7

21 4 1
                                    

Chanel Dior's POV






Maaga akong nagising ngayon pero nakahiga parin ako. Nag iisip kasi ako kung paaano kaya ako tatakas para hindi makasabay doon sa Ungas na iyon? Kung magpapahatid naman kasi ako sa driver, nakakhiya na at baka sabihin kay Tita. Siguro naman ay tulog pa si Aziel ungas na iyon. Bibilisan ko nalang ang pagaayos ko at mag ko-commute ako.









Tama mas okay na iyon kesa sa makasabay sa lalaking Kupal. Agad akong tumayo at mabilis na bumababa para kumain. Sopas ang niluto ni manang dahil maulan pala ngayon! Nakakainis kung kelan naman ako mag ko-comutte tsaka pa maulan!










Rain rain go away come again another day little chanel wants to go away.











No choice! Kesa naman sumabay ako sa lalaking 'yun mamaya manyakin pa ako sa sasakyan! Nanginginig ako tuwing naalala ang convo namin! Walanghiya nakakawalang gana.










"Bakit parang madaling madali ka naman iha.." sita saakin ni manang ng sunod sunod na subo ang ginawa ko. Napapaso naman ako pero hindi ko na iyon iniinda gusto ko lang makapasok sa school ng hindi sumasabay sa anak ni Titang tama siya may pagkabaliw!









"Hehehe, hindi naman po manang. Masarap lang po talaga luto niyo. Penge pa po ha?" Pagdadahilan ko pero totoo naman. Lahat ng luto ni manang masarap.










"Ayy sige sige!" Sinandukan naman pa ako ni manang dahil naubos na naming dalawa 'yung na bowl. Sabay kasi kami kumain dahil may gagawin pa daw siya para maumpisahan na daw niya.










Pagkatapos kumain ay nagligong bibe nalang ako at mabiling nagbihis. Nilagay ko nalang sa bag ko 'yung pulbo at suklay pati liptint na din dahil maputla ako.












Nasa jeep na ako ng mapansin kong nakatingin saakin ang schoolmate ko. Alam kong magulo ang buhok ko dahil hindi ko na nagawang makapagsuklay. Sa Restroom nalang sa school ako magaayos. Finingercomb ko nalang ang buhom ko pero natawa iyong schoolmate ko ng sumabit ang mga daliri ko sa buhok ko.







Edi sila na maayos ang buhok!









Tinaasan ko siya ng kilay. Mukhang maarte 'tong kasabay ko. Ayaw ko sana ng gulo pero hindi talaga niya ako tinantanan ng tingin at ngingisi ngisi pa.










"Bakit ba?" Inis na tanong ko kaharap ko lang kasi siya. Ready naman akong gayahin ang buhok kong gulo gulo sa buhok niya kapag hindi pa siya tumigil.








Mahina siyang bumungisngis at umiling. "Wala naman ang cute lang ng buhok mo lalo na nung medyas mo.." turo niya sa medyas ko.











Sa sobrang madali ko hindi ko napansin na hindi pala pares ang medyas na nasuot ko. 'Yung isa ay hanggang sa may buto lang 'yung haba at 'yung isa naman ay lagpas doon ng mga 1 inches.










"Oh, e ano naman? Gusto mo exchange tayo?" Hindi na siya sumagot at bumaba nalang dahil huminto na ang jeep. Nasa school na pala kami.










Pagpasok ko sa gate ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Anu ba 'yan! Ngayon lang ba sila nakakita ng hagard na studyante? Bahala nga sila sa buhay nila.









Pagkapasok ko sa room ay ayun na anamn ang moment of silence nila. Maaga pala silang mag sipasok. Nakita ko si Harvey, Kyle at Andrei. Wala pa si Clyde baliw.









Three Words Better Than I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon