3

6 1 0
                                    

"Akala ko nakauwi ka na galing training mo.."

Tanong ko kay Felix habang nandito kami ngayon sa malapit na convenience store, dito muna kami nagpatila ng ulan dahil sobrang lakas pa. Felix pala ay kaisa-isa kong kaibigan sa university.

"Pauwi na talaga ako nakita lang kita kaya huminto ako. Hindi mo naman kasi sinabi na gusto mo pala saluhin 'yung ulan.." Natawa ako sa sinabi niya. Malay ko ba kasi na uulan, hindi tuloy ako nakadala ng payong.

"Salamat ha! Blessing ka ni lord hahaha.." Sabi ko na ikinatawa naman niya. Mabait na kaibigan si Felix simula ng makilala ko siya nung freshmen pa lang ako ang gaan na ng loob ko sa kaniya. Kasing-edaran niya lang si Christian at pareho din sila na 3rd year kaya minsan ko lang makita 'to dahil sobrang busy niya lalo na sa training nila sa basketball.

Buong paghihintay namin na tumila ang ulan ay puro tawa at biruan lang kami kaya nang tumila na ay pumunta agad kami sa pinarkingan niya ng kotse niya at agad niya kong hinatid dahil gabi na din daw kasi.

Nang makarating sa bahay ay binuksan ko na ang pinto gamit ang duplicate key ko. Patay na lahat ng ilaw ng makapasok ako, kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo dahil baka magkasakit ako bukas. Ayoko umabsent noh, hindi ko makikita si CJ ko.

"Hoy babae! Sa'n ka galing kagabi?" Bungad agad sakin ni ate ara pagbaba 'ko.

"Ingay mo te.." Sabi ko habang patuloy bumababa sa hagdan.

"'Wag mo ibahin ang usapan ha! Nakatulog na kami lahat-lahat ni mama hindi ka parin dumadating, mamaya kung ano-ano na gianagawa mo ha.."

"Ate 'wag OA ang tagal kasi tumila ng ulan kaya hinintay ko pa tumila kaya ako natagalan tapos.." Sabi ko na lang para hindi na siya mag-ingay. Aga-aga kasi sermon agad ipapa-almusal sakin.

"Umayos ka athena kapag nalaman ko lang na may kalokohan ka! Naku!"

"Oo na ate!" Inis kong sabi at iniwan na siya sa sala na nag-susuklay ng buhok para mag-handa sa pag-pasok sa trabaho.

Naabutan ko si mama na naghahain na ng mga pagkain at naglalagay na ng mga plato kaya agad ko siyang tinulungan.

"Ano edi sermon ka ngayon sa ate mo.." Sabi sakin ni mama. Kaya napanguso na lang ako at umupo na, ganun din ang ginawa nila ate at mama bago mag-simula kumain.

"CJ!" Tawag ko pansin ko kay Christian nang papasok na siya sa classroom nila. Hindi ako pinansin nito pero nahabol ko parin siya.

"Ano na naman ba?" Inis na tanong nito sakin habang lukot ang mukha na nakatingin sakin.

"Easy gusto ko lang ibigay sayo 'to.." Ngiti ko sa abot sa kanya ng frappe na paborito niya dumaan kasi ako sa coffee shop kanina then naisip ko na bilhan siya nun.

"Hindi ko kailangan niyan.." Inis niyang sabi. "Lira!" Tawag niya sa classmate niya, agad naman itong lumapit sa kaniya. "Sayo na.." Sabay abot ng binigay kong frappe. Tumingin muna siya sakin bago ako talikuran papasok sa classroom nila.

Wala naman akong nagawa kung hindi tumalikod na para pumunta na sa room o. Bagsak balikat akong naglakad. Buong klase ay parang wala ako sa sarili. Hindi ko kasi matanggap na tinanggihan na naman niya 'yung binigay ko sa kaniya. Sa bagay halos lagi naman niyang ginagawa 'yun sa tuwing nagbibigay ako ng kung ano-ano sa kaniya.

"Kanina ka pa wala sa sarili mo ha.." Tanong agad sakin ni Carla pagka-dismiss samin ng prof.

"Hindi na naman kasi niya tinanggap 'yung binigay ko.." Malungkot kong sabi sa kaniya. Wala siyang sinabi na iba at nag-lakad lang palabas ng room. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. I think may nililihim siya? Hinayaan ko na lang at lumabas na rin para maka-uwi na.

Hindi na ako nangulit pa kay Christian simula nung mangyari 'yung ginawa niya sakin. Oo makulit ako pero kapag ramdam ko na parang wala naman talagang interes sa akin ang isang tao o nag-mumukha na lang akong tanga ay tinitigilan ko na. Na-realize ko kasi na hindi lahat ng tao ay nakukuha sa mga pangungulit, kaya mas mabuti na tigilan mo na kesa naman na masaktan ka lang. Hindi ako katulad ng kaibigan ko si Eunice noh, na kahit nasasaktan na sige parin ang lapit.

Nag-focus na lang ako sa study ko dahil marami akong kailangan i-sketch na mga damit. Hindi ko na kasi minsan na napag-iisipan ng mabuti ang mga ginagawa ko minsan dahil lately palagi akong lutang.

Pansin ko rin ang pag-layo sakin ni carla na hindi ko naman alam ang dahilan. Ewan ko pa doon sa babaeng 'yun madalas talaga siyang may topak. Hinayaan ko na lang hindi naman titigil ang mundo kahit hindi niya ko pansinin. Hindi sa may galit ako sa kaniya, nagtatampo lang dahil bigla niya na lang ako iignorahin.

Palabas na 'ko ng university nang may makita akong pamilyar na pigura ng babae, sa sobrang marites ng ate mo sinundan ko siya na papunta sa isang restaurant na malapit lang rin dito sa university.

Nakita ko na siya na pumasok at umupo sa pan-dalawahang upuan at tila may hinihintay doon.

"Baka may lovelife na 'to si carla kaya hindi na 'ko pinapansin hahahaha.." Natatawa kong sabi sa sarili. Siguro nga kaya hindi na kami gaano nagpapansinan dahil busy siya sa lovelife niya. Funny.

Hindi ako umalis doon hanggat hindi ako nakakatsismis na sana hindi ko na lang ginawa nang makilala ko kung sino ang taong kinita ni Carla.

Ngumiti sila sa isa't isa at ang kinasakit ng puso ko ay ang pag-dikit ng labi nilang dalawa. Ngumiti sila sa isa't isa at parang nawarak ang puso ko sa sobrang sakit.

All this time alam niya na may gusto ako sa kaniya pero nag-mukha lang pala akong tanga dahil may relasyon pala sila. Kaya pala hindi ako magawa lapitan kasi meron na siyang mahal na iba. Kayang-kaya talagang durugin ni Christian ang puso ko sa madaling paraan. Shit. Sobrang sakit.

It's hurt...

****

:)

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now