7

3 0 0
                                    

"Bakit ang bait mo ngayon?"

Tanong ko habang kumakain ng mga pagkain na binili niya sakin. Ako lang kumakain dahil sabi niya akin daw lahat 'to. Syempre dahil pagkain 'to kaya tinanggap ko. Hindi ko mahihindian ang pagkain noh!

"I'm not, I'm just pity on you.." Simpleng sagot nito.

"Okay sabi mo e.." Sabi ko pero nangingiti dahil sa palusot niya. Kunwari pa baka crush na nga ako nito e! Char!

Sa sobrang daldal ko hindi ko namalayan na naubos ko lahat ng pagkain na binili niya sakin. Ayaw niya kasi kumain kaya inubos ko na lang.

"Sorry naubos ko pala hehe.." Sabi ko at ngumiti sa kaniya ng malawak.

"Don't be shy, alam ko naman na matakaw ka."

"Hoy! Grabe ha! Hindi naman, sakto lang." Tumawa lang ito ng sarkastiko at siya na ang nag-ligpit ng pinag-kainan ko. Bait niya talaga ngayon.

Nang matapos siya ay pumunta kami sa sala at umupo sa couch. Nangialam na ako ng gamit niya na parang condo ko 'to. Kinuha ko 'yung remote at binuksan ang tv kahit hindi ko siya tinatanong na pwede manood. Bahala siya diyan.

Nag-focus lang ako sa panonood habang 'yung katabi ko ay may binabasa na libro about sa subject nila. Humikab ako at sumandal sa likod ng couch hanggang sa makatulog ako.

Nagising ako nang nasa malambot na kama na 'ko. Pag-tingin ko sa labas madilim na pala. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko si mama at ate. Siguradong bunganga na naman ang abot ko nito.

Tumayo agad ako at pumasok sa banyo dito sa kwarto na 'to. Nag-hilamos agad ako at nag-bukas ng hindi gamit na toothbrush at nag-toothbrush bago lumabas sa kwarto.

Naabutan ko si Christian na nasa couch pa rin at may binabasa parin. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay tumingin agad siya sakin.

"You're awake. Let's eat." Aya niya sakin at nauna ng pumunta sa kusina at sumunod naman ako.

"Christian pagtapos nito hatid mo na 'ko ha, kailangan ko na kasi umuwi baka hinahanap na 'ko nila mama."

"Oh..okay. After we eat." Tumango naman ako at nag-sandok na ng pagkain.

Pagtapos naming kumain ay nag-ayos na muna ako bago kami lumabas ng condo niya papunta sa parking lot ng building.

Tahimik lang namin na binaybay ang pauwi sa bahay namin. Sa sobrang bilis ng oras hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Salamat sa paghatid ha, tapos do'n sa pagkain kanina. Babawi ako sa susunod."

Ngumiti naman siya sakin ng tipid "No need to do that. I want to do that for you willingly." Kahit nagtataka ay nag-paalam na 'ko.

"Baba na 'ko, See you when I see you.." Sabi ko at bumaba na.

Hindi na muna siya umalis dahil hinintay niya muna ako maka-pasok sa loob bago niya pinaandar ang sasakyan at umalis. May bait rin naman pala sa katawan si CJ akala 'ko puro sungit lang.

Kinabukasan normal na araw parin. Puro lesson o minsan recitation. Nang mag-break ay nagulat ako nang mapagsino 'yung nasa labas ng classroom.

"Christian? Naligaw ka yata dito." Sabi ko habang papalapit sa kaniya.

"We're going to eat together." Simpleng sagot nito.

"Ay paladesisyon ka ha! Pero sige nagugutom na rin ako." Sabi ko at hinila na siya papuntang cafeteria para kumain.

Pagdating namin sa cafeteria ay humanap agad kami ng pwesto na mauupuan namin.

"Ako na mag-oorder. Stay here." Sabi lang nito at umalis na papuntang counter.

Mabilis rin naman siyang naka-balik agad. Hindi niya pinapansin ang ibang estudyante na nakatingin lang sa bawat galaw niya. Sino ba naman hindi papansinin ang gwapong masungit na 'to, kahit seryoso ang mukha agaw atensyon parin sa iba.

"Eat." Sabi nito habang inaayos nito ang mga pagkain sa table.

Tinignan ko lang siya habang kumakain kami. Nagtataka kasi ako sa lahat ng kilos niya. Ni minsan hindi kami nag-sabay kumain dito sa cafeteria dahil lagi niya kong sinusungitan. Pinapunta niya pa 'ko sa condo niya. Sinapian kaya 'to? Ibang Christian ata 'tong kasama ko.

"Stop staring and just eat." Biglang sabi nito na kinaigtad ko. Kanina pa pala 'ko nakatitig sa kaniya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Gwapo mo."

Nakita ko naman na natigilan 'to at biglang pag-pula ng leeg at tenga nito. Kinikilig ba 'to?

"Kinikilig ka noh?" Tudyo ko sa kaniya habang natatawa.

"Just eat Athena." This time ako naman ang pumula ang pisngi dahil sa pagtawag niya sa first name ko. Gosh! Ganito pala kapag binabanggit ng crush mo ang pangalan mo.

Nag-kwento lang ako habang nakikinig lang siya willing naman siyang makinig kaya gora lang ako.

Natigil lang ang pagsasalita ko ng may babaeng asungot na nakisabat.

"Hindi ka na ba nahihiya sa kalandian mo, kaya kahit saan ka na lang lumandi." Sabi ni Carla nang makalapit siya sa table namin.

Hindi ako sumagot at tumayo si Christian para pumagitna sa aming dalawa.

"Carla stop." Saway ni Christian.

"Bakit Christian?! Ayaw mo malaman nilang lahat na kaya tayo nag-hiwalay dahil nilandi ka ng babaeng 'yan?!" Sigaw ni Carla dahilan kaya nagsi-tinginan ang mga ibang estudyante sa gawi namin.

"Stop." Madiing sabi ni Christian na parang nag-pipigil.

"Hindi ako titigil!" Sigaw nito at tumingin ito sa akin at dinuro ako. "Malandi kang babae ka! Ahas!" Sabi nito at tyaka hinablot na lang bigla ang buhok ko.

"Aray! Carla nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka dahil mang-aagaw ka!" Sigaw nito at mas lalo pang hinigpitan at hinila ang buhok ko.

Sa sobrang sakit ng pag-hablot ng buhok niya sakin kaya napilitan ako na gumanti. Hindi ako papayag na ako lang masisira buhok dito noh!

"Hey! Stop!" Pilit kaming pinipigilan ni Christian pero pareho kami na hindi nagpapatinag.

Nagpatuloy lang kami hanggang sa maramdaman kong may humawak sa bewang ko at hinila ako. Ganun din kay Carla.

"Bitawan niyo 'ko! Malandi ka!" Patuloy na sigaw ni Carla at pilit kumakawala sa may hawak sa kaniya.

"Hindi ako malandi noh! Sadyang maganda lang talaga 'ko!" Ganting sigaw ko. Akala niya ha!

Patuloy lang kami sa pagsisigawan hanggang sa sumigaw si Christian na nagpatahimik sa aming dalawa.

"I said stop!" Sigaw nito. Tumingin siya sa akin ng seryoso bago bumaling kay Carla na namumutla na sa takot at nag-salita.

"Don't hurt my girlfriend again.."

****

:)

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now