18

5 0 0
                                    


Hating gabi na nang sinapian ako ng gutom. Paano ba naman kasi sa kaka-scroll ko sa facebook ay puro mukbang ang nakikita niyang video.

Kaya hindi ko maiwasan na mainggit lalo na 'yung kumakain ng milktea, burger, and fries! Gosh! Pwede naman akong lumabas kaso ang inaalala ko ay anong oras na baka ano pang mangyari sa labas eh!

Ang ginawa ko na lang dahil frustrated ako at nagugutom,  nag-tweet na lang ako para i-rant ang gusto niya.

'Gusto ko Melkte, Burgir, and prays!!!🥹🥹'

Ayan ang tweet ko sinadya ko talaga ganyan ang typings para wala lang, papansin lang. Char!

Nag-scroll ulit ako sa facebook nang matapos ko i-tweet 'yun.

Ilang minuto akong puro scroll lang at nood ng mga video nang mag-ring ang phone ko dahil sa isang tawag ni Christian.

Kunot noo ko naman itong sinagot.

"Hello? Love bakit ka napatawag?" Tanong ko nang masagot ko na ang tawag.

"I'm here outside your house." Ayun lang ang sinabi niya at pinatay na bigla ang tawag.

Dali-dali naman akong bumaba para pumunta sa labas at nakita ko nga siya sa labas ng bahay dahil nakita ko ang pamilyar na sasakyan niya.

Lumabas naman siya at may dalang paper bag na may tatak na pamilyar na fast food at brand ng milktea shop!

"Love anong ginagawa mo dito? Anong oras na ha, dapat natutulog ka na.." Sabi ko.

Nang makalapit naman ako ay agad niya akong hinalikan sa noo at ibinigay ang mga dala niyang paper bag sa akin.

"Ano 'to?"

"Food. I bought you a milkea, burger, and fries. Like what you said on your tweet."

Bigla naman akong kinilig dahil sa sinabi niya. Gosh! Sineryoso niya pala ang tweet ko na 'yun!

Walang pagaalinlangan ko naman siyang sinunggaban ng yakap at hinalikan sa labi.

"Thank you so much love! Pumunta ka pa talaga dito nang ganitong oras para bilhan lang ako nito.." Sabi ko at pinatong ang baba ko sa dibdib niya dahil nakayakap ako sa kaniya.

"Basta para sayo.."

Umuwi rin naman siya agad nang gabi 'yun dahil pareho pa kaming may pasok kinabukasan. Hinatid lang niya daw talaga ang gusto kong pagkain. Sweet talaga ng bebe ko!

Pagbalik ko sa aking kwarto ay pinicturan ko agad ang dalang food ni CJ para sakin at nag-story sa IG account ko na may caption na 'thanks bf!❤️❤️' at minention ko din siya para makita niya agad.

Nag-tweet naman ulit ako at nang matapos ay kinain ko naman ang mga foods na dala niya na may ngiti sa labi.

Craving satisfied ang beshy niyo!

Abala ako sa pagaayos nang aking sarili sa comfort room ng university nang may pumasok na isang bruha. No other than Carla.

"Hi bitch!" Bati niya sakin.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalagay ng kaunting liptint sa aking labi.

"Yumayabang ka na ha, parang hindi mo naman ako naging kaibigan niyan Tina."

Palihim akong umirap sa sinabi niya. "Hindi naman talaga kasi wala akong kinakaibigan na pangit." Sabi ko at ngumisi sa kaniya sa repleksyon ng salamin.

Nakita ko naman ang galit niyang mukha kaya natawa na lang ako.

Lalabas na dapat ako nang bigla siyang magsalita.

"Magsaya ka ngayon with your so called boyfriend dahil malay mo isang araw umiiyak ka na dahil niloloko ka lang pala."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tuluyan ng lumabas.

Pero ang sinabi niya ay hindi na mawala sa isip ko.

"Hey love.."

Hindi ko na malayan na kanina pa pala ako nakatulala dito habang kinakausap ako ni Christian.

"M-may sinasabi ka ba love?" Tanong ko.

Hindi kasi mawala sa isip ko 'yung sinabi sakin kanina ni Carla sa cr ng university kaya nang masundo ako ni CJ ay wala ako sa aking sarili.

Kumakain na nga kami sa isang restaurant ay 'yun parin ang iniisip ko.

"I said what is your plan in our semestral break?"

Oo nga pala malapit na rin ang semestral break at makakapag-pahinga na rin ako kahit sa kaunting panahon lang.

"Ah, hindi ko pa alam eh. Baka sa bahay lang ako para makabawi din ako ng pahinga."

Tumango naman siya sa aking sinabi. "I noticed earlier that you always spacing out. Do you have a problem love?"

Nakitaan ko naman siya nang pagaalala sa kaniyang mukha kaya upang hindi na siya magisip pa at nginitian ko siya sabay habang ng kaniyang kamay na nasa lamesa.

"Wala love. Promise."

Nakita ko naman na naniwala siya at pinagpatuloy na lang ang kaniyang kinakain at ganun din ako.

Dumating nga ang araw ng semestral break namin. Wala naman na akong gaanong gagawin dahil tinapos ko na 'yung mga pendings ko para hindi na ko masyadong magahol sa gawain.

Sa buong semestral break ay nasa bahay lang ako. Wala kasi dito si Christian pumunta ng states para bisitahin ang lolo at lola nila doon kaya sa buong semestral break ay tambay lang talaga ako sa bahay.

Kakatapos ko lang maglinis ng buong bahay kaya nag-scroll na lang ako sa Instagram. Habang tumitingin ako ng iba't ibang post ay may nadaanan ako na picture.

Post 'yun ni Carla na, hindi ko alam na mutual pa pala kami sa Instagram.

Selfie niya 'to at may background na figure ng tao sa likod niya na isang lalaki.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti dahil parang pamilyar sakin ang pigura ng lalaki na hindi ko alam kung sino pero may naiisip ako na isang tao ayoko lang mag-assume agad.

Nagbasa ako ng comment at puro mga kaibigan niya lang ang nag-comment pero may isang comment na nakapukaw ng atensyon ko.

hannahjay

@carlarms. kala ko ba hiwalay na?

@carlarms replied to @hannahjay

nope, lowkey lang i guess magkasama nga kami ngayon sa states eh🤭

Natigilan ako sa reply ni carla. Magkasama sa states? Isan lang naman ang nasa isip ko na nasa states.

Tugmang-tugma din ang figure niya sa background ni carla.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa instinct ko o nag-aasume lang talaga ko.

Niloloko mo ba ko Christian?

****

:)

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now