Kabanata 18

395 34 0
                                    

Kabanata 18...
Drown


Madalas kong sabihin noon na swerteng-swerte na 'ko sa buhay kong 'to. Nasa piling ko ang ama't ina ko, wala man sa malapit ang mga kapatid ko, tiyak kong naalala pa rin nila ako palagi. Nakakapag-aral ako, nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, nabibili lahat ng gusto ko nang hindi na kailangan pang paghirapan. Nasusunod ang mga kapristo ko...

Ngunit isang iglap lang, tila ba nagbago ang lahat.

It's like being born again... or perhaps this is just the final awakening to the cruel reality of the world.

Nagliliparan ang mga tuyong dahon sa paligid, ang mga puno'y umindayog sa lakas ng hanging dala ng elisi, at sa gilid ay namataan ko ang isang van. Tabi nito'y isang pigura, mukang nag-aabang sa aming pagbaba.

Probably Emil...

Dahan-dahang lumapag ang chopper sa gitna ng madamong helipad.

I felt the urge to scream in pain and irritation as I try to stand, but all I managed was to aggravate a surge of pain in my leg.

"Ang wheel chair, teka lang..." aligagang bulong ng nurse at agad inayos ang wheel chair sa paanan ng chopper.

Malalim ang paghinga ko para pigilin ang umuusbong na inis dahil sa kahinaan ko ngayon.

Hindi ko na nga magawang matulungan si Daddy, hindi ko rin alam kung saan na napadpad si Mommy, tapos ngayon ni paglalakad, hindi ko pa magawa.

I hate this.

I really, really, really hate this.


Tulak-tulak ng nurse ang wheel chair ay mabilis naming nalapitan ang van.

Emil appears to be only a few years older than me, completely counter to my assumption that he's in the attorney's line of age.

He didn't disappoint.

Isang tanong lang kung ako si Marjorie Bernaldez ay agad ako nitong tinulungan para makasampa sa sasakyan, at wala ng marami pang sinabi bago tumulak patungo sa aming bahay.

Sinalubong ako ng matandang care taker, sabing may inihanda s'yang pagkain para sa amin ng aking nurse, but other than that, wala na. Apparently, she and his son, Emil, are the only ones left to manage this house.

Walang kahit isang katulong para gawin ang ibang bagay katulad ng pagluluto dahil hindi naman sakop ng care taker iyon.

I'm thankful they even cooked kahit pa hindi na naman dapat.

"Do you have other jobs pa po, other than taking care of our house?"

"Nagtitinda ako sa palengke minsan, pero madalas naman ay anak ko ang nakatao roon ma'am..."

Tumango ako.

I kind of want to hire her to be our housemaid, but I think she's too old to manage the chores. But do I really need a housemaid at this point? For all I know we're already in debt with all our family's problem. Siguro'y panahon na para maging independent sa gawaing bahay. After all, hindi naman ako magtatagal dito.

"Kailangan n'yo ho ba ng tulong sa bahay ma'am?"

"Hindi na po. I think I can manage..." isang ngiti ang iginawad ko sa matanda bago nilingon ang nurse. "I need you to buy me a crutch. I want to do more than sit in this wheelchair,"

"I don't think that's my job miss Marjorie."

"It's your job to provide my health needs."

"I'm just here to monitor your condition, not to be your mutchacha."

Ineffable EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon