Kabanata 15

427 40 1
                                    

Kabanata 15...
Warmth


"Please, pick me up..." inilagay ko ang palad sa aking bibig, pero patuloy pa rin ang pagtakas ng bawat hikbi sa mga labi ko.

Binabalot ng lamig ang buong katawan, pero hindi ko mawari kung uunahin ko bang punuan iyon o ang nananakit kong braso at pisngi muna. Idagdag pa ang takot kong masundan, kahit pa ilang minuto na ako rito sa gilid ng eco park, nag-iisa.

There might also be a theif, rapist, or even a murderer here for all I know.

Hindi ko na alam...

"Anong nangyari? Nasaan ka?"

"Bilisan mo, please. I'm scared..."

"Saan?"

"D-Don't tell anyone," singhap ko. "I'm at the eco park near the mall..."

Yakap-yakap ang katawan, puno ng kagat ng mga insekto, tulala ako habang nakaupo sa isang malamig na bench sa gitna ng parke.

Bawat daan ng sasakyan ay dinadagundong ng kaba ang dibdib ko, pero sa kabutihang palad ay walang dumederetso sa kung nasaan ako kaya hindi pa rin ako bumabago sa puwesto.

Kasabay ng ihip ng hangin ay ang pagtigil ng pamilyar na motor sa harap ko.

The moment Alessandro's eyes locked with mine, I felt like breaking down again.

"Tagal mo..."

Mabilis s'yang nakababa at lumapit sa kinaroonan ko.

Holding my shoulders, his eyes scanned my body for any possible problems. Agad n'yang nahubad ang suot na hoodie at s'ya na mismong nagsuot nito sa'kin. Hindi na ako umangal dahil nanunuot na rin ang kanina pang lamig sa akin.

"Ayos ka lang ba? Anong nangyari?"

Mabigat akong huminga. "Let's get out of here first."

Alessandro no longer asked any questions and rather guided me in sitting sideways on his motorcycle as I was still wearing my long dress.

Lumilipad ang buhok ko sa katamtaman n'yang pagmamaneho. The town's familiar night street, with its people nonchalantly minding their own business, as well as Alessandro's presence in front of me as I lean on his back, brought back a warmth to my body.

Tila ba gusto kong manatili na lamang sa ganito...

But I know I can't... and I shouldn't.

This is my fight, and I can't just let other people suffer because I don't have the guts to fight it.

My heart weeps at the mere hint of a question... how?

How am I going to fight this battle?

How can I, when the people I thought would be next to me, were the ones I'm fighting with?

God, I don't want my father to run because, aside from the fact that our lives are already stressful, I know something is wrong! From what happened to Miranda up to the fact that the people influencing him, including the one who funds him, are all horrible people!

Wala akong kasiguraduhan, dahil walang sapat na ebidensya, but goodness... I trust my intuition so much.

Ayaw ko s'yang tumuloy sa pagtakbo, pero hindi ko alam kung papaano.

"Why are we stopping?" paos kong ani, doon ko lang natanto na nasa harap kami ng kanilang bahay.

"Nilalamig ka, ihihiram kita ng damit kay Ate. Magpapalit ka ba?"

Imbis na sagutin ang tanong n'ya ay muli kong hinarap ang kanilang bahay. Patay ang ilaw sa baba noon, pero may ilang kwarto sa taas na bukas pa. Palagay ko'y may gising pa sa kanila.

Ineffable EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon