35

5 0 0
                                    

Chanel Dior's POV











"Chanel, do want to come with me?" Padabog na katok ni Aziel sa may pintuan ng kwarto ko. Hindi ba siya marunong kumatok ng dahan dahan? Paturo siya kay Anna tas sabay silang kumanta ng Do you want to build a snowman.












"Aalis ako ngayon Aziel!" Sagot ko pabalik at tumingin sa relos ko, malelate na ako sa usapan naming oras ni Noah.












Napuyat kasi ako kagabi dahil dinamdam ko 'yung biro ni Aziel na liligawan daw niya ako. Sa kinilig ako e? Oo alam ko, bawal umasa pero wala akong magawa, kusa kong nararamdaman.









Nagsuot lang ako ng mini skirt tsaka fitted sleeveless tsaka nag croptop na blazer tapos ay nag double braid lang ako ng buhok tsaka light make up, nag boots na din ako na may konting heels.












Nang makitang ayos na Ang suot ko ay kinuha ko na ang mini backpack ko at saka lumabas ng kwarto. Nagpaalam na din ako kay manang na aalis ako.









Tinignan ko ang kotse ni Aziel kung nandito pa pero wala na ito, umalis na siguro siya. Saan kaya siyang mall pupunta? Sa mall din kasi kami mag kikita ni Noah, sana sumabay nalang pala ako.










Inilabas ko ang phone ko at tinext si Noah na kakaalis ko lang ng bahay. Agad akong pumara ng jeep.









Pagkarating ko sa mall ay tinext ko si Noah na nandito na ako sa may food court, nasa taas daw kasi siya may binili lang daw. Nakaramdam ako ng gutom ng maamoy ko 'yung shawarma. Ang bango naman kasi, mamaya Bago ako umuwi ay bibili nga ako.












"Hi, kanina ka pa?" Lumapit saakin si Noah, naka brown polo siya na tinupi hanggang siko ang manggas nito na naka tuck in sa pantalon nito. Ang pogi naman ng nilang na ito.








"Hindi kakadating ko lang. Saan tayo?" Tumayo ako at tumingin sa paligid. Ang dami ngayong tao, sabagay ay weekend kasi.












"Gusto mong kumain muna?" Nagbaba siya ng tingin saakin, ang tangkad kasi niya kahit na naka heels na ako ay kailangan paring magbaba ng tingin.









"Sige kain muna tayo, saan mo gusto kumain?"










"Ikaw ang masusunod, Ikaw ang date ko e," nakangiting sabi niya. May pa ganon pa? Hahaha!









"Sige dito nalang tayo sa food court kumain, nandito na tayo maghahanap pa ba tayo ng iba? Kaya tayo nasasaktan dahil nandiyan na nga sa harapan natin pero iba parin ang hinanap."










"Hahaha, gutom lang iyan Cha, Tara?" Pumila kami doon sa may Kimbap at bumili ng bibimbap tsaka tteokboki, the best ang tteokboki nila dito!









Bumili din kami ng takoyaki tsaka ng shawarma na sabi ko ay mamayang uwian na ako bibili kaso masyado akong hinihila ng amoy niya at parang binubulongan ako ng 'bilin mo na ako Chanel gusto ko na mapunta diyan sa tyan mo..' kaya binili ko na.


















"Gusto ko mag arcade Noah," tinuro ko ang arcade ng makita ko ito. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ako hinila papunta doon.













Pagpasok namin ay napakadaming tao, at maingay, sabagay ganon naman talaga. Nagpapalit na kami ng token.










"Doon tayo sa basketball Noah!" Gusto ko din kasi mag basketball dito, dito lang. Ayaw ko sa totoong court kasi takot nga ako sa bola simula nung matamaan ako sa mukha.












Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon