga aksyon ay repleksyon ng kanilang henerasyon... maaari nga kayang, ang kanilang mga sarili ang tunay nilang kalaban? Ang tao nga ba ang magwawakas sa kaniyang sarili?" makahulugang tanong ng orbe ng salamin.

***

Year 2056

        Makalipas ang dalawang taon...

        Sa isang malawak na espasyo, maririnig ang nakakabinging katahimikan, nadarama ang nakapapasong lamig. Walang makikita kun'di purong kadiliman. Wala siyang saplot at doo'y namamaluktot. Nasa kalagitnaan ng mahabang pagkakahimbing.

        "Karen..." malumanay na alingawngaw ng tinig ng isang lalaki.

        "Karen..."

        Isang tinig na paulit-ulit na tumatawag sa kaniya... Himig na tila ba humihila sa kaniya, pabalik sa reyalidad.

        "Karen... Naririnig mo ba ako?"

        Ang tinig na iyon lamang mula sa kadiliman ng kaniyang pagkakahimbing ang pilit na gumigising sa kaniyang diwa.

        "Gumising ka, Karen... anak ko..."

        Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata... at muli nga niyang naramdaman ang daloy ng buhay...

SUNDAN SA IKALAWANG AKLAT...

Summoner's Grid:
Ascent of the Messiah

Summoner's Grid 1: Rise of the ProgramsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon