Kabanata 23...
Ex"Attorney Palencia seems so familiar, but I can't remember where I've really seen him before..." Apollo muttered that send my heart pounding.
Tumingin naman sa'kin si Kuya Zyair na tila nag-aantay ng isasagot ko.
Kumain lang ako nang kumain at hindi na sila pinansin.
Hindi na muling pinuna ni Kuya ang aniya'y namumula kong mga mata at ilong, pero ramdam na ramdam ko pa rin naman ang kyuryoso n'yang mga tingin kaya hindi pa rin ako makampante.
Talking my relations with Alessandro will just bring back the past and I don't want to stress them out of it again.
Sana talaga'y hindi na maalala ni Apollo na si Alessandro ang umistorbo sa'min noong una kaming nagkita.
"How was the talk with Governor Angeles earlier, by the way?" I asked as attempt to change the topic.
Rest assured, I survived that lunch with Kuya Zyair and Apollo without opening up.Matapos naming kumain ay may dinaanan pa kaming papeles sa post office at may inasikaso rin si Kuya at Apollo sa munisipyo kaya takip-silim na nang tuluyan kaming bumalik sa bahay kung saan mabilis akong nakatulog agad pagkatapos maghapunan dahil siguro sa pagod.
Marahil na rin sa masyadong maaga kong pag tulog, madaling araw pa nang magising ako.
Maga-alas kuwatro pa lang at dahil tapos ko na ang kahit anong tungkol sa trabaho, at kanselado pa rin naman ang klase, wala akong importanteng nakalatag na gagawin.
Inubos ko ang mahigit isang oras pagv-view ng files na nai-email sa'kin ni Tita Mariette at nang mag alas cinco ay naligo ako at nagbihis ng spandex shorts kasama ng sports bra para sa gagawing pagj-jogging.
Naisip ko na maayos na naman ang daan at wala ng nagkalat na kung ano-ano kaya safe na naman sigurong mag jogging katulad ng nakasanayan ko.
Wala pang bente minutos na pagtakbo, naupo ako sa sidewalk at wala sa sariling natulala.
Ayaw ko mang tuluyang manuot sa akin, pinagtataksilan ako ng utak ko at patuloy pa rin na pine-play ang naging pag-uusap namin ni Alessandro kahapon at kung paano ko na naman pinagmukang mahina ang sarili ko sa harap n'ya.
I just can't help it knowing the fact I'm shamelessly blaming the wrong person, when I am, in reality, the cause of it all.
He was just a catalyst of my father's imprisonment before, and I was the one who truly began betraying him by rebelling and accusing him of things.
I even doubted him for not being involved in Miranda's death...
God... I'm so sorry, Dad.
Hindi lang talaga matanggap ng sistema ko na kung maka asta si Alessandro ay akala mo sobrang lapit naming magkaibigan noon. Kahit pa alam naman n'yang bago ako tuluyang lumipat ng Ilo-ilo, alam ko ang ginawa n'ya.
Isa pa, bakit ba s'ya sunod nang sunod sa'kin? Hindi naman s'ya ganito noon.
When did he become so annoyingly persistent to make amends with me? E noon nga ako ang lapit nang lapit sa kan'ya.
Nakakainis.
Ayaw ko nang maalala ang mga kagagahan ko noon, pero kapag talaga tungkol sa kan'ya bumabalik ang lahat.
Ilang minuto pa 'kong nagmuni-muni sa sidewalk na iyon bago muling mag exercise at mag jogging.
Lagpas alas otso na nang naisipan kong bumalik sa bahay.
BINABASA MO ANG
Ineffable Euphoria
Teen Fiction𝐼𝐼𝐼 | It's as if Pride and Prejudice all over again, taking a modern twist, tearing love apart into two compelling narratives. Her pride clashes with his prejudice, creating a magnetic tension that neither can escape. Lalapit s'ya, at s'ya namang...