Prologue

2.9K 87 12
                                    

Year 2138, Earth

Ang mundo ay nasa bingit ng pagkawasak at nalalapit na ekstinksyon ng sangkatauhan.

Isinakatuparan ng apat na mga pinakamahuhusay na siyentipiko ang pagbubukas ng isang dimensyon—isang bagong mundo kung saan itatawid ang kamalayan at diwa nang wala ang pisikal na katawan.

Pinili ang mga magpapatuloy sa susunod na henerasyon ng sangkatauhan sa makabago at birtuwal na mundo na kung tawagin ay Grid.

Nilikha ng isa sa apat na siyentipiko si Lucile—isang mataas na uri ng Artifical Intelligence na inatasan upang bumuo ng isang perpektong sistema sa loob ng bagong mundong ito—ito ay upang hindi maulit ang panganib ng ekstinksyon ng sangkatauhan.

        Ito ang bagong mundo—Bagong sibilisasyon, bagong sistema, bagong uri ng pamumuhay... ito ang Summoner's Grid.

__________

Book 1: Summoner's Grid: Rise of the Programs
By: YourWriterNextDoor
All rights reserved © 2015.

Book 2: Summoner's Grid: Ascent of the Messiah
Book 3: Summoner's Grid: Awakening of the Gods

Summoner's Grid 1: Rise of the ProgramsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon