12

2 1 0
                                    

Naging maayos ang takbo ng relasyon namin ni Christian kaso hindi mo nga lang maiiwasan ang mga away at higit sa lahat ang mga pang-eepal ni Carla.  Ayoko lang talaga ng gulo kaya hindi ko na rin iniintindi and as long as hindi siya pinapansin ng boyfriend ko ay hindi ko siya papatulan.

Ngayong araw ay ipapakilala ako ni Christian sa mga magulang niya. Enebe kinikilig ako!

Kinakabahan din ako kasi baka hindi nila ako matanggap para sa anak nila. Baka mamaya kapag nagkita kami ay mag-offer sila ng 1million para layuan ko 'yung anak nila, charot!

Nagsuot lang ako ng red floral dress para presentable naman akong haharap sa mga magulang ni Christian, 'yung tipong dalagang pilipina hehe. Pinares ko lang ang suot kong dress sa white heels na hindi naman gaanong kataasan para hindi rin ako matapilok.

Nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili ko ay bumaba na ako para umalis. Nag-paalam na muna ako kay mama dahil si ate ay wala may gumala palibhasa day off niya ngayon.

Nang makalabas ako ay nabungaran ko ang isang kotse at alam ko na kung kanino yun. Syempre sa boyfriend kong pogi. Nang makita niya akong lumabas ng gate ay siyang pag-labas niya rin ng kotse niya, siguro naiinitan sa labas kaya sa loob ng kotse na niya lang ako hinintay.

"Kanina ka pa love?" Tanong ko nang pag-buksan niya ako ng pinto ng shotgun seat. So sweet!

Pumasok muna siya sa driver seat bago niya ako sagutin. "Nope, halos kakarating ko lang din." Sabi niya sabay halik sa aking labi.

Iniwas ko ang aking paningin sa kaniya upang hindi niya makita ang pamumula ng aking pisngi dahil sa ginawa niya.

Hindi na ako nag-salita at sinimulan na niyang paandarin ang kotse. Tumingin naman ako sa kaniya habang nag-mamaneho siya, kahit nagda-drive ay gwapo parin siya.

Natuwa ako sa kaniyang ayos kaya pasimple kong nilabas ang phone ko para kuhaan siya ng picture habang nagda-drive.

Nang matapos ko siyang kuhaan ng picture ay pumunta agad ako sa instagram para ma-post ko na. Syempre hindi pwede hindi ko siya ipag-mayabang noh.

Nag-caption lang ako ng 'my poging bf/driver <3' at agad ko ng sinave ito. Ti-nag ko din siya para naman mapansin niya baka kasi sa sobrang dami niyang followers sa IG niya ay 'di niya mapansin ang post ko na 'to.

Mabilis naman may nag-heart sa post ko at nag-comment lalong lalo na ang mga kaibigan ko.

@andreakm. 

ang yabaanggg mo naman po😭😭😭

nagreply naman ako sa comment ni andeng.

@tinaroselpz replied to @andreakm. 

ako lang to beshy😋😋

@Lovesarmiento

Dapat pala di na lang ako nagopen ng ig ko, umayy

@tinaroselpz replied to @Lovesarmiento

wag ganun mawawalan ako ng pretty na beshy😉

@siosooonej

sanaol po. 

@trinaroselpz replied to @siosooonej

try mo umamin magkakaron ka niyan :)

Marami pang mga nag-comment 'yung iba mga kaibigan ni Christian na naging mutual ko na lang na hindi ko matandaan kung paano.

Napapangiti ako sa mga comment nila dahil lahat sila ay pinupuri si Christian. 

"Why are you smiling?" 

Hindi ko na napansin na nakatingin na pala si Christian sakin dahil nag-red light pala. Sa sobrang busy ko siguro sa mga comment sa post kaya 'di ko napansin.

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now