Kabanata 38...
Aspirations
It's been a few weeks now, and we still haven't had a functional conversation with each other.
Naging busy ako nitong mga nakaraan sa binili kong unit, habang s'ya nama'y nasa kalagitnaan na ng kan'yang kaso kaya halos hindi rin magtagpo ang oras namin.
I still get his messages, but we barely even see each other. Ni hindi pa namin pinaguusapan ang mainit naming sagutan noong huli kaming nagkita.
Nagbo-browse ako sa isang brochure ng mga furnitures dito sa unit ni Zyair nang bumalik sa kaninang puwesto si Cameron, ang s'yang interior designer na sinasabi ni kuya."Nakapili ka na ng maganda?" Tanong n'ya.
Umiling ako. "Wala e. I found some things beautiful, but I don't know..."
I still haven't even chosen a color palette and an overall design for my unit. Something's wrong with me.
"Maybe if you see it in person, saka ka makapag-decide?"
"Does that work for others?"
Cameron shrugs. "Eh, depends..."
Hopefully, it will work for me.
Dahil linggo at pare-pareho naman kaming walang trabaho, sa suhestyon ni Cameron na magtungo kami sa kan'yang supplier ng mga furniture, tinungo nga namin iyon at si Zyair ang driver.
As far as I know, Cameron is Zyair and Jyair's childhood friend here at the country. Maski ayaw kong abalahin ang rest day n'ya, ipinilit n'ya pa rin at sinabing ayos lang.
Looking at a bunch of different colors and designs of furniture here entertains me, but nothing is just really sitting right with me. Lumipas ang bente minutong paikot-ikot kami sa showroom at sandamakmak nang tanong ang ibinato sa'kin ni Zyair at Cameron, pero hindi pa rin ako makapag decide.
"Minimalist and neutral designs are currently popular, baka ganoon din ang tipo mo?"
Bahagya akong napanguso.
"Neutral colors are just... sad." Ngiwi ko. "But yeah, nasa isip ko na rin ang minimalist style, but I think more on bright colors. I just can't decide what palette I want..."
"Have you looked at the samples Cameron gave you?" si Zyair.
"I did, but..." hindi ko matuloy.
Nakagat ko ang ibabang labi at tiningnan silang dalawa na nag-aantay ng saloobin ko, pero nang walang lumabas sa bibig ko ay natawa na lamang si Cameron at nagsimula muling magturo sa'kin ng mga magagandang furniture.
Itina-try kong upuan ang isang ottoman nang may tumawag ng pangalan ko.
It's Santiago, walking towards us with his big smile as some of the workers follow him.
Nagkatinginan kami ni Zyair at naitikom ko na lang ang bibig ko.
"Ms. Bernaldez!"
Akala ko ay patungo ito sa'kin dahil nauna nitong tawagin ang pangalan ko, pero bahagya na lamang akong natigilan nang magyakapan si Cameron at Santiago.
"You're working on a Sunday, Cameron? Client mo ba itong si Ms. Bernaldez?"
Cameron chuckles. "This is my friend, Zyair, and yes, his sister is my client and I insisted we go to some progress with Marjorie's unit today."
Ang nakangiting muka ni Santiago ay bumaling sa'kin. "You bought a unit? Ah, oo nga pala't nasa iisang hotel tayo noong nakaraang linggo, sayang at hindi man lang kita nakita. Have you seen my email to you?"
BINABASA MO ANG
Ineffable Euphoria
Teen Fiction𝐼𝐼𝐼 | It's as if Pride and Prejudice all over again, taking a modern twist, tearing love apart into two compelling narratives. Her pride clashes with his prejudice, creating a magnetic tension that neither can escape. Lalapit s'ya, at s'ya namang...