30

7 0 0
                                    

Chanel Dior's POV





"Aziel.. ano 'yung isusuot ko sa birthday ni Andrei? Kailan mag susukat?" Kinalabit ko si Aziel pagkauwi namin dito sa Bahay pagkatapos namin mamili ng ireregalo kay Andrei, bumili nalang ako ng figurine ng one piece na nakita ko sa isang anime shop sa mall.







"Na tahi na ang damit mo, you don't have to worry.." malamig na sabi niya saakin at naglakad na paakyat.






Grabe ang pag iba ng trato saakin ni Aziel ngayon, dati tuwing mag tatanong ako ay ngingiti muna siya bago ako sagutin, ngayon, miski ay tumingin saakin ay hindi niya ginagawa. Ganon ba siya ka galit dahil akala niya nag sinungaling ako sa kanya?






Napabuntong hininga nalang ako at umakyat na sa kwarto ko. Gabi na din kasi, masyado kaming natagalan sa pag iikot sa mall, tas nag laro pa kami sa arcade.








Nalungkot lang ako ng maalala ko na hindi man lang ako kinausap ni Aziel at ang layo niya pa saakin. Namimiss ko na tuloy siya, slight lang. Hays, mas okay pa na nagaaway kami pero biruan lang kesa ganto.









Peste kasing puso 'to, pala desisyon sa buhay.









Agad akong dumiretso sa banyo, kanina pa kasi ako nanlalagkit sa uniform ko, gustong gusto ko na mag palit, hindi na kasi kami umuwi para makapag bihis kaya heto, lagkit to the max ang feeling ko. Naligo nalang ako at nag skincare, nuks skin care pa ako 'no? Lagi namang puyat!








Huminga na ako sa kama ko at tumulala para maka pag isip, gawain ko kasi 'yun, pag may gusto akong isipin ay tumutulala ako sa isang tahimik na lugar. Syempre 'yung ako lang mag Isa, baka naman ay mag sasalita ako bigla magugulat pa ang makakakita saakin at mapag kamalan akong baliw kung mag sasalita ako kahit walang kausap.







Excited na ako sa surprise namin bukas kay Andrei, magugustuhan kaya niya? Pero bagay ba saakin 'yung isusuot ko? Baka mag mukhang ewan lang ako doon.








"Ano kaya ang susuot ko?" Wala kasi akong alam sa anime at nung sinabi naman ni Aziel na may isusuot na ako ay hindi ko natanong kung ano, umakyat na agad e. Huhu!







Tumayo ako at kinuha ang laptop ko, mag search din ako na possibleng anime, para naman kahit paano ay may alam ako, kahit title lang.





Napaisip ako ano ano kaya ang mga costume ng mga kaklase, excited na ako makita! Kinuha ko 'yung regalo ko kay Andrei, sabi kasi nila ay pinaka favorite daw kasi niya ang Hunter x hunter tsaka One piece, si Bir na ang bumili ng hunter at ako naman etong ngang one piece.







Ano ba 'tong mga anime na 'to? Mukhang maganda, Spirited away, Kimi no nawa, plastic memories at ang dami dami pang iba, ang alam ko lang naman na anime ay si Sakuragi tsaka si Goku.




Rukawa, rukawa, L. O. V. E. Rukawa!









Diba ay cosplaying ang tawag doon sa mga nag costume ng anime? Nag search din ako ng mag nag cocostplayer para makita ang itsura ng mga iyon. Grabe, ang ganda at pogi, mukhang hindi bagay saakin. Ang kikinis din ng balat, nahiya naman akong parang hindi nag lo-lotion, pero ang cute tignan parang gusto kong itry, hindi ko nga lang sure kung bagay saakin.






Nag search lang ako ng nag search mukhang magan din 'yung attack on Titan, parang kasi nakikita ko to sa facebook. Parang gusto ko tuloy manood ng anime na ito, na curios kasi ako, kaso hindi ko naman alam ano maganda pag beginner, may pa ganon?







Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon