19

5 0 0
                                    


Ilang linggo na ba?

Isa? Dalawa? Tatlo? Ay isang buwan na pala simula nang hindi na gaanong nagpaparamdam si Christian.

Hindi ko alam kung ano na ang nagyayari sa kaniya. Kahit sa university hindi kami nagkikita since magkaiba kami program.

Nang bumalik kami galing semester break ay ganito na ang nangyari sa amin. Hindi na siya nagpaparamdam sa hindi ko malamang dahilan.

Ang daming bumabagabag sa isip ko pero ayoko paniwalaan kasi alam kong hindi niya gagawin 'yun. May tiwala ako sa kaniya.

After class nag-decide akong puntahan siya sa condo niya since doon ko lang naman siya makikita. Madalas kasi puro aral lang ang ginagawa nun o kaya natutulog kapag may free time.

Sumakay ako ng taxi para mapabilis ang punta ko sa condo niya. Kailangan namin mag-usap dahil hindi pwede 'yung ganito na wala siyang paramdam.

Nang nakarating ako sa harap ng building kung saan ang condo niya ay agad akong pumasok at sumakay ng elevator.

Habang umaandar pataas ang elevator ay kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

Nang makarating ako sa tamang floor ay lumabas na ako at hinanap ang number ng condo unit niya.

Kumatok ako ng tatlong beses pero dumaan ang ilang segundo ay walang nagbubukas.

Ilang beses pa akong kumatok pero nang akmang kakatok na ako ay biglang bumukas ang pinto.

Agad akong naghanda ng matamis na ngiti pero nawala din 'yun nang mabungaran kung sino ang taong nag-bukas sakin.

"Sino ba 'tong katok nang katok?" Sabi ng taong nag bukas sakin ng pinto pero nang makita ako ay agad siyang natigilan at ngumisi sakin.

"Ow! Tina 'andito ka pala!" Sabi niya at matamis akong nginitian.

"Anong ginagawa mo dito sa condo ni Christian?" Tanong ko sa kaniya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng isang babae sa condo ng lalaki na sila pang dalawa?" Tanong niya na may panghahamon na tingin.

"Carla hindi ako nakikipagbiruan sayo! Sagutin mo ko ng maayos!" Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa prustrasyon ko.

"Gusto mo talaga na sagutin kita ng maayos ha? Okay fine!" Sabi niya at tinignan ako na parang nanguuyam.

"I'm here because me and christian are back together!"

Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Carla sa akin.

"Nagkabalikan kami nang nasa states kami, we confess that we still inlove with each other in short pinaglaruan ka lang ni Christian."

Hindi ko na napigilan ang luha kong pumatak dahil sa mga nalaman ko.

"Hindi ako naniniwala!" Sigaw ko.

"Edi don't! Dahil hindi naman kita pipilitin na paniwalaan ako! Tsaka nasa harapan mo na ang evidence bakit hindi ka parin naniniwala?" Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.

Sa sobrang hindi ko na kinaya ang sakit at tumalikod na ako at lumayo kung saan ang condo ni christian.

Tumakbo lang ako nang tumakbo na walang patutunguhan.

Umuwi ako ng bahay na lutang pa. Hindi ko na nga napansin na tinatawag pala ako ni ate na nasa sala. Masyado akong okupado sa mga nalaman ko.

Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang mga sinabi ni Carla o hihintayin ko muna ang mga paliwanag ni Christian.

Dapat ko muna bang pakinggan ang mga paliwanag niya? Pero nakita ko na mismo ang ebidensiya. Alam kong hindi basta-basta nagpapapasok sa condo niya si Christian unless binigyan ka niya ng permiso.

Kinabukasan maaga akong pumasok. Hindi na nga ako nakasabay sa almusal nila mama at ate dahil wala akong gana. Napansin naman siguro nila 'yun kaya hindi na nila ako pinilit.

Habang papasok sa gate ng university ay nakita ko ang isang taong ilang araw ko rin na hindi nakita.

Napantingin siya sa direksyon ko nang maramdaman siguro niyang may nakatingin sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin pero wala akong pinakitang emosyon sa kaniya.

Ang kapal ng mukha niyang ngitian ako pagtapos niya kong lokohin?

Lumapit siya sa puwesto ko at yayakapin sana ako nang lumayo ako sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng nagtatakang tingin.

"Love? Anong problema" Tanong niya.

"Tangina mo lumayo ka sakin!" Sabi ko sa nagtitimpi na boses dahil maraming estudyante at ayoko gumawa ng eskandalo.

"W-what? I don't understand you. Let's talk please?"

Pumayag akong mag-usap kami sa loob ng sasakyan niya para magkaroon kami ng privacy. Eto na rin naman ang huling paguusap at pagkikita namin.

"Nasaan ka nung sem break?" Bungad na tanong ko sa kaniya habang nakatingin lang sa harapan.

"I told you, nasa states ako with my family right?" Sabi niya habang nararamdaman ko na pinagmamasdan niya ko.

"Yeah kasama mo ang family sinabi mo sakin pero yung kasama si carla? Sinabi mo ba?"

Natigilan siya sa sinabi ko at nag-iwas ng tingin.

"Bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo?!" Nagtaas na ako ng boses dahil sa reaction niya.

"Love nagkataon lang 'yun, hindi ko alam na nasa states din siya nung nagpunta ako dun.."

Natawa ako nang mapakla sa sinabi niya. Putangina sinungaling!

"Really? So paano mo rin ipapaliwanag na naabutan ko siya sa condo mo?"

Nagulat siya sa sinabi ko siguro guilty kasi totoo.

"Love! Wala akong alam na nasa condo ko siya!" Sabi niya at sinubukang hawakan ang aking kamay.

"Sinungaling! Manloloko ka!" Sabi ko at nagsimula nang tumulo ang aking luha.

"Pinagkatiwalaan kita! Sabi mo hindi mo ko lolokohin katulad ng ginawa ng tatay ko! Pero ginawa mo parin! Hayop ka!" Sigaw ko sa sobrang prustrasyon.

"Love hindi kita niloko. Please maniwala ka sakin.." Sabi niya at sinusubukan ulit akong hawakan pero tinatabig ko ang kamay niya.

"Ayoko na."

Natigilan siya sa sinabi ko at umiling-iling na tumigin sa akin.

"Love, no please.." Sabi niya sa nagmamakaawa na boses.

"Sinabi ko na ang desisyon ko Christian at wala ka ng magagawa dun. Pwede na kayong maging masaya ni Carla.."

Pinipilit niya akong yakapin pero hindi ko siya hinahayaan.

"Love let me explain please? Hindi kita niloloko.."

"Hindi niloloko? Hindi pa ba sapat lahat ng nakita ko? Tangina niloloko mo ko!"

Umiling-iling siya at pilit pa rin akong nilalapitan.

"Hindi ko na kaya ulit na masaktan Christian, kaya mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo.." Sabi ko habang nakatingin parin sa harapan at luhaan.

"At sana hindi na muling magtagpo ang oandas natin.."

Pagtapos ko sabihin 'yun ay nagmadali na akong lumabas sa sasakyan niya at hindi na muling nilingon siya kahit tinawag niya ang pangalan ko.

Masakit na palayain ko siya pero wala akong magagawa. Ayoko na masaktan pa ng todo.

****

:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now