37

11 0 0
                                    

Chanel Dior's POV



"Noah!" Biglang bumagsak sa sahig si Noah. Agad ko itong nilapitan at tinignan ang mukha niya, pumutok ang labi niya. "Okay ka lang?"







Nagulat ako ng hatakin ako ni Aziel. "Ano ba!" Hinatak ko ang kamay ko pabalik, "bakit mo sinuntok si Noah? Tangina mo ah!" Dinuro ko siya at tinulak.




Pakiramdam ko ay 'yung lungkot ko kanina ay napalitan ng galit. Linapitan ko si Noah na nakaktayo na, hinawakan ko ang mukha niya nagdudugo ang labi niya. "Masakit?"




"Okay lang Cha," kinuha ko ang panyo ko at pinunasana ng dugo ng labi niya.



Hinatak na naman ako ni Aziel this time ay mas malakas na, hinarap ko siya at nakita ang seryosong mukha niya. "Bakit ba?!"



Hindi siya nagsasalita pero masama ang tingin niya kay Noah. "Bitawan mo nga ako," lalapit na sana ko kay Noah pero binuhat niya ako sa bewang at pilit na pinasakay sa sasakyan niya.



Narinig ko pang tinatawag ako ni Noah pero agad na sinara ni Aziel ang pintuan at chinild lock! What the heck?!





Malakas niyang hinampas ang manibela kaya nakaramdam ako ng takot. "Pababain mo ako dito! Si Noah! Bakit mo siya sinuntok?!" Hinampas ko siya ng bag ko pero sa labas lang siya nakatingin ng diretso.




Kinatok ni Noah ang salamin pero biglang pinaandar ni Aziel ang kotse at pinaharurot ito paalis.





"Si Noah!" Gusto ko sanang palu paluin siya kaso natatakot ako baka maaksidente kami. "Ano ba Aziel! Ibaba mo ako, pupuntahan ko si Noah!"






"Stop saying his name!" Madiing sabi niya saakin pero hindi ko pinakinggan.





"Noah, Noah, Noah, Noah.." sunod sunod na sabi ko pa ng pangalan ni Noah pero nagsalubong lang ang mga kilay niya at umigting ang mga panga.






Hanggang sa makarating kami sa bahay ay Noah lang ng Noah ang sinasabi ko. Gustong gusto ko siyang sampalin dahil sa ginawa niya kay Noah, napaka bastos.



Padabog siyang bumaba at binuksan ang pintuan ko tsaka ako binuhat. "Ano ba! Ibaba mo ako!" Nagwawala ako habang buhat niya ako pero hindi siya nag patinag at dire diretsong umakyat ng hagdan.





"Ay susmaryosep anong nangyayari?" Napatingin ako kay manang pero pinasok na ako ni Aziel sa kwarto niya at diniretso sa banyo.




"Ano ba Aziel, ano bang nangyayari sayo? Hindi kita maintindihan." Pabulong na sabi ko ng iupo niya ako.





Padabog niyang kinuha ang toothbrush niya at toothpaste, pinagmumog niya ako at biglang tinoothbrushan. What the hell?!





Wala akong nagawa kung hindi ay hayaan siya dahil natatakot ako sa itsura niya. Pabulong pa siyang nag mumura habang umigting at magkasalubong ang kilay at panga niya.






"A-aziel.."




"Damn it!" Biglang sigaw niya pagkatapos akong toothbrush-an tsaka biglang hinawakan ang mga panga ko at halikan ng madiin.






Madiin at kinakagat niya ang labi ko, nalasahan ko pa nga ang dugo mula sa labi ko kaya napaiyak nalang ako. Bakit ganto si Aziel?






Pinilit ko siyang tinulak kahit na nanghihina ako. Agad ko siyang sinampal ng sobrang lakas dahilan para mapalingon siya sa kaliwa niya.





"Tangina naman Aziel! Ano ba ang problema mo?" Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko. Para siyang natauhan sa ginawa niya at maamo akong nilapitan.



"D-dior.." akma niya akong lalapitan pero dinuro ko siya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan na pagsalitaan siya ng masakit.



Niyakap niya ako ng mahigpit, pinagpapalo ko ang likod niya pero hindi niya ako pinakawalan.




"Hindi kita maintindihan.." bulong ko dito.





"Ikaw ang hindi ko maintindihan, akala ko ba ako ang gusto mo?" Ikaw naman talaga.







"Oo gusto kita masaya ka na? Alam ko naman na kahit kailan hindi mo ako magugustuhan!" Tumayo ako at pinilit na labanan ang tingin niya.











Nagbaba siya ng tingin sa sahig at mahinang tumawa na animo tuwang tuwa talaga. "Are you that numb?"





Nag angat siya ng tingin saakin, "Noon pa ako nagpaparamdam sayo kaso para bang manhid na manhid ka sa mga pinaparamdam ko." Gusto kong tumawa ng hard. Palabiro pala talaga siya.








"Ahh ganon ba? Kaya pala nakipaghalikan ka sa iba.. sa harap ko pa.." I mock at him, the shock on his face is very evident, I almost laugh.









Halata sa kanya ang pagkapahiya at hindi alam ang sasabihin. "Okay lang naman saakin, wag mo na akong lokohin na gusto mo din, alam ko namang matinik ka sa mga chicks kaya nga pati ako nahulog sayo, e. Ang galing mo doon, bibigyan kita ng perfect score."











Hinawakan niya ang kamay ko,

Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon