29

9 0 0
                                    

Chanel Dior's POV





"Nag seselos si Noah, nag seselos ang boyfriend ko sayo.."








Liar! Liar! Liar! Sinungaling ka Chanel!












Tumingin ako sa kanya, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Bigla siyang tumawa na animo natutuwa talaga.










"You told me that he was just your.. friend?" Napahilamos siya ng mukha pagkatapos ay sinuklay ang buhok.











"I'm sorry Aziel.."










Hindi siya sumagot at inistart lang ang kotse niya bago kami nagpatuloy papunta sa school. Walang nagsalita saamin buong byahe, ibinaba din niya ako sa may gate ng school.









"Thank you.." bulong ko bago bumaba, hindi naman niya ako tinignan at agad na pinaandar ang kotse niya pagkababa ko.












Naglakad na ako papasok ng room, ipinakita ko sa guard ang ID ko at tinap iyon sa kiosk para maka pasok ng tuluyan sa campus.











Agad akong dumiretso sa butterfly haven sa tapat ng park ng school.  Nakita ko doon si Noah na may hawak na libro habang nagbasa at naka salamin. Napabuntong hininga ako bago siya lapitan.











Kinalabit ko ito, "Noah!" Lumingon siya saakin, isinara niya ang libro niya at ibinalik iyon sa bag niya. "Cha! Good morning!" Tumayo siya.










"Kanina ka pa ba?"









"Hindi kakarating ko lang din, gutom ka na?" Tanong niya, pinakiramdaman ko naman ang sarili ko at biglang tumunog ang tyan ko, nagkatinginan kami ni Noah at sabay na natawa.












"Tyan mo na ang sumagot, hahaha!" Kinuha na niya bag niya at balak ding kuhain ang bag ko pero tumanggi na ako, kaya ko naman kasi bitbitin, wala naman kasi akong dinala na gamit isang libro ng math tsaka isang notebook lang din tsaka 'yung mga baon ko.













"Saan mo gusto kumain?" Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko, gusto ko sanang bawiin ito pero hinayaan ko nalang.










"Sa canteen nalang tayo kumain, tsaka may pinabaon si manang na pagkain saating dalawa.."










"Ganon? Sige tara!" Dumiretso na kami sa canteen. Inilabas ko ang mga baunan ko. "Ano gusto mong drinks Cha?"










Gusto ko Sana ng coffee jelly kaso 'yung sa may quadrangle pa iyon mabibili. "Tubig nalang akin Noah, may baon naman din ako."














"Sige ako den mag tutubig nalang, may baon din ako." Inilabas pa niya 'yung baunan niya ng tubig na malaki.











"Si Asher pala?" Tanong ko.











"Sabi niya ay tayo nalang daw muna mag sabay kumain," kinindatan niya ako kaso hindi ata siya sanay kumindat dahil dalawang mata niya ang pumikit.












"Hahaha, hindi ka sanay kumindat, Noah?" Tumatawang sabi ko at napakamot naman siya sa batok niya.













Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon