28

10 1 0
                                    

Chanel Dior's POV







'You seems so weird. Is there something wrong with us?'









Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatingin dito sa sulat na ibinigay saakin ni Aziel kanina. Something wrong with us my face!







Hindi ko alam kung ganon ba talaga ka sweet sj Aziel sa kahit na sinong babae? Pakiramdam ko kasi iba 'yung trato niya saakin, pero ayaw kong mag expect o mag assume. Baka ganon lang talaga siya.









Naalala ko na naman 'yung pagsasayaw namin sa may sala. Para saakin 'yun na ang pinaka sweet na gianwa saakin ng isang tao. 'yung mga kabag ko kasi dati hindi naman ako ginaganon. Jinojowa lang ata nila ako para may masabi sila sa tropa nila.









Naamin ko na sa sarili ko na may crush ako kay Aziel, hindi ko na iyon matatanggi. Pero crush lang iyon, pag hanga, pwede pang pigilan.












Biglang pumasok sa isip ko si Noah at inalala ang mga sinabi niya at ni Siofra. Malandi nga ba ako? Baka malandi nga ako? Kasi may crush ako kay Aziel pero magpapaligaw ako kay Noah, pero hidni naman kasi ako sumagot Kay Noah, siya lang ang nag desisyon.











Umikot ikot ako sa kama ko dahil sa frustration. Nakakainis naman! Ganto ba talaga pag maganda? Char!










Gusto kong bigyan ng chance si Noah kaso naisip ko si Aziel, paano siya? Pero bakit ko din naman inisip kung paano siya? Wala naman siyang gusto saakin. 'yung mga sweet gestures niya Wala lang iyon, pa fall lang. Sabagay matinik nga naman siya sa chicks, may na obsessed pa nga sa kanya, si Siofra.










Ang landi landi ko, puro love life iniisip ko. Kung papatigilin ko si Noah sa panliligaw niya baka layuan niya ako, ayaw ko naman, ngayon na nga lang ulit kami nag kita. At isa pa baka eto na din ang sign para mapalayo ako kay Aziel.









Ewan ko pero pakiramdam ko ay sumama ang pakiramdam ko ng maisip na lalayuan ko na talaga si Aziel. Kahit na nasa iisnag bubong kami ay kanina iniwasan ko siya. Hindi nga kami nag sabay kumain kanina at umalis din naman siya.











Inabot ko ang notebook ko at inipit 'yung sulat ni Aziel doon. Napabuntong hininga ako at saka tumayo para kumuha ng tubig sa baba.












Tumingin ako sa paligid. Nakapatay na Ang mga ilaw, sabagay alas 2 na din kasi. Dumating na kaya si Aziel?










"Argh! Chanel, stop thinking about him." Mahina kong pinukpok ang ulo ko.












Dumiretso ako papunta sa kusina pero nagulat ako ng may humatak sa bewang ko at takpan ang bibig ko.













Nanlamig ang pakiramdam ko at napuno ako ng takot. Magnanakaw ba 'to? Sino 'to?! Sinubukan kong makawala sa kanya pero nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang hininga niya sa may leeg ko.







"One minute, Dior." Bulong nito saakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng nakilala ang boses na iyon, pilit kong sinisipat kung si Aziel nga ba ito dahil sobrang dilim.

















Hinarap niya ako sa kanya at kahit madilim ay nagtama ang mga paningin namin. Napapikit nalang ako ng hatakin niya ako Mula sa bewang ko at yakapin ng mahigpit. Nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko at ng sakanya.













Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon