8

4 0 0
                                    

"Are you okay?" Tanong niya sakin ng nasa loob kami ng kotse niya at sinusuri ang buong katawan ko.

"Okay lang.." Sabi ko.

Tumango lang ito at pinaandar na ang sasakyan.

"Hoy! May klase pa 'ko!" Sabi ko ng maalala ko.

"You're not going to your class. I excuse you a while ago.." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Bakit mo ginawa 'yun? Wala naman akong sakit."

"Because I want to.." Bumuntong-hininga na lang ako at hinayaan na lang siya kung saan niya ako dalhin.

Nagtaka ako dahil sa condo niya kami bumaba. Sumunod na lang ako dahil wala akong lakas dahil sa nangyari kanina. Nakaka-drained makipag-away. Jusko!

Nang makapasok kami ay umupo agad ako sa couch kahit hindi niya sinasabi. Nakakapagod kaya!

"I'm going to cook. Stay here." Tumango lang ako at binuksan ang tv niya para hindi ako ma-bored.

Hindi rin ako nag-tagal manood ng tv at nag-cellphone na lang ako. Nag-scroll lang ako sa facebook at nag-share ng mga nakakatawang videos. Sunod ko naman binuksan ay ang IG account ko.

Katulad ng parati kong ginagawa ini-stalk ko lang ang lalaking kasama ko ngayon. Tinitignan ko kasi kung may bago siyang post pero lagi wala iisang post lang ang meron. View lang ng pinuntahan namin noon na tanawin.

Papatayin ko na sana ang phone ko ng may mahagip akong pamilyar na image. Naka-highlight siya sa IG ni Christian.

Isang babae na naka-sideview habang nakatingin sa tanawin. Medyo madilim ang pagkaka-kuha kaya hindi gaano kita ang mukha pero alam ko ang tanawin na 'to!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ito. May caption pa kasi ng 'with you <3'. Ginaya niya ba 'yung story ko nung araw na 'yun? Bakit 'di ko alam? Napangiti na lang ako habang tinitignan ko ang image. Alam kong ako 'to! Pero ayoko mag-assume, malay mo sila parin pala ni carla. dine-deny lang ng lalaking 'yun. Hindi naman siguro magagalit ng ganun si carla kung hindi sila diba? Tama 'yun nga!

"The food is ready."

Bigla kong nabitawan ang phone ko dahil nag-salita si Christian. Tinago ko na ang cellphone ko at sumunod na sa kaniya sa dining area ng condo niya.

Umupo na 'ko sa bakanteng upuan sa harap niya. Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa hindi ko na matiis ang katahimikan. Alam ko naman kasing walang balak mag-salita 'tong kasama ko.

"Pwede bang 'wag mo na lang akong lapitan? Kahit sa university." Sabi ko.

Napatigil siya sa pag-nguya at napatingin sa akin ng seryoso. "Why?"

"Para wala ng gulo? Kasi 'yun naman ang ginagawa ko e, nilayuan kita simula ng malaman ko na jowa mo pala si carla.."

"So that's the reason why you don't show yourself to me anymore?" Tanong niya pagtapos niya ibaba ang kutsara at tinidor.

"Ayun naman talaga ang gusto mo sa una pa lang diba? Na layuan kita kaya ngayong ginagawa ko na bakit tinatanong mo pa?"

Nakita ko na kumuyom ang kamao niya sa ibabaw ng lamesa at lalong sumeryoso sa pag-tingin sakin.

"Finish your food and I'll take you to your home." Huling sabi nito bago ako iwan sa lamesa at dumiretso sa kaniyang silid.

Bumuntong-hininga na lang ako at tinapos na ang pagkain. Masasayang lang kung hindi makakain.

Ganu'n nga ang ginawa niya. Pagtapos ko kumain ay sakto ang pag-labas niya ng kaniyang silid. Lumabas kami ng condo niya at hinatid niya ako sa bahay.

Sa buong biyahe ay hindi kami nag-uusap dahil parehas namin ayaw kausapin ang isa't isa. Ang gulo niya kasi e. Noong panahong hinahabol ko siya, siya ang lumalayo. Ngayon naman kusa na akong lumayo bigla niya na lang akong hihilain sa kung saang lugar niya gusto.

Kaya hindi ko na rin alam kung ano nangyayari sa amin. Wala akong mahanap na sagot. Kaya mas mabuti na rin 'to, ang lumayo ako, na hindi namin makikita ang isa't isa para wala ng gulong mangyari katulad kanina.

Walang lingong likod na lumabas ako ng sasakyan niya at dumiretso ng pasok sa bahay. Wala naman na kaming dapat pag-usapan.

Pag-pasok ko ay wala pa sila ate dahil mga nasa trabaho pa ang mga 'yun. Maaga pa kasi kaya wala pa sila.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga agad sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ang mga nangyari ngayong araw. Kaloka! Kastress pala! Kastress mag-mahal!

Para hindi na ako mag-isip ng kung ano-ano ay nag-linis na lang ako ng kwarto at ng buong bahay kahit hindi pa ito ang araw ng pag-lilinis. Ako na rin ang nag-luto ng hapunan namin nang tumungtong ang orasan sa ala-sais.

Saktong nag-hahain na ako ay dumating na din sila mama at ate. Kung tatanungin niyo pala kung may tatay pa 'ko. Feel ko wala simula kasi ng sumama siya sa ibang babae ay nawalan na rin kami ng tatay. Kaya nag-pursigi si mama para buhayin kaming dalawa ni ate noon at sa awa ng diyos nakaraos din kami.

"Oh! Anong meron at sinipag ka?" Bungad na tanong agad ni ate pag-kapasok niya sa kusina kasunod si mama.

"Wala. Maaga lang talaga akong naka-uwi kaya nag-luto na 'ko." Pag-sisinungaling ko baka kasi kalbuhin ako nito pag nalaman niya na nakipag-away ako.

"We? Nag-cutting ka noh?" Tanong niya pagtapos ay umupo na sa upuang bakante ganu'n din si mama na nakikinig lang.

"Utot mo nag-cutting. Gusto ko pa maging sikat na designer noh kaya bakit ko magagawa mag-cutting!"

Tinawanan lang ako ni mama at ate pagtapos ay kumain na rin. Totoo naman noh! Gusto kong mag-apply na designer doon sa nakita kong building nung bata pa 'ko nakalimutan ko lang ang pangalan pero alam ko kung saan ang papunta. Kahit naman bata pa 'ko nun hindi ko makakalimutan 'yun noh, lalo na 'yung first crush ko. 'Yung lalaking naka-encounter ko sa tapat ng building na 'yun.

Hay nasa'n ka na kaya?

Matatandaan mo pa kaya ako kapag nag-kita tayo?

Where na you na ba?

My fierce boy...

****

:)

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now