8

21 4 2
                                    

Chanel Dior's POV



Dahil nadala na ako kahapon ay nagdala na ako ng pambahay na damit para hindi ako mag mukhang mess!


Kinuha ko na ang mga panglinis sa janitor's room. Napatingin muna ako sa paligid. Grabe naman ang mga tao dito hindi ko maintindihan kung bakit napakakalat ng sahig e sandamkmak na trashbin naman ang meron dito sa canteen! Ang dami pang nagkalat ngayon na parang mga soup at juice.




Inumpisahan ko ng pulutin ang mga malalaking kalat sa lamesa at sa sahig.. hindi kasi pwedeng walisan kakalat 'yung mga juice sa sahig.



Napatingin ako ng may biglang mga taong tumulong saakin na pumulot ng mga kalat sa sahig. 'Yung mga alagad ng kupal na ungas pala!

"Bakit?"

Ngumiti naman saakin si Clyde at Andrei. "Wala naman tinutulungan ka lang ng poging si ako." Mahangin na sabi pa ni Clyde. Agad naman siyang binatukan ni Andrei at sumunod ang iba naming kaklase.





Nagpaligsahan pa sila kung sino talagang mas gwapo sa kanila. Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Gusto ko ng umuwi!



Habang nagpupulot ng mga kalat ay nahagip ng mata ko si Angel Demonyita Kasama si Aziel Kupal! Diretsong nakatingin lang ito saakin habang blangko ang mukha, si Angel Demonyita naman ay bumubungisngis pa at halata namang nagpapabebe sa kasama niya na parang wapakels.





Hindi ko nalang sila pinansin at tumingin sa mga kaklase ko na nagtuturuan pa kung sino ang magpupunas nung malagkit na juice sa sahig! Ang aarte naman naka mop naman di bale sana kung kakamayin nila e!



"Ew kaya pards! Malagkit!" Sabi ni JM.

"Ikaw nalang kasi Carl!" Si Tristan naman na tinuro si Carl. Agad namang lumayo ito at umaktong diring diri.

"Lul! Hindi nga ako naglilinis saamin!"

"Tamad!" Sigaw ng mga kaklase ko.


"Ang aarte niyo! Ako na nga!" Tinabig ko sila at akmang ako na ang magpupunas.

"Joke lang! Chanel kami na! Diba Carl? Tristan JM?" Sabi bigla ni Bir. Para namang napilitang tumango ang tatlo pero minop na nila.




Nakakapgtaka lang na tuwing susubukan kong magpunas ng lamesa ay biglang may pupunta doon sa pwesto ko at pupunasan. Pag naman mag pupulot ako ng kalat ay tinataboy nila ako at sila na ang gumagawa, kaya ang ending eto ako naka nganga at tinitignan nalang silang maglinis.



"Ano ba trip niyo?" Nagpamewang na ako. Tumigil naman sila bigla sa paglilinis at nagtuturuan ng tingin.


Bigla ay lumapit si Clyde saakin. "Eh kasi.. ano Chanel.. ang panget mo kasing umiyak—Aray naman!" Binatukan siya ni Harvey.

"Parang tanga naman Clyde!" Asar na sabi pa nung iba kaya bahagya akong natawa.


"Ano nga?"


"Kasi.. gusto naming mag S.. Sh.. Shorey.." nangunot ang noo ko. Anong shorey?


Anu daw?

Anong shorey Harvey?

May alien language si Harvey!

Baka kamo aswang language!

Hindi talaga nila tinigilan 'yung aswang na pa g aasar nila saakin.

"Anong shorey?!" Umupo ako sa isa sa mga silya doon. "May tubig ba kayo? Painom naman!" Sabi ko at nataranta naman silang magsikalikot ng bag nila. Ang O.A. nila ha? Ayaw pa kasi sabihin ang gustong sabihin e!



Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon