20

16 4 0
                                    

Chanel Dior's POV



Ps: nahirapan ako gawin 'yung competition kaya sorry kung napaka lame ng wording ko.





Eto na jusko! Kinakabahan na talaga ako! Minasahe pa ni Andrei ang mga balikat ko.



"Go Chanel! Galingan niyo ni Clyde!" Pag bu-boost niya ng confidence ko. Ayan na naman po kasi ang kaba ko talaga, hindi ko talaga gets bakit ako lang kailangan mag compete.







Malamang Ikaw lang nag iisang babae sa section niyo!





Nandito sila halos lahat sa back stage may mga hawak pa nga silang mga pompoms tsaka banner na ginawa nila. "Baka Wala na kayong ma pwestuhan niyan.." Sabi ko pa sa kanila.







"Hindi nandoon sila Tan and Marcelo pati ang pinsan mo, nag rereserve ng pwesto para saamin.." ngiting ngiting sabi ni Clyde.







Si Asher inutusan nila? "Buti napasunod niyo pinsan ko?" Kasi kapag ako mag uutos doon binubulyawan ako.






"Ewan ko kung ano sinabi ni Aziel doon kaya napasunod.." si Aziel namilit kay Asher na nag reserve ng upuan para sa mga alagad niya? Ano naman kaya ang sinabi non?







Lumapit saamin 'yung Isa sa mga CSL, "Eleos, pumwesto na kayo doon at mag start na.."






Sumunod naman sila at nag bigay nalang sila ng goodluck saaming dalawa ni Clyde nag thumbs up nalang ako bilang sagot. Lumapit ako kay Clyde tinap niya ang ulo ko.







"Galingan mo, talunin mo si Siofra." Huh? Sino 'yun?







"Haha, 'yung representative ng Magis." Ah, Siofra pala ang pangalan non? Gandang ganda talaga ako doon, ang friendly pa ng aura niya para saakin.







"Sige tatry ko.." tumingin naman ako sa Banda nung Siofra, nakatingin din siya saamin pero malayo siya saamin.







Hinampas ko sa braso si Clyde, "buti hindi ka narinig." Tumawa lang siya. Pinapila na kami at pianghiwalay ni Clyde, mauuna daw Kasi Ang babae kesa lalaki tas mamaya ay sabay daw. Pumila na ako at pumwesto sa pinakadulo, syempre by section daw ang pila, ako ang last.







Napatingin saakin ang nasa harapan ko 'yung representative ata ng Anamnesis. Inirapan niya ako at nag step forward pa. Lah! arte naman neto, parang tanga hindi naman inaano.






Kinalabit pa niya ang nasa harap niya, 'yung Taga Aphphesis ata, nagbulungan sila halatang ako Ang pinag uusapan dahil lantaran nilang tinitignan ako tas iirap pa tsaka tatawa.







Wag kang papatol sa mga abnoy Chanel, kaya mo 'yan!









Hindi ko nalang sila tinignan para hindi ako maasar. Nag umpisa nang magsalita ang host at sinasabi ang mga house na mag kalaban laban. Kanya kanyang hiyaw ang mga audience para sa audience impact ng kabilang house and bias.








"Here's the section of Magis representing the house of HOROLOGIUM!!" Malakas na sigaw ng host at nagumpisa namang lumabas si Siofra daw doon sa stage.








Gusto ko Sana siyang mapanood mag lakad kaso nasa likod ako kaya hindi ako makasilip pero sure ako s lakas ng sigawan ay ang galing niya, ang dami ko ngang narinig na sumisigaw ng crush siya. Taga dito naman ako pero bakit parang hinfi ko siya Kilala, ngayon ko lang nakita?






Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon