Kabanata 17

5K 139 24
                                    

"Where will you spend your Christmas?" I asked while he was tying the balloon on my pants.

"Tagaytay. You?"

Woah. It was a long time when we

Ngumuso ako. "Dito lang..."

"Christmas is fun here, as well."

Umirap ako at tumingala sa lobo na hugis bola sa basketball. I smiled and looked at him. Kunot noo siya at sinisiguradong hindi maaalis ang tinatali niya. He finished it.

He smiled as he stared at me. Umikot ako kasama ang bola. Tumawa ako nang maisip na maglagay ng sandamakmak na lobo para lumipad ako sa langit.

"Doon na tayo!" turo ko sa baril-barilan. Sinundan niya ako doon.

He paid the fake gun that I used. Akala ko maglalaro siya pero nasa gilid ko lamang. Hindi ko alam magkasa kaya inabot ko sa kaniya iyon.

I pursed my lips as I watched him cock the gun. Nagpigil ako ng ngiti.

Sablay ang mga naunang tira ko. Nagmura ako at balak nang sumuko sa panglima nang maramdaman ko ang kamay ni Hugo.

He chuckled as he went on my back. Tinutok niya ang kamay ko sa maliliit na pingpong ball na target ko. He was so close to my face. I could smell his minty breath. Hindi na ako makalingon sa tinitira namin.

He pulled the trigger.

Pumikit ako.

"Point it this way and..." he pulled the trigger again. "Shoot."

Nagkatinginan kami. Ngumuso ako at umiwas ng tingin. Binitawan niya ako matapos turuan.

The first shot was a failure. But eventually, I took down many balls. Hugo was watching me all along. He smiled everytime I clapped.

"Headband!" sabi ko sa nag-aalok ng premyo. Tinuro ko iyong Mickey Mouse headband.

"Apat lang po natumba niyo. Candy lang po 'yon, Miss."

"How much is it?" Hugo entered.

Ngumiwi ang nagtitinda. "Premyo po ser, 'yon, eh. Hindi po pwedeng bilhin."

Umawang ang labi ko. Nilingon ko si Hugo. Nakahalukipkip siya habang nakamasid. Kumunot ang noo niya at tinupi ng maayos ang polo niyang hanggang siko.

"Let me play," he whispered.

Ngumiwi ako at pumunta sa gilid. He talked to the man and they gave him the gun.

Ngumuso ako at nilabas ang cellphone ko. He checked the gun as he cock it. Kinuhanan ko siya ng litrato habang nakapikit ang isang mata at tinututok iyon sa pingpong ball.

Pumalakpak ako nang sunod sunod niyang napatumba ang mga iyon. People flocked around to watch. May grupo ng babaeng nagbubungisngisan na lumalapit at nanonood.

Ngumiwi ako.

Hugo aced it all.

I didn't know how. He's probably doing something in gun shooting as well. Lahat naman yata ay alam n'yan! He's a very fast learner.

"Heto," the vendor gave me the headband. Umiilaw iyon na ikinagulat ko.

I clapped.

Hugo smirked. Nawala ang ngiti ng mga babae nang dumiretso siya sa akin. Lumawak ang ngiti ko. Pinalibot ko ang kamay ko sa leeg niya nang kuhanin niya ang headband.

He placed it on my head and tucked my hair behind my ears.

Pinailaw niya iyon. Magaspang siyang tumawa.

The Hugo Warning (El Vicente Series #4)Where stories live. Discover now