10

5 0 0
                                    

"I'll fetch you tomorrow okay?"

Napag-pasyahan kasi namin na pumunta ng amusement park. Pang-bata man pero gusto ko lang ma-experience niya dahil hindi pa daw siya nakakapunta doon dahil noong bata daw siya puro pag-babasa lang ng libro ang ginagawa niya. Kaya masyadong matalino e.

Kaya nang tinanong niya ko kung saan ko gusto pumunta bukas para daw sa 'date' namin ay doon agad ang sinabi ko nang malaman ko na hindi pa siya nakaka-punta doon. Ang lungkot naman ng childhood niya.

Tumango ako sa kaniya at nag-paalam na din siya. Anong oras na kasi hindi pa kami nakakauwi. Buti na lang hindi ako pinapa-galitan ni mama at ate dahil sa anong oras na ako umuuwi. Medyo may pag-katsismosa pa naman si ate. Sana nga tulog na 'yun ngayon.

Nang makita ko na naka-alis na ang sasakyan niya tsaka lang ako pumasok sa loob. Pag-pasok na pag-pasok ko sa bahay ay doon ko pinakawalan ang kanina ko pa pinipigilang tili dahil kinikilig ako sa nangyari ngayong araw.

Sana lang ay hindi magising sila mama dahil sa tili ko. Hindi matanggal ang ngiti ko hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko.

Saglit lang ako na nag-shower at ginawa ang skincare routine ko tuwing gabi at tsaka na nahiga. Papikit na sana ako ng narinig kong mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bedside table at tinignan kung sino ito.

Agad pumaskil ang ngiti sa labi ko ng mapag-sino ang nag-message sa akin.

From: CJ💖

Just arrive at home. Sleepwell and dream of me. Goodnight!😉

Hindi mabura ang ngiti ko habang nagta-type ako ng reply ko.

To: CJ💖

Okay. Goodnight!

Kinabukasan ay maaga ako nagising para sa magiging lakad namin. Dahil malayo-layo ang pupuntahan namin kaya kailangan namin ng maaga bumiyahe.

Nag-suot lang ako ng black t-shirt crop top partnered by blue pants with white sneaker shoes. Nag-lagay lang ako ng light make-up at hinayaan ko lang nakalugay ang hanggang balikat kong buhok.

Pagtapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Ako lang ang tao dito sa bahay dahil kahit sabado ay may pasok parin sila mama at ate.

Ilang minuto lang ang may narinig na akong sasakyan sa labas tanda na nandyan na siya, nag-text kasi siya kanina sa akin na on the way na siya. Lumabas na agad ako para hindi na siya mag-hintay pa ng matagal.

Nang makalabas ako ay nakita ko agad siya na nakasandal sa sasakyan niya habang naka-cross ang dalawang braso.

Ngumiti agad siya sakin nang makita niya ako na palapit na sa kaniya.

"Goodmorning love!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang pag-init ng pisngi dahil sa endearment na tinawag niya sakin.

"G-goodmorning.." Sabi ko sa nahihiya na boses. Tumalikod na agad ako sa kaniya para hindi na niya makita ang pamumula ng aking pisngi.

Pinag-buksan niya muna ako ng pinto sa passenger seat. Nang makapasok na ako ay tsaka lang siya lumipat papunta sa driver seat.

Nag-suot lang muna kami ng seatbelt bago niya sinimulang paandarin ang sasakyan niya.

"I bought some snacks dahil alam ko na mahaba ang byahe and we're going to buy breakfast through drive-thru," Sabi niya habang naka-focus parin ng tingin sa kalsada.

Tumango naman ako bilang pag-tugon sa kaniya. "Buti naisipan mo bumili ng breakfast, hindi pa kasi ako kumakain." Sabi ko.

"Of course. I don't want to starve you.." Ayan na naman ang puso ko na bumibilis ang tibok sa simpleng bagay lang na sinasabi nitong lalaking 'to! Gosh!

"Okay! Buy to drive-thru then," Sabi ko at nag-focus na sa daan sa may bintana para maiwasan ang mga tingin niya sa akin.

Bumili lang kami ng burger, fries, nuggets and coffee para sa inumin namin. Ilang minuto lang ang hinintay namin bago namin makuha ang order namin.

