19

7 4 0
                                    

Chanel Dior's POV






Tumayo na ako sa pagkakaupo dahil tiantamad na akong manood sa mga nag perform, matagal pa naman bago kami, mag titingin muna ako ng booth.







"Saan ka punta Chanel?" Kinalabit ako ni Clyde, sumunod pala saakin.








"Magtitingin lang ng mga booth, ikaw?"









"Sama nalang ako sayo," tumango nalang ako.









Habang naglalakad ay maraming tumitingin sa gawi namin ni Clyde, ay sa kanya lang pala. Gwapo din kasi talaga si Clyde tas matcho din, may abs din siya. Nag gi-gym ba mga kaklase ko kahit halos lahat sila may mga abs o 'di kaya ay flat ang mga tyan.










"Clyde nag gym ka ba?" Tanong ko sa kanya, nakangiti naman siyang tumingin saakin.









"Bakit sexy ko ba?" Pinakita pa niya saakin biceps niya. Sus!










"Sakto lang, kasi nakakadiri na tumingin 'yung iba students sayo.." nakangiwing Sabi ko, napahalakhak siya dahil doon.










"Oo nag gym ako," sagot niya. Eh si Aziel kaya nag gym? Ay bakit ko ba iniisip 'yung Kupal na iyon? Ano naman kung nag gym siya o hindi?











Biglang may lumapit saamin na naka Tinkerbell na damit, grade 9 students.










"Hi po kuya pwede po bang magpapicture?" Nakayukong sabi nito, nagkatinginan kami ni Clyde at sabay na nagpigil ng tawa.










Nakita ko pa sa likod ng babae ay 'yung dalawang kaibigan niya na nagtawanan pa, parang chini-cheer 'tong kaibigan nila.










"Sure!" Sagot ni Clyde nag thumbs up naman ako sa kanya at gumilid. Kinuha naman ng mga kaibigan ni Tinkerbell ang phone nito at inumpisahan ng mag picture. Inilabas ko din ang phone ko at kinuhanan din sila, ipapakita ko sa mga kaklase namin, naka tatlong picture siguro sila bago mag pasalamat at umalis.











Itinago ko na ulit sa sling bag ko ang phone ko ng lumapit na saakin si Clyde. Nakangiti pa siya saakin pero kumakamot sa batok niya.











"Hahahaha! Uyy pumapatol ka pala sa mas bata sayo ha?" Siniko ko siya, ngumiwi naman siyang tatawa tawa. Inakbayan din niya ako kaya nakisabay nalang din ako sa lakad niya.












"Uyy hindi ah! Tsaka may nililigawan na ako na ako diba?" Tumango naman ako, oo nga pala meron na nga pala, ayaw kasi niya ipakilala pag daw sinagot na siya. Hindi ko na naman sure kung sasagutin siya, char lang ang bad ko!











Pumunta kami doon sa isang booth ng mga grade 9 'yun kasi 'yung pinakamalapit na booth Mula sa complex. Doon kami pumunta sa mga Garden Fairy booth. Pagpasok namin doon ay sandamakmak na bulaklak ang nakita namin pero maganda ang pagkakadesign nito.











"Tara Chanel, papictyre tayo, may photobooth din sila!" Hinatak na niya ako at siya na din ang kumausap doon, dumiretso kami sa may photobooth.











"Apat na picture ang binili ko, tigdalawa tayo.." Sabi niya, sinenyasan naman kami ng photographer na humarap na sa camera kaya ang ginawa ko ay kinuha ang bow and arrow ko at itinapat iyon kay Clyde, nag pose naman siya na parang tinamaan.












Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon