11

6 0 0
                                    

Hindi matanggal ang ngiti ko kahit nakalipas na ang araw nang huling kaming mag-date ni CJ! Hanggang ngayon kasi ay parang na-iimagine ko parin 'yung mga masasaya naming moments nun.

Sinipag ako mag-aral at mag-recite dahil doon. Ginawa ko lahat ng hindi pa deadline na mga kailangan namin i-sketch dahil sa mood kong maganda.

Nang dumating ang lunch break ay nagmadali akong lumabas dahil hinihintay ako ni CJ. Simula kasi nang bigyan ko siya ng chance at simula nang mangyari ang date namin ay sabay na kami laging kumain ng lunch. Medyo nauuna lang siya sakin dahil mas nauuna ang oras ng lunch break nila. Hinahatid niya rin ako kapag pauwi na dahil ayaw na niya akong mag-commute dahil delikado daw. Sanay naman na ako pero mapilit siya kaya hinayaan ko na lang siya. Pabor rin naman sakin yun. hihi!

Palabas na sana ako ng room kung hindi lang may humarang na asungot sakin at walang iba kung 'di si carla.

Napairap na lang ako nang ngumisi siya sakin. Ano na naman ba problema nito? Nananahimik na ako diba?

"What?" Tanong ko dahil nakatingin lang siya sakin na parang tanga.

"Masyado mo namang ineenjoy na kasama mo si Christian noh? Hindi na ba makamot ng iba 'yang kakatihan mo kaya kay Christian mo pinapakamot? Sa boyfriend ko!" Sigaw niya sakin.

Pumikit ako ng mariin at pinakalma ang aking sarili dahil baka hindi ako makapag-timpi sa babaeng 'to.

Bumuntong-hininga muna ako bago ako dumilat ulit. "Anong boyfriend sinasabi mo? Wala na kayo diba? Hindi ka ba makaintindi na hindi na ikaw 'yung gusto niya!"

Hindi ako naka-galaw ng lumapat ang palad niya sa pisngi ko at tumagilid pa ito. Ngumisi siya sakin na tila natutuwa pa sa ginawa niya.

"Masakit ba?! Ayan ang napapala ng ahas na katulad mo!" Sigaw niya sakin kaya hindi na ako nakapaag-pigil at nasampal ko na rin siya.

Tila natigilan siya sa ginawa ko dahil siguro hindi niya expected ang ginawa kong pag-sampal sa kaniya.

"How dare you!" Sigaw niya at biglang hinila ang buhok ko.

My god! Ang childish talaga ng babaeng 'to kapag napipikon bigla na lang nanghihila ng buhok. Dahil masakit ang pagkakahila niya sa buhok ko ay hindi ko na rin maiwasang gantihan na rin siya.

"Carla stop!" Sigaw ko dahil gumagawa na kami ng eksena dito.

"No! You whore! Mang-aagaw!" Sabi niya at lalo pang hinigpitan ang pag-hawak sa buhok ko.

"Hey! Stop!" Isang pamilyar na boses ang narinig kong pumipigil sa amin at tinatanggal ang pagkakahawak namin sa isa't isa.

Dahil masyadong agresibo si carla sa pag-hila ng buhok ko ay nahihirapan si CJ na awatin kami. Kahit kelan war freak talaga 'tong si carla!

"I said stop!" Sabi ulit ng boses na 'yun at kasabay ng pagkakatanggal namin sa isa't isa ni Carla.

Nang nakatanggal na kami sa isa't isa ay hinarap ako ni Christian ang pumigil sa amin kanina.

"What happened?" Sabi niya na may pag-aalala sa boses at hinaplos ang aking dalawang pisngi.

Sasagot na sana ako nang makarinig kami ng isang iyak na halata naman na papansin lang. Syempre sa papansin rin galing 'yun. Kay carla.

"How dare you to hurt me tina! Christian sinaktan niya 'ko!" Pagsususmbong niya na parang bata.

Napairap naman ako dahil sa kaartehan niya. Papansin talaga. Ang galing gumawa ng kwento para lang mapansin.

Hindi naman umalis sa pwesto si CJ at nakahawak parin siya sa aking mukha. Shala naman neto! Ayaw paistorbo sa lambingan namin charot!

Muli na namang nag-salita si carla pero this time ay hinarap na siya ni CJ dahil pansin ko na naiinis na rin siya sa boses nito. Sino bang hindi maiinis, napaka-pabebe ng boses.

"Stop your drama carla! Nakita ko ang lahat kaya 'wag ka na mag-inarte diyan!" Sabi niya at hinila na ako palabas ng classroom, siya na rin ang nagbitbit ng bag ko.

Narinig ko naman na napasinghap ang mga nakichismis na estudyante dahil siguro sa napahiya si carla. Deserve!

Hinila niya lang ako hanggang sa makapunta kami sa parking lot para sumakay sa sasakyan niya. Pinasakay niya muna ako bago siya sumakay din.

Habang nagmamaneho siya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya dahil parang ang lalim ng iniisip niya. Siguro iniisip niya parin 'yung nangyari kanina.

Tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami sa condo niya hindi ko maiwasang magalala sa kaniya.

Kumain lang muna kami ng niluto niyang adobo at pagtapos nun ay nanoond lang kami ng netflix. Wala naman na kaming klase na susunod kaya napagpasyahan na lang naming manood.

Tahimik parin siya hanggang sa hindi na ako nakapag-pigil at tinanong ko na mismo siya.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik.." Sabi ko habang siya ay nakatutok ang mata sa tv.

Lumingon naman siya sakin at tsaka bumuntong hininga ng malalim.

"I'm scared love.." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Why?" I asked

"Natatakot ako na may magawa ako na hindi ko sinasadya athena lalo na at hindi parin tumitigil si carla.." Sabi nito habang mapungay ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Hindi mo naman ako sasaktan diba?" Tanong ko sa kaniya.

"Of course, hindi ako gagawa ng ikakagalit mo sakin love at hindi rin ako gagawa ng dahilan ng pag-iwan mo sakin.."

"Oh ayun naman pala e. As long as hindi mo 'ko sasaktan wag kang matakot okay?" Sabi ko at hinawakan ang pisngi niya na parang bata.

"I promise that I'll never hurt you love.."

****

:)

Missing Your Promise (Promises Series #2)Where stories live. Discover now