Kumain lang kami habang buma-byahe kami. Sinusubuan ko siya dahil nahihirapan siyang kumain dahil nga sa nag-mamaneho siya.

"Love.."

"Hmmm." Sabi ko habang kumakain parin. Ako na lang ang umuubos dahil na-busog na daw siya. At dahil ayoko mag-sayang ng pagkain kaya ako na lang ang umuubos.

"Can I have a favor?"

Tinignan ko naman siya na nag-tataka. "What is it?"

"Ahm, Can you bake cupcakes again?" Nagulat naman ako sa sinabi niya at 'di kalaunan ay napangisi din ako.

"I thought ayaw mo ng maulit 'yun?" Tanong ko sa nang-aasar na boses.

"It's different when I say that."

"And what's the different?" Tanong ko ulit.

"Because that time when I say, I hope wala ng next time, I'm still confused but now I am sure with my feelings towards you, na gusto kita.."

Biglang tila umatras ang dila ko dahil sa mga sinabi niya. Grabe ang araw na 'to ha! Simula kanina walang kada-minuto na hindi niya ko napapa-kilig.

"Okay I bake you cupcakes again.." Sabi ko at umiwas ng tingin para hindi niya makita ang pamumula ulit ng aking pisngi.

"Thank you love.."

Ilang oras ang naging byahe naamin bago kami nakarating sa destinasyon namin. Ang Enchanted Kingdom. Hindi pa kasi ako nakakapunta dito. Mga perya lang kasi ang napupuntahan ko noon kaya may experience din ako pag-dating sa amusement park.

Nang makapag-park na si CJ ay bumaba na agad kami. Namangha ako sa entrance pa lang. Sa labas pa lang ay makikita mo na agad ang ferris wheel na malaki. Parang kingdom talaga sa sobrang ganda ang lugar na 'to.

Bumili lang kami ng ticket na si CJ din ang nag-bayad. Hindi niya ko gustong pag-gastusin kahit gustong-gusto ko dahil nahihiya ako.

Nang maka-pasok na kami ay lalo akong namangha sa iba't ibang rides na nakikita ko. Ang dami pang tao na nasa paligid na halatang in-enjoy.

Nang matapos kong ilibot ang aking paningin ay nag-yaya na agad ako sa mga rides na makikita ko.

Nag-try kaming Air Prodactyl, Anchors away, Bouncing boulder, Dodgem, Flying fiesta, Jungle log jam, Space shuttle, Roller skater at madami pang iba. Kahit medyo kinakabahan ako sumakay dahil mas pinili naming sakyan ang pang-adult na rides ay sumakay parin kami.

Nang malapit na mag-hapon ay ang huli naming sinakyan na rides ay ang wheel of fate kung saan ay makikita mo ang magandang view ng buong amusement park.

Nilalasap ko lang ang masarap na hangin habang nagsisimula na umandar ang rides. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina sa iba't ibang rides na nasasakyan namin.

Bawat rides ay meron kaming picture syempre hindi pwedeng mawala 'yun, memories din 'yun kung sakali na hindi kami umabot hanggang future. Pero sana 'wag naman, duh!

"Picture tayo ulit!" Sabi ko nang nasa pinaka-tuktok na kami ng rides.

Tumango siya sakin at sinimulan ko na itapat sa amin ang camera ng cellphone ko. Iba't ibang post ang ginawa namin bago kami huminto at tumingin sa labas.

"Did you enjoy?" Tanong niya.

"Oo naman! Masaya! Grabe mas masaya pala talaga kapag madaming rides noh? Hindi katulad doon sa peryahan dati, ang konti lang ng rides hahahaha.." Tumawa rin siya sa akin kahit alam ko na hindi siya relate dahil ngayon lang naman siya naka-punta sa amusement park.

"Glad that you enjoy.." Sabi naman nito habang nakangiti sa akin ng malawak. Grabe madalas na siya ngayon ngumiti, hindi katulad ng dati na palagi siyang seryoso.

"How about you? Did you enjoy?" Balik ko naman na tanong sa kaniya.

Nailang naman ako ng tumitig siya sa akin ng matagal bago siya sumagot na nag-patibok ng mabilis sa puso ko.

"Of course I enjoy because... I'm with you.."

****

:)

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now