9

2 0 0
                                    

Ang araw ko ay laging masakit sa ulo. Nakaka-stress! Alam niyo kung bakit? Syempre hindi niyo alam. Naiinis ako dahil walang araw na hindi ako kinukulit ng bwisit na lalaki na si Christian. Kung hindi ako pupuntahan sa department ko, ay susundan naman ako sa kung saan-saan.

Hindi ko nga alam e. Naka-baliktad na ba ang mundo? Kasi parang ako ang gumagawa niyan sa kaniya noon e. Minsan iniisip ko nga baka pinag-tritripan lang ako ng lalaking 'to e.

Nakabusangot akong lumabas ng building ng department namin dahil sinong hindi bubusangot kung 'andito na naman siya!

Ilang araw na rin ako naiinis sa mukha ni Carla na selos na selos dahil sa ginagawa sa akin ni Christian. Ang tigas kasi ng ulo ng lalaking 'yun! Sinabi ko na tigilan ako para walang gulo pero ang tigas parin ng bungo!

"Ano na naman ba ginagawa mo dito?" Sabi ko sa inis na boses.

"I'll take you to your home." Cool na sagot nito na parang hindi niya nakikita ang inis kong mukha. Ganyan 'yan sa araw-araw na parang hindi apektado sa pagka-inis ko sa kaniya.

"Kaya kong umuwi mag-isa." Sabi ko at nilagpasan na siya at dahil dakilang matigas ang ulo ng lalaking 'to sumunod siya sakin.

"No. Ihahatid kita."

"Ayoko nga! Ang kulit mo!" Sigaw ko sa sobrang inis sa kaniya.

"No."

Bumuntong-hininga ako para pigilan ang pag-sabog ng inis ko at huminga ng malalim. Wala naman na akong magagawa sa katigasan ng ulo niya kaya walang sense makipag-talo.

"Okay fine!" Sabi ko at tumalikod na papuntang parking lot dito sa university.

Naramdaman ko naman na sumunod na rin siya sa akin. Hinintay ko lang siya sa tabi ng sasakyan niya para buksan dahil naka-lock at nang mabuksan ay pumasok na agad ako ng hindi siya kinakausap.

Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Walang gusto mag-salita. Ayoko rin naman siya kausapin dahil naiinis parin ako sa kaniya hanggang ngayon.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hindi siya nililingon. Naririnig ko pa ang mga buntong-hininga niya pero hindi naman nag-sasalita.

Sa sobrang busy ko tignan ang nasa labas hindi ko na napansin na ibang daan pala ang tinatahak namin.

"Hoy! Saan tayo pupunta? Ihahatid mo lang ako diba?"

Wala akong narinig na sagot sa kaniya kaya mas lalo akong nainis sa kaniya.

Hinayaan ko lang kung saan niya ako dalhin at hindi na nag-salita pa. Nabu-bwisit lang ako sa kaniya.

Sumandal na lang ako sa upuan ng kotse at pinikit ang mga mata. Dahil siguro sa pagod at inis ko sa kaniya ay nakatulog ako.

Nang magising ako ay nasa pamilyar na lugar ako. Nasa magandang tanawin kami ulit.

Ako na lang ang nasa sasakyan nang magising ako. Alam ko na kung nasaan siya. Hindi talaga siya mahilig mang-gising!

Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko siya na nakatalikod sa pwesto ko at nakatanaw sa tanawin.

Hindi ko namalayan na napapangiti na lang ako dahil napapansin ko na ang hilig niya sa mga tanawin. Kapag tinitignan niya palang ay okay na siya doon.

"Bakit tayo nandito?" Bungad na tanong ko nang makalapit ako sa pwesto niya. Nakatayo lang ako habang nakatanaw din sa tanawin.

"Let's talk." Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Para saan? As far as I remember, wala tayong dapat pag-usapan." Sagot ko.

"We have and that's final." Pinal na sagot nito. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang umuusbong ko na naman na inis sa kaniya. Gosh! Masisira 'yung ganda ko sa lalaking 'to!

"Oo na meron na! So ano nga? Bakit kailangan natin mag-usap?"

Hindi siya nag-salita at naka-tingin lang sa tanawin. Parang nag-dadalawang isip kung sasabihin niya ba ang gusto niya sabihin.

"Let's give us a chance Athena,"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Walang lumalabas na mga salita sa bibig ko. Lumingon siya sakin na may nakikiusap na ekpresyon sa kaniyang mga mata.

"Please.."

Tumawa ako ng sarkastiko sa kaniya. "Seriously? Christian naririnig mo ba ang sarili mo! Chance? Sa pagkaka-alala ko ginawa ko ang lahat noon para mapansin mo at magustuhan mo, pero anong ginawa mo? Sinayang mo! Tapos ngayon sasabihin mo na bigyan ng chance? Ang alin? E hindi mo nga ako gusto diba?!"

"That's what I thought! I thought I will never like you because I have Carla but everytime you following me, giving me such stuffs and foods, and always put an effort to be close to me... I'm starting to feel the emotion towards you that I didn't know.."

Umurong ang dila ko dahil sa mga sinabi niya. Tila nawala ang tapang ko sa mga sinabi niya. He likes me? Kailan pa? Akala ko hindi niya ko gusto dahil lagi siyang naiinis kapag nasa malapit ako.

"Lagi kang naiinis sa akin kapag lumalapit ako sayo kaya paano ako maniniwala sayo?"

"I didn't ask you to believe me because I know what my mistakes to you but I want you to know that I like you Athena, please give me-us a chance.."

Hindi ako makapag-salita dahil sa mga sinabi niya. May halong takot at saya ang nararamdaman ko. Takot dahil sa mga mangyayari sa amin kung sakali man na bigyan ko ng chance ang sa amin. Saya dahil nalaman ko na hindi lang pala ako ang may gusto sa kaniya. Hindi man kagaya ng nararamdaman ko ang sa kaniya ay masaya parin ako dahil finally nagustuhan niya rin ako.

Hindi naman siguro masama kung pag-bibigyan ko ang hiling niya diba? Kasi gusto ko rin maranasan ang maging masaya. May takot ako sa maaaring kahahantungan ng magiging relasyon namin pero sabi nga nila diba, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

Matapos kong manahimik ng ilang minuto ay tumingin na ako sa kaniya na nakatingin rin pala sa akin.

"Ayoko sa manloloko Christian.." That's true. Na-trauma na ako sa ginawa ni papa kay mama. Nang dahil sa panloloko ni papa kay mama kaya kami nag-hirap noon buti na nga lang na ma-diskarte si mama kaya napalaki niya kaming dalawa ni ate ng maayos.

"Kaya ko sinasabi 'to dahil gusto kitang bigyan ng pagkakataon. Gusto kong maranasan kung paano ka ba mag-kagusto sa isang babae. Kaya nag-titiwala ako sayo CJ.."

Nakita ko na nag-liwanag ang mukha niya dahil sa tinawag ko sa kaniya at unti-unting sumilay ang magandang ngiti sa kaniyang labi. As always gwapo siya kapag naka-ngiti.

"Yes, I want to give you a chance CJ..."

****

:)

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now