Kabanata 8...
Miranda
Sa sumunod na araw ay lalo akong nawalan ng gana gumawa ng kahit anong bagay. Ni pag alis sa loob ng kwarto ay hirap na hirap akong gawin. Tila buong araw ay nabuhay ako sa kwarto, bukas ang TV, at inuubos ang laman ng fridge.If Daddy didn't knock on my room, I wouldn't even stand up the following morning.
With my eyes fixed on my chips, I slightly smile.
"Hindi ka ba papasok sa eskwela?"
"I don't feel well, Dad," I reasoned and glance at him.
He was roaming his eyes around my messy room, until it fixed on my opened computer beside piled up books and notebooks, and pens, make up and probably every little thing I own that I forgot tidying up.
"I'm planning to clean it..."
"Ipapataas ko ang katulong para linisin ang kwarto mo,"
"Okay..."
Dumantay ang mga mata n'ya sa'kin. Mistulang galit na. Muli akong tumungo at nagpanggap na busy sa pinapanood.
"Your mother's coming home tomorrow."
Mabilis pa sa kidlat na umangat ang tingin ko. "Why?"
"What do you mean why? You wanted this in the first place,"
"I mean, what makes your decision change, Dad?"
He pursed his lips. "We're attending few charity events this month. Kailangang buong pamilya tayong makita doon, para na rin mawala na ang balita tungkol sa ina mo at kabit n'ya. Mabuti na rin sigurong 'wag ka munang pumasok. Maraming aasikasuhin ngayong buwan."
Of course, why did I even expect that they would eventually be okay? It already made a scar.
Hindi na nga ako magtataka kung may isang mag file ng divorce sa tamang tiyempo. Kung tuluyan mang mangyari iyon ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin.
Muli akong nag angat ng tingin."Are you running again this coming election, Dad?"
Naalala ko ang tanong ni Alessandro.
"Yes,"
Dahan-dahan ang tango ko. "Uh... I'm just curious. Sino po 'yung mga laging nagpupunta rito sa bahay? I often see them these past few months, I'm just wondering..."
"'Wag mo nang pake-alaman ang mga iyon. They're helping me with something,"
"Sa eleksyon?"
Daddy's brows furrowed. "Mag papaakyat ako ng katulong para linisin itong kwarto mo," matagal bago s'ya nakasagot sabay labas ng pinto.
Indeed, Mommy materialized in our home the next day.Leaning on the couch, she glances at me as I walk down the stairs. Mommy let out a deep sigh before closing her eyes. Pinigilan kong gumawa ng kahit anong reaksyon at hinalikan ang pisngi n'ya bago nagpaalam na aalis.
Wala naman s'yang naging pag angal kaya dala ang kotse ay tumulak na ako.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Maingay ang speaker sa loob ng sasakyan, pero hindi kayang pantayan noon ang mga iniisip ko.
When I felt my emotions closing to burst, I press harder on the gas and stopped in some unfamiliar boulevard outside the city proper.
Sa panahong iyon, hindi ko na maintindihan kung anong iniiyak ko dahil sa halo-halong emosyon na nasa'kin.
Gumuguho ang mundo ko at wala akong magawa.
BINABASA MO ANG
Ineffable Euphoria
Genç Kurgu𝐼𝐼𝐼 | It's as if Pride and Prejudice all over again, taking a modern twist, tearing love apart into two compelling narratives. Her pride clashes with his prejudice, creating a magnetic tension that neither can escape. Lalapit s'ya, at s'ya namang...