3

22 4 0
                                    

Chanel Dior's POV






"Asher! Madaya ka! Paano ka napunta sa second section?" Hinampas ko siya ng bag ko. Hindi ko ma-gets kung paanong magic tricks ang ginawa niya at napunta siya sa Inspirare, second section. Tapos ako? Nasa last section lang naman at nag iisang babae! Ang saya saya naman!











"Aray! Ewan ko bobo ka kasi e." Sagot saakin ng loko at tumawa pa!











Hehehe! Ang saya saya nilang lahat.











Inirapan ko siya at bumaba na ng kotse at nagdiretsong pumasok sa kwarto ko. Hindi ko na nagawang magpalit ng damit at binagsak nalang ang katawan sa kama ko.









I miss you bed!!









Nagising ako ng makaramdam ng gutom. Tinignan ko ang clock ko sa bedside table pero wala na ito. Napatingin ako sa paligid ng mapansing wala na lahat ng gamit ko dito.













Hala? Nasaan na napunta iyon?









Tumakbo ako papalabas ng kwarto ko. "ASHEEEEEER! MAY MAG NANAKAW! ASHEEEEER TAWAGAN MO SI MAMA! NINAKAWAN TAYOOOOOOO!"








Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko ay hindi ko napansin na tatlong hakbang pa pala pababa kaya nasubsob ako.








Shutaaa! Napakasakit! Yung mukha ko nauna!









"Araaaay!" Hindi ako nakatayo dahil tumama din ang tuhod ko ay nakaramdam ako ng sakit tuwing igagalaw.









"ASHER ASAN KA BANG BINGI KA!!!!"









Nakita ko naman ang bwisit kong pinsan na parang pagong kung maglakad habang nakatingin saakin ng nagtataka.









"Ano ba tulungan mo nga ako dito! Ang sakit! Kanina pa ako tawag ng tawag sayo apaka bingi mo naman!"









Inirapan lang niya ako at nilagpasan. Akala ko pa naman tutulungan ako.








Pinilit ko nalang tumayo at pinuntahan ang pinsan kong lakwents.












"Ash! Nasaan yung mga gamit ko? Ninanakawan ata tayo tawagan mo si mama!" Umupo lang siya sa swivel chair niya sa loob ng kwarto niya at kinuha ang libro.









Kumpleto naman ang gamit niya bakit saakin wala na?








Sinundot sundot ko yung tagiliran niya pero hindi niya parin ako pinansin.








"Asher!" Tuloy lang siya sa pag babasa ng libro niya.








"Asher!" Hala nabingi na ata ng tuluyan.






"Asher.." Ampota hindi talaga namamansin.

"Asher.."





"Asher.. Asher.. Asher.. Asheeeeeeer!" Mahaba at sunod sunod na tawag ko dito. Dahil hindi na ako nakapagtimpi at binatukan ko na siya sinadya ko ng malakas baka manhid din kasi.









Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon