9

24 5 0
                                    

Chanel Dior's POV


May usapan kaming magkakaklase na magkikita sa bahay ni Bir ngayong Saturday kaya nagbihis na ako sasabay kasi ako kay Aziel No choice naman kasi ako dahil ayaw ako sunduin ng mga kaklase ko at sabi pa ni Aziel ay wag kong ipapaalam sa kanila na nakatira ako sa kanila ayaw daw niyang maissue ako sa kanya. Like as if gusto ko naman, duh!




"Konting bilis naman diyan!" Pakalabog na katok pa ni Kupal na Ungas sa pintuan ng kwarto ko. Madaling madali naman!



Lumabas naman na ako ng kwarto at nakita ko siyang naka abang sa pintuan ng kwarto niya na halatang inip na inip na saakin. Okay lang naman saakin na mainip siya malayo naman sa bituka.




Wala si Tita Lia ngayon may aasikasuhin daw kasi siya sa Farm nila doon sa Ilocos. Taray talga gusto ko din ng farm. Pagka nagkatrabaho na ako magiipon ako at bibili ng farm ko at mag tatayo ng sariling restaurant.




Dumiretso na ako sa ko sa kotse ni Aziel. Doon ako sa likod umupo ayaw ko kasi siyang katabi, hindi naman siya umangal.


"Hoy, Choi! Ano ba ang gagawin natin doon? Kila Bir?" Kinalabit ko siya mula sa likod. Hindi naman siya sumagot saakin.

"Woi! Choi?" Kinalabit ko ulit siya.

"Aziel Choi!" Sigaw ko sa tenga niya.

"Would you please stop shouting?" Sigaw din niya saakin pabalik.

"Sumisigaw ka din kaya!"

"Paano ay sumisigaw ka!"

Aba't talgang pala sagot din 'tong tao na ito pero pag kinakausap kala mo putol ang dila.

"Bingi ka kasi! Naka ilang tawag na ako sayo!" Inambahan ko pa siya ng batok.


"Can't you see? Ayaw kaya kitang kausap!" Mataray na sabi pa niya saakin.

"Mas ayaw kitang kausap!" Sigaw ko din at pabagsak na sumandal. Nakakainis nag tatanong lang ayaw pa sumagot!





Nakarating na kami sa bahay ni Bir kumpleto na pala sila at kwmi nalang ang hinihintay.

"Ang tagal niyo naman!" Naiinip na sabi ni Clyde.

Tinuro ako ng Kupal na Ungas. "Mas mabagal pa sa pagong kung kumilos."




Umiling naman si Kyle, "Mga babae nga naman.." nang-aasar na tugon pa niya. Pinandilatan ko siya ng mata at binatukan. Ngumuso naman siya saakin.


"Ang brutal mo Gucci!" Sabi pa niya.

"Para ba at nagkita kita tayo dito?"tanong ko at umupo sa katabi ni Clyde at Harvey. Kumuha din ako ng pizza at inumpisahan na itong lantakan. Syemore dumukot din ako sa Fries at popcorn. Binigyan naman ako ni Kiel ng Coke.



"Sa Next Monday ay may Acquaintance party tayo. House of Orion ang napunta saatin kaya kailangan nating gumawa ng booth na related doon." Paliwanag ni Bir.



Ay oo nga pala Third week of School nagaganap ang Acquaintance party namin. Last Year ay Harry Potter Theme ang napunta saamin.



"Si Chanel halatang hindi nakikinig ng announcement." Pang aasar ni Andrei. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil hindi ako makakontra kais totoo naman. After kasi ng closing prayer ay umaalis na ako. Dahil tinatamad na ako makinig at tsaka gusto ko na rin mag linis ng canteen. Para maaga ako makauwi. Kahit na tinutulungan ako ng mga kaklase ko ay nauuna parin akong pumunta doon. Pinag lilinis ko pa kasi sila ng room hindi naman sila maka angal.







Nagplano pa sila at kunwari nalang akong nakinig. Kahit ang totoo oo nalang ako ng oo sa kanila. Wala naman din akong ma suggest kaya kakain nalang ako dito. Kaya na nila 'yan.




Natoka saakin, kay Aziel, Harvey Clyde, Kiel at Kyle ang pamimili ng mga props at mga tela na gagamitin namin na pang capa. Ang iba naman ay ang mga design sa room at ang iba ay bahala sa pagkain. Mag papa buffet daw sila. Taray mga yayamanin.






Bukas ay mamimili na kami dahil sa Wednesday to Friday lang lang kami pwedeng mag ayos ng room namin dahil sa next Monday na nga ang acquaintance party namin. Sa gabi naman ay kailangan na naka formal attire kami parang Js Prom mga naka gown daw. Ang daming alam! Kailangan din may partner ka which is hindi naman na ako mamomoroblema pa doon. Ayan na ang mga kaklase ko, manghahatak nalang ako ng isa diyan.








"Ano na gagawin natin? Uuwi na agad?" Biglang sabi ni Kyle.





"Syempre, anong oras na din!" Sabi ko pa ng makitang mag alas 6 na.





"Dito ka na matulog Chanel!" Sabi ni Clyde. Binatukan naman siya ng mga Alagad ni kupal.




"Hindi magandang tignan sa babae Clyde.."

"Tatanga tanga na naman kasi!"

"Per wala naman tayong gagawin kay Chanel.. as if naman! Eh si Aziel lang naman nang manyak kay Chanel!" Pagdadahilan pa niya. Napailing naman ako ng ipaalala pa niya iyon.



"Salamat sa pag papaalala ha?" I said sarcastically. Natawa pa siya. Wow grabe wala na bang mas imamanhid pa 'to?








"Eh paano iyan? Kita kits nalang bukas?" Sabi pa ng isa kong kaklase, nakalimutan ko na kasi pangalan niya.





"Sige, Chanel hatid na kita!" Sabi pa ni Harvey.






Gusto ko sanang um-oo kaso sabi nga ni Kupal na Ungas ay wag daw ipapaalam sa kanila na nakatira ako sa kanila, kaya kahit na ayaw kong sumabay sa kanya ay no choice ako.




"No, I'll drive her home." Sabi pa ni Ungas at hinatak na ako papalabas. Hinila ko naman ang kamay ko at bumalik sa lamesa.





"Akin nalang 'to!" Kinuha ko 'yung box ng pizza na isang buo pa. Hindi naman nila pinapansin, ako nalang kakain.




"Takaw.." pabulong bulong pa itong isa na ito. "Lakasan mo pa hindi ko kasi narinig!"




"Ang takaw mo kako!" Sinigaw niya sa mukha ko, tumalsik pa nga 'yung laway niya buti nakasarado 'yung bunganga ko kung hindi maiinfect na ako sa virus na dala niya.







Three Words Better Than I Love You
Chapter 9
hanadjirel

Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon