2

28 4 3
                                    

Chanel Dior's POV








"Ma'am maniwala po kayo.. wala po akong alam dito! Sumama lang ako sa kanila kasi sabi nila Subject daw e! Malay ko bang Cutting ang Putara-"







"Watch your words Ms. Loquinario!" Napanguso naman ako.







Walanghiya ang mga piste! Dinamay pa ako sa kalokohan nila!








Ano namang malay ko sa favorite subject pala nila ay ang cutting?! Ang husay talaga! Ang cute nila!








Sa sobrang cute nila gusto ko silang kurutin ng nail cutter.








"Kayo talagang Eleos ang sakit sa ulo ko! Favorite subject pa kayong nalalaman ha? At ikaw naman Ms. Loquinario, akala ko ba magtitino ka na?" Inis na sabi na naman neto saakin.







"Oo nga ho ma'am sinusubukan ko naman, kaya lang halfday na kaming nakatulala doon sa room wala namang pumupuntang teacher. Tas biglang nagsitayuan po itong mga kaklase kong ugok sabi nila ay pupunta sila sa favorite subject nila na malay ko bang cutting pala.. sumama naman ako!" Inis na paliwanag ko pa pero inirapan lang ako nito.








Taray ha? Baka mahipan ng hangin iyan forever na nakatirik. Char!








"Yeah, yeah, save your lies." Bulong pa niya na narinig ko naman.








Abat! Seryoso ba? Huhuhuhu Asher help!






'Ma'am hindi po totoo sinasabi niya'

'Oo nga po ma'am.'

'Otor po ata iyan ma'am galing gumawa ng kwento e.'

'Ma'am ganda ganto iyan. Siya ang biglang tumayo papunta sa pinto tapos ay inaya niya kami.. hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta basta daw subject daw iyon na favorite niya tapos binulong lang niya saamin ang katotohanan nung nagkahulihan na!'







POT-!!!!







'OO TAMA TAMA!"

'IKAW AH! BINABALIKTAD MO PA KAMI!'








"MS. LOQUINARIO?" Taas kilay na tumingin saakin si Ma'am.







Seryoso ba? Pinaniwalaan niya ang mga loko kesa saakin?








"MA'AM HINDI PO!" sigaw ko!







Umiling iling lang siya at parang paniwalang paniwala sa sinasabi ng mga ugok kong kaklase! What the hell!!!!








Bakit ko pa nga ba itatanggi? Alam ko namang kahit itanggi ko ay wala naman na akong magagawa dahil hindi naman ako papaniwalaan niyan. Siya pa!







Ngumuso ako at dahan dahang tumayo. Umiling iling naman siya at nagsulat.








"Dahil diyan ay isang linggo kang maglilinis ng canteen at tatlong araw naman ang mga kaklase MO! Kababae mo pa namang tao ay ikaw pa nangunguna ng gulo! Susnaryosep hala magsilayas na kayo sa harapan ko at yung dugo ko tumataas!"









Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon